Chapter 26: Maybe

Start from the beginning
                                    

Iisa lang ang natatanging kalmado sa aming lahat. It was Kaise's own mother, Circe. May naglalaro lang na ngiti sa mga labi niya habang pinapanood ang anak niya.

We all found out why moments later, when Kaise threw her body in the air to body-slam the boy who didn't know what was coming for her. The boy tumbled. Kaise almost did the same, but she managed to get her footing and run without looking back. Naiwan ang batang lalaki na nakahandusay sa lupa at ngayon ay pumapalahaw na ng iyak.

"Kung ako sa mga magulang niyan hindi ko na iyan isasali sa preschool swim meet next month." Circe turned to look at us, her eyes glinting. "Kaise will destroy him."

Nakatulalang nakatingin lang kami sa babae na ngingiti-ngiting ibinalik ang atensyon niya sa competition.

I slowly turned to my back, and I whispered to my brother Coal, who was sitting behind me, "Akala ko pinaka-chill si Circe sa lahat ng taong nakilala ko. Your wife is frightening."

"When it comes to Kaise, she is."

Nang lingunin ko siya ay napangiwi ako nang makita ko ang paraan nang pagkakatingin niya sa asawa niya. Ew. I need to bleach my brain. Hindi na kasi kailangan ng salita para malaman ko kung anong iniisip niya habang nakatingin sa asawa niya na kumindat lang sa direksyon niya. Mga walang pakundangan! Ang haharot!

Bumalik ako sa pagkakaupo at ganoon din ang iba pa. We're all sitting on the bleachers. Sports Fest kasi ng school ni Kaise dito sa Batangas at kasama ang preschool sa mga lalaban. It's her first big event kaya basta kaya ay ginawan namin ng paraan na i-move ang mga schedule namin. Kaya lang talagang hindi kaya ng iba ko pang mga kapatid na ngayon ay nakikinood na lang sa live streaming ni Kuya Domino. Hahabol na lang daw sila mamaya sa dinner celebration para kay Kaise.

"Grabe!" Pinaypayan ni Lucienne ang mukha niya. "Ganito pala ka-intense ang mga ganap sa school ngayon."

Sumandal si Belaya sa kinauupuan niya. "Triggered lang kamo tayo—"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang makita naming narating na ni Kaise ang finish line. We all clapped loudly, screaming Kaise's name, who turned in our direction and waved.

"Oh my gosh!" I shrieked. "She waved at us!"

Kinaway ni Lucienne ang mga kamay niya. "Ang cute cute! I cannot!"

"Go baby shark!" Mireia cheered.

Tiara turned to look at my brother, Domino. "Zmiya, make sure you're capturing this!"

The other women cheered loudly. Maging ang mga lalaki ay pumapalakpak at kumakaway sa direksyon ng bata na ngayon ay nilapitan ng mga pinsan niya na sina Arctic, Cookie, Abriel, at Aella. Kasama kasi namin ang apat na mga bata at imbis na umupo kasama namin ay nasa baba sila dahil gusto raw nilang manood ng malapit. Except for Lush Jr., who's sitting quietly on Ember's lap, the other babies are in Cavite since we can't bring them all.

Kumunot ang noo ko nang may mapansin ako. "Hmm?"

"What?" Ember asked who was sitting closest to me.

I couldn't answer her. I was completely focused on the field. Kita ko kasi na lumapit ang isang babae sa batang nanggitgit kay Kaise kanina. Nakatalungko siya sa anak niya at may sinasabi siya pero may palagay ako na malakas ang boses niya dahil napatingin sa kaniya ang mga pamangkin ko.

I moved a little so that I could see the woman's face. "Ganiyan talaga. They think they can get away because their family is famous." I felt my family's eyes on me. I could feel my blood rising with each word I'm uttering. "Hanggang popularity lang naman ang mga 'yan, baby. Your uncle is a teacher at this school. Huling sali niya na 'yan."

Dagger Series #8: UncoveredWhere stories live. Discover now