TDITA 14: I'm What?!...

Comenzar desde el principio
                                    

"Can we all talk?" paumpisa ko. Tinitigan naman ako ni ate Kirsten at pinapahiwatig niyang hindi hanggat kasama ko si Stephen

"It's ok. I know him" medyo nabigla ako sa sinabi ni kuya Iain dahil may naghihinala na rin naman ako

"Doon tayo sa guest room kung nasaan ang mga kasama mo. Dapat na nilang malaman kung pati sila ay nadamay na" sabi ni kuya Iain. Tumango naman ako sa kanya at tumungo na kami sa guest room, naabutan namin na umiiyak parin si Bea at kinocomfort naman siya ni Serina. Nang makita nila kami ay medyo nagtaka yung dalawa at sinenyasan ko sila na umayon nalang sa lahat.

"They're coming" mahinang sabi ni Serina. Dumungaw ako sa may pinto at nagtawag ng maid. Sinabi kong pag may nagpuntang Queenie ang pangalan ay papasukin kasama ang mga kasama niya at dumiretso dito sa guest room. Umupo na ako sa tabi nila Serina at Stephen at humarap kami kila ate. Nagpakawala muna sila ng malalim na buntong hiniga bago nagsalita si kuya Iain

"About sa'yo, alam na namin. About sa nangyari kagabi... hindi pa pwedeng malaman" napatayo naman ako sa sinabi niya

"What? ililihim niyo parin kahit nadadamay na ang mga kaibigan ko? kahit napapahamak na sila?" singhal ko sa kanila

"It's for the better Kia. All we can say is your protection is the priority" nag-init naman lalo ang ulo ko sa sinabi ni ate Kirsten

"So kahit mamatay na lahat ng mga kaibigan ko ng dahil sa punyetang proteksyon ko? Kahit na mawala at mapahamak rin kayo?!" sigaw ko. Kita ko ang pagpikit nila ng mariin at pagsapo sa mga noo nila

"Yes, if that's the only choice for your safety" sabi ni kuya Iain

"Why? sino ba talaga ako?" sabi ko at napaupo na ako, napahikbi na rin ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Handa nilang isakripisyo ang mga buhay nila para sakin? bakit anak ba ako ng isang malakas na organisasyon? anak ba ako ng presidente? ano ba talaga?

"Soon. Not now, not tomorrow but soon" sabi ni ate Kirsten at niyakap ako ng mahigpit. Saktong may kumatok sa pinto at pumasok sila Queenie na halata ang pagmamadali at kabang nararamdaman nila. Nagulat sila ng makita nila ako at ang mga kuya ko at lalo na kila Bea. Agad silang lumapit kila Bea at niyakap ito dahil iyak parin ito ng iyak. Nang maging kalmado ang lahat ay tabi tabi kaming grupo at ni Stephen at kaharap namin ang mga kuya't ate ko

"What's the plan? ano naman kung kailangan niyo akong protektahan?" panimula ko

"Basta protection mo ang priority at gagawin namin ang lahat para dun" sabi ni Adrian

"Sa tingin niyo maliliwanagan ako sa mga sagot niyo?" malamig kong sagot 

"You don't understand..." pinutol ko ang sasabihin ni ate Kirsten

"How can I understand if you won't tell me the truth? The truth which is the reason to all of this, the reason why my friends are in danger, the reason why you need to protect me?!" madiin at pasigaw kong wika

"Is it because she's the daughter of death lord?" biglang sabat ni Ciara. Namutla naman sila kuya at ate sa sinabi ni Ciara, hindi sila nakasagot

"So, I guest I'm right. Count us in. We'll do everything for her protection" sabi niya pa. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Who's that death lord?



Someone's POV

"Sir, nag-umpisa na po sila sa pagtugis sa MP. Pero ang nakakapagtaka po is iisang grupo lang ang inaatake nila which is the rank 1 gang in the whole Asia" sabi sakin ng tauhan ko

The Demon Inside The Angel (TDITA)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora