TDITA 14: I'm What?!...

3K 79 18
                                    

Tahimik lang kami sa buong byahe papuntang Ofalsa University, kahit sa mansyon ko kanina wala ring kumibo. Mas mabuti na rin yun dahil wala rin silang makukuhang impormasyon sakin, but I'm so confused... kung parte ng mafia group ang kuya ko base dun sa tattoo niya... bakit di man lang niya sinasabi? pati si ate Kirsten ay magaling makapaglaban... Hangga't di nila ino open yun sakin, wala rin akong sasabihin.

Andito na ako sa university at ramdam na ramdam ko ang mga maiinit na tingin sakin. I manage to walk and himala... walang sumalubong sakin na Yuan at Drew sakin. Anyare?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at pumasok sa room but wrong move. Sumalubong sakin ang isang napakalagkit at masarap na pie sa mukha ko. Di ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa mahulog na ito sa mukha ko.

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawanan ng mga kaklase ko T^T Naiiyak na ako pero may biglang humatak ng kamay ko palabas at hinihila ako, di na ako nagprotesta dahil masyadong occupied ang utak ko sa mga nangyayare sakin. Ano bang ginawa ko sa kanila? 'Ako na kasi bahala sa kanya, sisiguraduhin kong di mo na mararanasan yan' sabi ng other side ko. 'Hinahayaan mo kasi silang ganyanin ka eh, tuturuan ko lang naman ng leksyon para madala' sabi niya ulit. No, ayoko ng gulo dito. Alam kong angat ako sa kanila kaya di ko sila papatulan, wag lang nila akong sagarin dahil ipapaubaya ko talaga sila sa kanya. 'I can't wait for that time to come'  sagot niya. 

Ipinasok ako sa C.R ng humila sakin, lalaki pala siya. Itinulak niya ako sa loob at umalis. Parang si Stephen yun ah if I'm not mistaken. Naghilamos na ako at kinontact sila Queenie at Devone and after a minute ay dumating na rin sila.

"Bwisit naman oh. Hanggang kelan ba sila titigil?" bungad ni Queenie

"I think her kitty is not enough. I have a plan" sabi ni Devone

"What is it?" tanong naman ni Queenie at nilinis ang buhok ko. Mga pagod pa 'tong dalawang 'to dahil kagabi at may mga galos pa si Devone.

"Dalawin natin siya mamayang gabi *evil grin* hihihi" sagot ni Devone

Naninibago ako kay Devone ha, ang creepy niya but I'm happy dahil ganito na rin siya mag-isip. Exciting.

"Galing mo Devone. Ikaw ba yan?" sabi ni Queenie. Nagpout naman si Devone kay Queenie

"Sabi ko nga ikaw yan" sabay ngisi ni Queenie. Inayusan na nila ako at nagmamadali na silang umalis dahil may surprise quiz daw sila. Pagkaalis nila ay lumabas na rin ako at dumiretso sa room. 

Pagkapasok ko sa room ay nagtaka naman ako, why is she crying? what happened? kahit na natutuwa ang other side ko, nalulungkot naman yung isa. Anyare?

"Maulit pa yun at kakalimutan ko talagang nakilala kita" kalmadong wika ni Stephen na bakas ang galit sa kanyang mukha. Dumiretso na ako sa upuan ko kaso nung madaanan ko si Stephen ay hinawak niya ang kamay ko, napatingin naman ako sa kanya pero humarap siya sa grupo ni Nicole

"Say sorry to her" sabi niya pero sinamaan lang ako ng tingin ni Nicole at nagwalk-out. Napangisi naman si Stephen at hinila ako sa tabi ng upuan niya

"Wait Cortez, May nakaupo na rito and besides..." pinutol niya ang sasabihin ko

"No buts. Jan na ang pwesto mo, King's order" sabi niya at nagsuot ng earphone. Isinuot ko rin ang earphone ko dahil wala raw ang prof dahil sa meeting nila kaya hayahay ang mga temporary classmates ko. Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig nang bigla akong kilabutan kaya naging aware ako sa paligid, parang may hindi magandang mangyayari. Pinatay ko ang sounds sa phone ko at nakiramdam habang suot parin ang earphone, narinig ko naman na may nagmessage sakin kaya tinignan ko

The Demon Inside The Angel (TDITA)Where stories live. Discover now