Prologue

83 0 0
                                    

NAPANGISI si Gray nang pagbuksan siya ng pinto ni Aquila at makitang naka-apron pa ito. Napasimangot ito at hinubad ang apron nang mapatingin siya roon.

"Pasok ka," sabi nito sa kanya saka siya tinalikuran at pumasok uli sa bahay. Halatang hindi ito nabigla nang makita siya.

"Mukhang inaasahan mo na ako," komento niya. Isinara niya ang pinto pagpasok niya sa loob.

Seryoso itong nakatingin sa kanya. "Naitembre ka na sa akin ni Kuya JR, Gray."

Napangiwi siya sa ginamit nitong salita. "Para naman akong bagong laya na preso. Sasapakin mo rin ba ako?"

Tumaas ang sulok ng mga labi nito at humalukipkip. "Nah, I didn't promise Crystal anything. At sa palagay ko, higit na sakit ang nararamdaman mo ngayon. Just seeing us is already torture for you, I think."

Natahimik siya. Damn! Bakit ba ako na-involve sa mga Sorelle?

Lumabas sa isang silid ang asawa nitong si Luna. May akay itong isang cute na batang babae. Hindi niya maiwasan ang mapangiti. Mabilis na nilapitan ito ni Aquila. Possessive na kinabig pa nito si Luna at kinarga ang bata. Kung hindi siya nagkakamali ay "Grace" ang pangalan ng anak ng mga ito.

"Tapos ka nang magluto?" tanong ni Luna kay Aquila.

Ngumiti si Aquila at tumango. "Yes, Maghahain na sana ako nang may nang-istorbo."

Binalingan siya ni Luna. Nginitian niya ito na ginantihan nito ng tango.

"Siya ba si Gray?" tanong ni Luna.

Nagtagis ang mga bagang ni Aquila nang banggitin ni Luna ang pangalan niya.

"The one and only," Aquila said with so much hate in his voice.

"So, nandito ka para sa kuwento ng heirloom, tama ba?" tanong ni Luna sa kanya

"Yes," matipid na sagot niya. Pakiramdam niya ay tensiyonado pa rin si Aquila at ang tanging nagpipigil dito na sapakin din siya ay ang asawa nito.

"Kung gano'n, sabayan mo na kaming kumain. Then we can talk about it over lunch."

"Princess-----"

"Aquila, you don't wanna be rude, don't you?" tanong ni Luna. Pinanlakihan pa nito ng mga mata si Aquila. Pumalakpak naman si Grace. Natatawang binalingan niya ang anak ng mga ito.

"Fine, 'Pasalamat ka, Linggo ngayon," sabi ni Aquila.

Minsan na nabanggit ni Crystal sa kanya ang rule ng dalawang ito na tuwing Linggo ay susunod si Aquila sa lahat ng gusto ng asawa ni Luna. It was like an agreement between them. After all, sa agreement din nagsimula ang pag-iibigan ng mga ito.

"Then, I thank you "

Masuyong inalalayan ni Aquila si Luna. Kulang na lang yata ay buhatin nito si Luna at latagan ng carpet ang nilalakaran ng asawa. At labis na hinahangaan niya ang ikalawang Sorelle dahil doon.

"Gray..."

Sinalubong niya ang seryosong tingin ni Aquila.

"Tuparin mo ang pangako mo kay princess."

"Huwag ka mag-alala, hindi pa ako tumatalikod sa isang pangako. And I think you should start telling me your side of the story. Mukhang hindi na nag-iisang prinsesa si Crystal sa puso mo."

Lumambot ang ekspresyon nito at tiningnan ang babaeng kumukuha ng pinggan para sa kanila.

"Nag-iisa pa ring prinsesa si Crystal, huwag mong kalimutan 'yan. Luna is a gothic queen."

"But once, she was your gothic princess."

HEIRLOOM: My Gothic Earrings (Book 2) by: Nicka GraciaWhere stories live. Discover now