CHAPTER 9: The New Level

3 1 0
                                    

      Matapos ang isang araw na pahinga ay babalik nanaman kami sa larong ito, hahays talaga naman.
     Tumatakbong tumungo saamin si Nico at sinabing marami raw na-eliminate sa level 7 kaya naman nabahala ang lahat.

     Umilaw na ang bracelet namin kaya naman naghanda na kami.

     “Welcome back” sabi ng NPC.
     “Magt-thank you ba ako?” tanong ko.
     “Nasasaiyo iyan.” sabi nitong muli.

     “The game starts now. Here’s your quest; Isa sa inyo ay naatsan bilang maging murderer. Ang task niya ay patayin lahat ng mga player para manalo, at ang task naman ng mga player ay ang hulihin ang murderer bago pa sila maubos. You have 1 week. Goodluck!” sabi ng NPC.

       Nagkagulo ang lahat at naghiwa-hiwalay habang si Felix naman ay tumabi saakin.

      “Do you trust me?” tanong niya.
      “I don’t know” sabi ko.
      “You need to trust me on this one. I'm not the murderer.” sabi niya.
      “How can I trust you kung sinabi ng NPC na isa saatin ang murderer? Malay ko bang nagpapanggap ka lang para hindi ka mahuli. Lahat posible, let me be alone nalang muna.”
      “You really can't trust me?” tanong niyang muli.
      “Bigyan mo ako ng oras.” sabi ko.
      “I told you, I'll protect you no matter what?” sabi niya.
      “Even if I am the murderer?”
       He was taken back after I said those words.
      “Ikaw?” tanong niya saakin na tila ba nag-aalala.
      “No.” sagot ko.

       Nauna na ako sakaniya pumunta sa tinutuluyan namin. Binilng kong muli ang nga player, 13 kami ngayon. Dalawa lamang ang kama bawat kwarto ngunit ayos na rin to, mas mabuti nga na isa lang eh.
       Habang nagpapahinga ay nag-isip isip ako kung ano bang mangyayari saamin dito, kung hindi kami kikilos mae-eliminate kami, if we move baka naman maubos kami.
       I heard a knock on the door pero tinanong ko muna kung sino ito bago pagbuksan. Safety first.

     “Yejia ‘to, kasama ko sina Angela”

      Binuksan ko ang pinto at pinapasok sila sa loob, kahit sila ang murderer wala akong pake. At least nakita ko sila bago ako mamatay diba.

     “We‘ve been here before” sabi ni Casey.
     “Bakit hindi niyo na-clear?” tanong ko.
     “Namali pili namin ng murderer, buti nalang hindi kami eliminated. Pinaulit lang kami.” sabi ni Angela.
     “Pwede bang iskip ‘to?” tanong ni Yejia.
     “Nope. Pwede mag skip hanggang 7 lamang. Walang nakakaalam kung ano ba talaga meron sa level 8” sabi ni Angela.

      Habang nag-uusap kami may narinig kaming humiyaw kaya naman lumabas kami para tingnan.
      Pag dating namin sa pinangyarihan ay nakita ko si Mawi na naliligo sa sarili niyang dugo.

     “Player Mawi, eliminated. She was killed by the murderer. 12 players left. Goodluck!” NPC said.

     Huli nag dumating sina Felix at Ethan kaya naman nakatingin ang lahat sa kanilang dalawa.

     “Natutulog kami. Sorry” sabi ni Ethan.
    “Sinong kasama niya bago siya matarget ng murderer?” tanong ni Felix.
     Tinaas naman ni Sereia ang kaniyang kamay na nanginginig.
     “Anong ginagawa mo kanina?” tanong nito ulit.
     “Nag-uusap kami kanina tapos pumunta lang ako sa kwarto para kuhanin yung unan dun pero pag balik ko rito nakita ko na siyang naliligo sa dugo.” sabi nito na nauutal utal pa.
     “Okay” sabi ni Felix at saka bumalik na ulit sa kwarto nila kasunod si Ethan.
      Mga walang pakealam sa nangyayari, sinong hindi magiisip na isa sakanila ang murderer?
     Bumalik na rin kami saaming kwarto matapos pakalmahin si Sereia.
     Maya-maya lamang ay may narinig nanaman kaming sumigaw kaya naman lumabas nanaman kami. Dalawa ngayon ang natarget ng murderer, apaka galing. Siguro isa siyang serial killer in rl.

Unexpected Quest (COMPLETED)Where stories live. Discover now