CHAPTER 7: The Missing Heirloom

6 2 0
                                    

      Pagkagising namin sa umaga ay wala na si Thirdy rito, siguro ay nauna na siya sa labas, alangan namang hintayin pa kami diba.
      Paglabas namin ay nag-aaway ang dalawang na sina Kendrick at Valerie.

     “Bakit sila nag-aaway?” tanong ko kay Thirdy.
     “Pumasok silang tatlong mag bff sa museum tapos may nakita raw na nakakatakot si Riri kaya napahiyaw” sabi ni Thirdy.
     “Wala namang nangayare kay Riri ka?” sabi ni Nash.
     “Paralisado na siya.” sagot ni Ethan
     “Bakit nagsasagutan sila?” tanong kong muli.
     “Kasi hindi raw napigilan ni Valerie bibig ni Riri.” sagot ni Ethan.
     “Bakit walang inannounce na eliminated?” tanong ni Angela na gusto ko ring itanong.
     “Pag tapos nitong laro lang siya madedeclare na eliminated kasi hindi siya kumilos hanggang sa matapos.” sagot nito.

       Habang nagtatalo sila ay sumenyas na sila para pumasok sa loob ng museum upang magtanong muli sa NPC na nakita nila. Hindi na namin makita ang NPC kaya naman savi ni Felix ay kami nalang ang bahalang sumagot ng sarili naming katanungan. Habang nagmamsid kami ay biglang sumenyas saakin si Ethan saka may inabot na bracelet. Ibang bracelet ‘to ngayon, mukhang ordinaryo lang.

       Nang susuko na sana kami ay biglang may nahanap muling secret room si Thirdy. Tiningnan naming lahat si Felix dahil gusto naming makasiguradong safe pumasok dito. Nauna siyang pumasok saamin kaya naman napanatag ang loob namin. Kagaya nung nasa cave na napuntahan namin, puno rin ito ng paintings na nakita roon.
     Naglibot kami na para bang walang makakatakas na kahit isang evidence. matapos mahalughog ang buong secret room ay lumabas na ulit kami.
      Bumababagabag pa rin talaga saakin ang sinabi ni Thirdy kagabi, ano kaya yung nakita niya?

     “Anong nakita mo kagabi?” tanong ko kay Thirdy nang makalabas kami.
     “May sinabi ba ako sayong may nakita ako kagabi? Si Felix lang nakakaalam no’n” sabi ni nito na parang nakalimutan na ginawa niya kagabi.
     “Ate ko, natataranta ka pa nga nung kumatok ka sa pintuan namin.” sabi ko.
     “Wdym? Hindi mo nga pinagbuksan ng pinto.” sabi nito. “Buti nalang at may kaunting bait pa si Felix at pinapasok ako.” dagdag pa nito.
     “Natulog ka sa kwarto namin” nagtataka kong sinabi.
     “Sa kwarto namin ako natulog kagabi.”

       Minumulto ba kami o nababaliw na siya? Siya talaga yung bumulabog saamin na natataranta tapos ngayon sasabihin niyang sa kwarto sila nila Ethan natulog?
       Nakita ko si Ethan na malalim ang iniisip kaya naman nilapit ko siya, gusto ko ring itanong kung talaga bang dun natulog si Thirdy kahit sigurado akong hindi ako nananaginip kagabi.

      “Hey! Lalim ata ng iniisip mo” sabi ko sakaniya.
      “Ah inaantok lang ako” sabi niya.
      “Bakit? Hindi ka ba nakatulog ng ayos kagabi?” tanong ko.
      “Oo, yung dalawa kasi nag-away pa. Pinalabas ni Felix si Thirdy tapos todo hampas ng pinto si Thirdy kaya nagising ako. Pinagalitan ko silang dalawa tapos hindo ko na natuloy tulog ko.” sabi nito.
      “So sa kwarto niyo nga natulog si Thirdy kagabi?” tanong kong muli.
      “Saan pa nga ba?”
      “Eh sino yung kasama namin kagabi?” nagtataka kong sambit.
      “Nananaginip ka lang ata.” sabi nito.
       Alam ko nakita ko, hindi ako nananaginip no’n, imposibleng namalikmata ako.
       Inaya ako si Ethan na bumalik sa secret room ng museum dahil may kataka-taka raw dun kaya sumunod ako.

      “Anong kataka-taka?” tanong ko sakaniya.
      “Kataka-takang mahal na ata kita” sabi niya, tumawa naman ako ng bahayga at tinatago ang kilig. “Biro lang” sabi niya kaya naman naudlot ang mga ngiti ko.
      “Ano nga ba kasi yung kataka-takang gusto mong sabihin” sabi ko.
      Tiningnan niya lang ako at nginitian ko naman siya nang sarkastiko.
      “Hintayin natin sina Felix, hindi ko kayang iexplain eh.” sabi nito sabay kamot sa ulo. Sarap ding birahin eh.

Thirdy POV.

     “Sabi ni Yejia, natulog daw ako sa kwarto nila.” kwento ko kay Felix.
     “Ayos lang hanggat sinusunod nila utos no’n” sabi nito. Hindi ko siya maintindihan kahit na tagalog naman gamit niyang language. “Tara sa secret room, may titingnan lang ako.”
     “Edi pumunta ka mag-isa mo” sabi at ambang aalis na nang hilahin niya ako sa damit.
     “Hindi ko sinabing pwedenkang tumanggi” sabi niya sabay hinila ako papuntang meseum.
     “Kaya ko naman maglakad. Bitaw.” sabi ko. Binitawan niya naman ako at saka pinagpatuloy ang paglalakad.

      Nang makarating kami sa secret room ng museum ay nakita ko sina Yejia. Ginagawa nila rito? Mukhang nagtatampo ang mukha na Yejia na para bang hindi binigyan ng ice-cream.

     “Uy! Explain mo na kung bakit weird ‘tong painting na ‘to.” sabi ni Ethan.
      Kumunot naman ang kilay ni Felix at sabing “Hindi iyan, yung kabila.”
     “Yung kabila ba? Sorry, boss.” sabi niya sabay kamot nito sa ulo.
     “Look here” sabi ni Felix sabay turo sa kwintas ng painting. “Nakita niyo na ba yang kwintas na ‘yan?” dagdag nito.
     “Familiar pero nakalimutan ko kung saan ko nakita.” sabi ni Yejia.
     “Hindi ba iyan yung suot nung NPC kahapon?” sabi ko.
     “Task natin ngayong hanapin ang NPC na ‘yon, sabihin niyo na ‘to sa jbang player.” sabi ni Felix.

      Habang nag-iisip ako ay nakita ko na gulat na gulat si Yejia’t Ethan at si Felix naman ay mukhang naiinis. Tinanong ko sila kung bakit ganoon ang reaction nila at tumuro sila sa likod. Nang tumingin ako sa aking likuran ay muntik na ako mapahiyaw, mabuti nalang at natakpan ni Felix bibig ko. Doppelganger ko ba ‘to? Bakit kamukhang kamukha ko?

      Tiningnan ko si Felix at tumango siya sabay sabing “Galing kumopya ng mukha ‘no?”
       Ewan ko ba sa taong ito, imbis na matakot ako ay nainis ako.
       Bumulong siya saakin “Kapag inutusan tayo ikaw lang sumunod ah”
      “Bakit ako??” bulong ko pabalik.
      “Ikaw siya eh, syempre dapat sundin mo sarili mo” sabi niya sabay tango at ngiti saakin.
      Akala mo cute ka? cute ka nga pero huwag mo nama akong ganitohin, Kawawa ako.

     Nakitingin lang ako sarili ko ng diretso at nakatingin din ito saakin. lalaban pa ata ng staring contest ah. Maya-maya lang ay bigla siyang nawala, parang bula ba.

    “Anyare?” tanong ko.
    “Nagselos” ani ni Felix sabay alis.

     Lumabas kaming lahat at kumpleto na rin ang mga tao sa labas kaya naman sinabi na namin ang nalaman namin.

     “Sigurado ba kayong iyon ang nawawalang kwintas?” sabi ni Kendrick.
     “Kung hindi, bakit nasa painting ang suot niyang kwintas?” sabi ko.
     “Hindi ba’t sinabi na niyang nagniningning yung kwintas? hindi naman nagniningning kwintas niya no’n eh.” sabi ni Clark.
      “Malay niyo trap lang niya yon para hindi niyo siya targetin?” sabi ni Felix.
      “Wala kang kasiguraduhan.” sabi naman ni Sereia.
      “Sige, puwede naman kayong tumanggi saakin dahil hindi naman ako yung mauubusan ng oras ‘di ba‚ Thirdy?” saad ni Felix.
       “Ha? Oo nalang.” sabi ko.

Unexpected Quest (COMPLETED)Where stories live. Discover now