CHAPTER 8: Longevity

6 2 0
                                    

"Sige na nga, kinokonsensya mo kami eh" sabi ni Valerie.
"Nasa inyo rin naman 'yan." ani ni Angela.

Pumasok kaming muli sa meseum para hanapin ang NPC na suot ang kwintas. Hinaloghog namin ang meseum at sa wakas, nakita namin siya sa isang kwartong puno ng unfinished paintings.

"Hello po, maaari na ba naming kunin ang nawawalang kwintas?" tanong ni Felix at takot namang nakatingin saamin ang matanda.
"Hindi. Hindi niyo maaaring kunin saakin ang buhay ko." sabi niya sabay takbo palabas. Ang mga gunggong naman ay kulang pa ata sa tulog dahil hindi manlang pinigilan ang matanda. Wala na ulit. Mahihirapan na ulit kami.
"Bakit hindi niyo hinuli? Mga lutang ba kayo?" sigaw ni Clark saamin kasabay nito ang pagkaaralisado niya. 'Yan kasi sobrang stress nakalimutan na rin ang conditions.

Habang hinihila nila palabas ang katawan ni Clark pumasok sina Felix muli sa kwarto ng matanda at nag masid.

"Bakit puro unfinished paintings?" tanong ni Yejia.
"Hulaan mo" pang-aasar ni Ethan dito.
"Sino may saing pwede kayong lumandi habang hindi pa tapos ang laro?" sabi ko na ikinainis nila.

Habang pinagmamasdan ang paintings ay biglang sumakit ang ulo ko tsaka may nag flash na alaala sa utak ko. Hindi ko malaman kung ano iyon ngunit isa itong lalaking nakatalikod sa akin habang nagpipinta.

"Can you paint?" tanong ni Felix.
"Slight" sagot ko.
"Just paint whatever you want here." he said and hand me a blank canva.

As I let my hands paint, I formed an image, I don't know how I did it. I just followed what Felix. Kinuha niya ang painting na ginawa ko at tinanong ako.

"Ginaya mo ba yung paintings sa secret room?" tanong niya.
"No. Hindi ko pa nga nakikita yang painting na yan eh." sagot ko.
"Are you sure?" paninigurado niya. Desperado naman akong tumango sakaniya at tumango rin siya pabalik.

Tumayo siya at sinabing pupunta raw sa secret room para tingnan ang katulad na painting.
Nang makarating kami ay sinimulan naming hanapin ang katulad na painting. Nakita ito ni Angela at dali daling sinira ni Felix ang paintings.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Casey.
"May pamalit naman tayo" sagot niya sabay ngisi.

Sa loob ng painting na sinira niya ay merong maliit na chess. Binuksan niya ito at nakita ang nawawalang kwintas. Kagaya ng sinabi ng matanda ay nagniningning ito.

"Akala ko nasa matanda ang kwintas?" tanong ko sakaniya.

Habang nagtatalo kami ay kinuha ni Kendrick ang kwintas at pinagmasdan ito. Maya-maya lamang ay hindi na siya makagalaw.

"Mga tao talaga oh, ang kakati ng kamay" sabi ni Ethan.

Kumuha si Felix ng paintbrush at kinuha ang kwintas at binalik ito sa chess.
Umalis na kami sa secret room at tumungo sa NPC na nagsabi saamin ng quest.

"Player Riri, Clark, and Kendrick, eliminated. They triggered the conditions. The remaining 12 player has passed. Thank you for playing." sabi ng NPC.

Muling nagbago ang surroundings ko at nandito na ako muli sa QC agency. Parang mas mahirap yung level na 'yon ah, daming twist.

Nang makabalik kami ay biglang nanlabo ang paningin ko at muntik nang natumba. Sinalo ako ni Felix at pinaupo sa sofa. Buti nalang at nag-aral dalang medisina si Kaycen at may dala siyang gamot.
Sabi niya ay pagod lamang kaya ako nahilo. Sabi naman ni Felix na pwede sa isang araw na raw kami pumasok sa laro, kaya raw itong pahintuin dahil marami raw talagang players sa level 7 kaya naman napabunting hininga ako dahil makakapagpahinga na rin.

Nag-uusap sila sa living room so dahil ako'y chismoso ay umupo ako sa sofa.

"Felix, hindi ka ba nagtataka na bakit lahat ng laro ay puro paintings ang mga props?" tanong ni Ethan. Dahil sa sinabi niya ay nagtaka na rin ako, pare-parehas lamang ang mga paintings na nae-encounter namin sa bawat levels. Ito rin ay familiar sa mata ko, may connection ba ang lahat ng 'to?

"Narinig ko lang sa iba na painter daw ang gumawa ng larong 'to" sagot ni Felix.
"Anong nationality?" tanong ko.
"Nagresearch ako. Ang gumawa raw nito ay isang Filipino/French na lalaki. Mattheui-Pierre Santos ang pangalan niya." sabi ni Timothy.
"Mattheui?" tanong ko.
"Kilala mo?" tanong ni Felix. Iniling ko na lamang ang aking ulo dahil familiar lang sa utak ko ang pangalang yon, sadyang hindi ko maalala.

Habang mamumuo ang katahimikan sa living room ay biglang dumating ng may pahiyaw si Yejia kaya naman kaming lahat ay napatingin sakaniya.

"Stress na 'ko kakaisip, nasaan ba yung clue sa next level?" tanong nito. Ngayong tinanong niya ay biglang natauhan ang dalawa.
Kinuha ni Felix ang isang papel sa kaniyang bulsa at binasa ito.

"Where the winds whisper secrets untold, a statue stands, silent and cold. To reveal its truth, follow the breeze, and the answer you seek, you shall seize." sabi nito.
"Mas lalo lang akong nastress sa english" sabi ni Yejia sabay hawak sa ulo.
"It has something to do with statues?" tanong ni Brian.
"Maybe yes, maybe no." sagot ni Felix.
"Makatulog na nga lang." sabi ni Yejia at saka umakyat sa kwarto niya.

Sumunod naman si Ethan dahil inaantok na raw siya.

"Sino na sasama sainyo?" tanong ni Felix.
"Ako at si Timothy" sabi ni Nico.
"Okay, be ready." sabi nito sabay akyat na rin sa taas kaya naman sumabay na rin ako, wala na rin namang gagawin sa baba kundi tumulala at isiping ano ba talaga kami. Joke haha. Goodnight.

Kinaumagahan ay may narecruit nanamang tao si Ethan. Hindi na ba siya titigil? Dalawang level nalang yung kailangang tapusin oh.

"Gusto raw nilang maglaro" sabi ni Ethan.
"Papirmahin mo sila sa papel." sabi ni Felix. Tinanong ko naman sila kung pumirma rin sila ron sa papel at sinabi nilang oo raw. Ang nakalagay raw ron ay hindi nila sagot ang mga buhay nila kung sakaling mae-eliminate sila sa loob.

Bakit hindi ako pumirma? pagbabawalang bahala ba nila kapag na-eliminate ako sa loob? grabe naman.
Habang nagc-create ako ng scenes na pwede kong gawin kayna Felix ay bigla siyang umupo sa tabi ko.

"Wondering why hindi kita pinapirma?" sabi niya. "Cause I'll protect you no matter what happen. Gano'n din si Ethan kay Yejia." pagsagot niya sa sarili niyang katanungan.

Hindi ko alam kung magt-thank you ako or kikiligin or mag ccreate ulit ng scene sa utak ko. Iniwan ko nalang siya sa sofa saka lumabas at magpahangin. Sa wakas, may pahinga na rin.

Unexpected Quest (COMPLETED)Where stories live. Discover now