Ch.15 Bruha

4 1 0
                                    

After ilang oras na byahe ay nasa bahay na kami. Sinalubong ako nila mama at kinamusta. Inaya ko pumasok si Raine at pinalagay sa kwarto ko ang gamit nya. Wala na kasing available na kwarto kaya kami nalang dalawa sa iisang kwarto.

"Raine okay lang ba sayo na dito ka nalang din sa kwarto ko? Wala na kasi ibang kwarto na available" tanong ko sa kanya

"Okay lang mas okay nga sakin yun e tabi tayo matulog haha" tawang sagot nya habang nag aayos ng gamit

"Ayan mabuti haha" tawanan naming dalawa

Bandang hapon nung nakauwi na kami sa bahay. Kaya ginabi na kami sa pag aayos ng gamit at pag aayos ng kwarto. Nakapag luto na si mama ng hapunan kaya inaya nya na kaming kumain.

"Wala na ngang ambag sa bahay nag dala pa ng isa pang palamunin" sabi ng kapatid kong bruha na mortal enemy ko

Simula nung naging guro ang kapatid kong iyon ay naging ganun na sya sa akin. Naturingan syang licensed teacher pero hindi professional ang ugali na pinapakita nya.

(Ayaw ko nalang sana kumain kasi andun sya at nahihiya ako kay Raine kasi yun ang narinig nya unang gabi palang sa bahay namin)

"Raine pasensya kana ha matindi talaga ang galit nya sakin" sabi ko kay Raine

"Kapal talaga ng mukha oh" dagdag pa ni bruha

Hindi na ako naka tiis at inaya ko nalang lumabas si Raine. Hindi rin umimik si mama kahit mukhang ayaw nya kami umalis. Takot kasi sila kay bruha kasi binibigyan sila ng pera kaya tinuturing nila itong prinsesa.

"Ma, sa labas nalang kami kakain. Tara Raine pasensya kana ha labas nalang tayo" paalam ko kay mama sabay inaya ko si Raine at sumama naman sya agad agad

Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa galit at kahihiyan na binigay sakin ni bruha...

"Sorry Raine wala ako magandang position sa bahay" nahihiyang sambit ko sa kanya habang naglalakas kami papunta sa may tabing dagat

"Ganun ba talaga ka lalim galit ng kapatid mo sayo?" Tanong nya sakin

"Oo di ko alam bakit pero talagang ang sama ng tingin nya sakin" sagot ko sa kanya

At sa ilang minutong paglalakad namin ay nasa may tabing dagat na kami. Dito ay may nag titinda ng mga street foods at may nagtitinda ng barbeque na pwede kainan.

"Titaaaa" tawag sakin ng pamangkin kong lalaki na si Jaydon kasama nya ang isa ko pang pamangkin na babae na si Princess

Si Jaydon ay 12 years old at anak sya ng kuya ko. Si Princess naman ay 18 years old limang taon lang ang agwat ng edad ko sa kanya.

"Oh bakit andito kayo?" Gulat na tanong ko sa kanila

"Eehhh ayaw namin dun andun kasi si bruha nagalit pati samin" sabi ni Jaydon

"Tita sama nalang kami sayo libre mo kami hahaha" pabirong sabi naman ni Princess

"Naku wala talagang kakupasan yung pagiging kupal ni bruha" sabi ko sa kanila

Pumayag akong isama sila ilibre ng makakain. Mabuti at andito pa yung cash na binigay sakin noon ni mama di ko nagastos kasi di naman kailangan dun sa university.

"Woooow ang dami naman pala makakainan dito Chin" manghang sabi ni Raine habang takam na takam sa street foods

"Oo hahaha kain kalang ng gusto mo libre ko na" sabi ko kay Raine

"Talaga? Then I won't hold back" sabi neto sabay takbo papunta sa bawat stall

Masaya kaming kumain at nabusog taaka kami naglakad lakad sa dalampasigan. Ang sarap talaga sa feeling kapag nasa malapit dagat ka nakakapag relax ng isipan. Kahit na depress or sobrang pagod kana. Makakalimutan mo ng panandalian ang mga problema.

"Ang lamig sarap maligo" sabi ni Raine

"Bawal oy hahaha" sabi ko naman sa kanya

"Ate ang ganda mo po" sabi ni Jaydon kay Raine

"Ay hahaha thank you" hiyang sabi Raine sabay ngiti

After namin mamasyal ay umuwi na kami. Pinaligo ko muna si Raine after nya ay sumunod naman ako. Pagkatapos ay nagpahinga na kami at nakatulog sa pagod.

My Husband is a Billionaire Tycoon (On Going)Where stories live. Discover now