Ch.14 Checkmate

4 1 0
                                    

Weeks have passed and naging payapa na ulit ang buhay ko sa university. Natapos ang mid term exam namin na nakakuha ako ng mataas na marka.

Buwan ang lumipas at natanggap na namin ang allowance namin. Naisip namin ni Raine na mag grocery ulit.

(Habang nasa grocery kami ay nag announce si Mr. Leo about sa upcoming university intramurals. Kasabay neto ay ang opening ng mga clubs para sa students.)

"Mukhang magiging busy week na naman sa school" sabi ni Raine habang pumipili ng bibilhin

"Anong club sasalihan mo Raine?" Tanong ko sa kanya

"Hmm~ hindi ko pa alam wag na kaya tayo sumali?" Patanong na sagot neto sakin

"Ako rin wala ako maisip eh" sagot ko naman sa kanya

(After namin mag grocery ay bumalik na kami sa dorm para maiayos ang aming pinamili)

=Time Skip=

Day 1 na ng intramurals at sobrang busy na ng mga students at faculties. Sumali ako sa volleyball team ng section namin at sumali rin ako sa chess tournament.

Day 2 laban ng team namin sa volleyball. Hindi kami pinalad manalo at nalaglag agad kami.

Day 3 ay laban ko sa chess tournament at nasa white pieces ako...

*D4*
*D5*
*C4*

Queen's Gambit opening ang nilaro namin...

*DxC4*

Ito ay nauwi sa Queen's Gambit Accepted...

*Nf3*
*Nf6*

Nagpatuloy ang aming paglalaro at medyo nagiging complicated na ang positions ng aming pyesa.

=Time Skip=

*Check*

Na double check ko ang hari nya kaya naman at napa force syang mag king move...

*Ka8*

Di ko mapigilang mapangiti ang sarili ko dahil alam kong sigurado na ang kapanalonan ko.

Tinirahan ko sya ng tirang hindi nya kayang ilagan.

*Qb8*

Nangiwi nalang at napa palakpak ang mga nanood sa laban namin.

"Bakit sila nag papalakpakan?" Tanong ng isang manonood sa katabi neto

"Brilliant queen sacrifice then mate in 1 move. Ito ang tinatawag nilang Smothered Mate" sagot ng lalaki habang naka ngiti na nanood

*RxQb8*
*Nc7*
*Checkmate*

Nag palakpakan ang mga nanood at ako naman ay nakipag shake hands sa aking kalaban. Pagpapakita ng aming pagiging sportsmanship.

Umabante ako sa quarter finals ngunit hindi na ako pinalad pagkatapos at natalo ako....

Day 3 ay wala na ako ibang ginawa kundi ang mamasyal, manood at kumain ng kumain.

Day 4 ay naisipan kong umuwi nalang muna kasi wala naman akong ibang gagawin sa natitirang araw ng events.

(Nagpunta ako sa office ni Mr. Leo upang magpaalam na uuwi muna ako sa amin.)

*Knock knock*

"Come in" boses ni Mr. Leo

"Good day sir, pwede po bang magpaalam muna akong umuwi sa amin kasi wala naman akong gagawin na dito eh. Babalik nalang po ako after ng intrams" paalam ko kay Mr. Leo

"Ganun ba sige don't forget your ID it will also serve as your pass card para palabasin ka ng guard. Also take this letter at ibigay mo sa guard" paliwanag ni Mr. Leo sabay abot sakin ng letter

"Sige po thank you so much Mr. Leo" sabi ko sa kanya tsaka umalis

(Habang pababa ako ay naisipan kong magpaalam kay Raine baka kasi mag tampo sya pag bigla nalang ako nawala)

Hinanap ko si Raine at natagpuan ko sya sa isang kainan kaya nilapitan ko sya at nagpaalam ako sa kanya.

"Oy Chin kain tayo" aya nya sakin

"Di na kanina pa ako kain ng kain. Magpapaalam ako sayo na uuwi muna ako sa amin kasi wala naman na akong gagawin dito eh. Babalik nalang ako after ng intrams" paliwanag ko sa kanya

"Luuhh!! Sama akoooo!! Sige naaa!!" Excited nq sabi nya habang kumakain

"Eh? S-sure kaba? Wala kana ba iba gagawin dito?" Tanong ko sa kanya

"Oo boring naman eh kung uuwi ka edi sama ako para naman maka pasyal ako sa inyo" sagot nya

"Osige kung gusto mo tara ngayon na ako aalis" aya ko sa kanya at dali dali naman nyang tinapos ang pagkain nya

After non ay nag ayos na kami ng gamit namin. Pumunta na kami sa entrance at iniabot ko sa guard ang letter na binigay sakin ni Mr. Leo.

(Pinayagan kaming lumabas ng guard at ngayon ay naka sakay na kami ng taxi pauwi samin)

Habang nasa byahe kami ay napaisip ako...

"Ilang months na di parin nag c-chat si Maine kamusta na kaya sya. Sabi nya mag c-chat daw sya kapag di na sya busy. Mukhang busy pa talaga sya sa trabaho nya" bulong ko sa isipan ko habang nakatitig sa cellphone ko

Pumikit nalang ako upang makapag pahinga habang nasa byahe kami ni Raine...

My Husband is a Billionaire Tycoon (On Going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora