Part 4: 2AM...

461 19 3
                                    

SEAH COLLETTE POV

Everyting went good, tumutulong talaga si Dos sa paggawa ng case study namin. Ang problema lang every 2AM siya nagse-sent ng part niya kaya madalas puyat ako.

It's already 1:30AM, at eto dilat na dilat ako dahil hinihintay yung ise-sent na part ni Dos.

"Antok na ako, 30 minutes na lang" humihikab na sambit ko.

Hindi ko siya pwedeng gawin kinabukasan ng maaga since 8AM class namin kay Ma'am Rodriquez at everyday kami nagu-update sa kanya ng mga nadadagdag namin.

Tumayo ako mula sa pagkaupo para magtimpla ng gatas dahil after kong i-insert yung part ni Dos ay matutulog na ako deretsyo.

Ramdam na ramdam ko ang antok sa katawan ko. Pakiramdam ko babagsak na ako anytime.

Sana next time agahan niya na, para na akong zombie sa laki ng eye bags ko.

Nagising ang diwa ko nang mag-vibrate 'yung phone ko, agad ko itong kinuha para i-check.

"Hey? Still up?" basa ko sa message niya.

Finally, makakatulog na din ako.

Binuksan ko 'yung message ni Dos at agad na nagreply. "Yes po." sagot ko sa kanya.

Humigop ako ng gatas at kumagat ng konting cookies habang nag-aantay ng sagot ni Dos.

"Here's my part!" reply ni Dos, agad kong binuksan 'yung documents na sinend niya.

Ang laki din talagang tulong ni Dos, kasi walang tapon lahat ng binibigay niyang part, no need na to revised, since plakado na lahat, i-insert ko na lang talaga.

"Thank you, insert ko na lang sa file." reply ko habang nag-uumpisa ng magtransfer sa main file namin.

Napalingon ako sa phone ko dahil may message pa ulit si Dos, which is unusual since after niyang magsent ay naglo-logout na din siya agad.

"What time start ng class bukas?" basa ko sa message niya.

"Bakit? May balak kang pumasok sa school?" bulong ko habang nakasilip sa phone ko.

Kinuha ko 'yung phone ko at agad na nagreply sa kanya. "8AM, Why?" tanong ko.

"Nothing, bye!" sagot niya.

Ano 'yun? Lakas ng tama nito!

Nagreply na din ako agad since need ko ng matapos ito para makatulog na ako.

"Okay po, appreciated your effort!" reply ko at agad na bumalik sa ginagawa ko.

Halos abutin ako ng 3AM sa ginagawa ko. Nang sa tingin ko ay okay na, sinave ko na 'yung file.

Mabilis kong niligpit ang laptop ko para makatulog na.

AEROS "DOS" POV

- Kinabukasan -

Maaga kami natapos sa match kaya dumeretsyo kami sa unit ko para magpahinga.

Medyo mabigat din 'yung match namin kaya nakakapagod.

"Kain kana muna, Dos! Mamaya mo na ituloy 'yan, nakahanda na 'yung pagkain." tawag ni Echo habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko.

Inuumpisahan ko na kasi 'yung next part na gagawin ko sa case study.

7PM pa lang naman.

"Mauna na kayo, tapusin ko lang ito." sagot ko at agad na sinenyasan siyang bumalik na para kumain.

BREAKING THE  RULESWhere stories live. Discover now