06 - Visiting Hell...

694 33 1
                                    

AEROS "DOS" POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Inabot ko ito at agad na pinatay, nakakarindi ang tunog.

"Tangina naman, ang sakit pa ng ulo ko!" inis na sigaw ko habang nakahawak sa sintido ko.

Kinuha ko 'yung phone ko pa i-check kung anong oras na ba. "7AM" badtrip na sambit ko.

2hrs lang talaga ang naitulog
ko ngayon.

Padabog akong bumangon sa higaan pa kumuha ng susuotin at mabilis na dumeretsyo sa banyo.

Ilang minuto lang din ay natapos na akong mag-asikaso. Kinuha ko 'yung mga gamit ko at dumeretsyo palabas ng kwarto.

Nadatnan ko ang mga kagrupo ko na mahimbing na natutulog sa sofa. Sobrang kalat ng living area ko. May mga sapatos at damit na kung saan saan nakakalat. "Siguraduhin niyo lang pagbalik ko dapat malinis na itong unit ko!"

Bumaba na ako papuntang parking area. "Tangina? Papasok ba talaga ako sa school?" takang tanong ko sa sarili ko.

Hindi naman ako takot sa nanay ko kung umuwi man siya at madatnan na hindi ako pumapasok sa school.

"So...anong dahilan ng pagpasok ko sa school ngayon?" dagdag ko.

Nakasakay na ako sa motor, aalis na lang pero eto nagdadalawang isip pa kung aalis ba o hindi na.

"Tangina!" sambit ko at mabilis na pinaandar ang motor ko.

Nakahinto ako sa kalsada dahil naka-red light, kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa nang magvibrate ito.

"Dos, nasaan ka? Wala ka dito sa unit mo pagkagising namin!" basa ko sa message ni Maximor sa group chat namin.

"Baka bumili ng breakfast natin, ang sweet mo naman, Dos" message ni Echo kaya natawa ako.

"Mga ulol umalis ako!" pasinghal na message ko sa kanila.

Napatingin ako sa traffic light nang mag-go signal na ito kaya tinago ko muna 'yung phone ko sa bulsa.

Ilang minuto lang din ay nakarating na din ako sa impyernong school namin.

Dumeretsyo ako sa parking area at mabilis na pinark ang motor ko.

Kinuha ko ulit 'yung phone ko. "Saan ka pumunta?" basa ko sa message ni Levi. "Papasok ako ng school." reply ko sa kanya habang naglalakad papasok ng school.

Natawa naman ako sa reply ni Atlas. "Ginagawa mo dyan?" natatawang tanong niya.

Hindi ko din alam bakit nandito ako.

"May presentation kami ng partner ko sa project, samahan ko na baka himatayin 'yun sa kaba," sagot ko sa kanila sa group chat.

"Tangina after 3 months pumasok si Dos sa school? Can't believe it!" reply ni Kalix.

"Si Dos, papasok ng school para sa presentation?" dagdag ni Miko.

Napalingon ako sa kompolan ng mga studyante malapit sa gate ng school.

"OMG? Si Dos ba 'yun?" turo ng isang babae sa akin na nasa triangle park.

Mabilis kong inayos 'yung mask at sumbrero na suot ko.

"Ang gwapo niya talaga, siga nga lang." rinig kong sabi ng isa habang hinahampas 'yung katabi niya.

Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa paglakad.

BREAKING THE  RULESWhere stories live. Discover now