"Masakit ba?" tanong nito at hinila ang buhok ko.

"Tigilan mo na yan!" sigaw ko dito. Baka hindi ko na talaga mapigilan at masapok ko siya. Kanina pa ako pinapahiya nito ah!

"Bakit? Napapahiya ka na ba? I know how much you value your reputation in school kaya hindi ka naman talaga papalag 'pag sa harap ng madaming tao eh hahaha!" 

"Inaano ka ba Ally?!" singhal ko dito.

"I told you not to mess with me pero nakikipaglandian ka pa rin kay Aidan!" nanlilisik ang mga matang sabi nito. Naloloka na yata 'to eh. Hindi ko naman natandaang 'nakipaglandian' ako. Balak pa lang naman. Chos. Hahaha.

Dinuro duro ako nito sa dibdib. "Aray naman! Ano ba?!" Bibingo na talaga 'to sakin. "Tandaan mo 'to tomboy, YOU WILL NEVER HAVE HIM," sabi nito bago ako binigyan ulit ng isang malakas na sampal. Gustuhin ko mang gumanti pero masyadong madami siyang kasama. Baka pagtulungan lang ako. Nagpupuyos tuloy ako sa galit ng mapag-isa. Pinagtitinginan na din ako ng mga tao kaya tumakbo na lang ako pabalik sa classroom. Dumiretso muna ako sa CR at tahimik na umiyak. Humanda talaga yun, gaganti ako huhuhu. Langya siya. Nakakahiya! Nagpapadyak ako sa inis.

"L-Louie.. uhm, napano yang nguso mo? D-dumudugo," tanong ni Chan-Chan ng maupo ako sa upuan katabi nito.

"Wag mo akong kausapin Chan, baka masuntok kita, galit ako," sagot ko dito at pasimpleng dinama ang kilid ng labi. Nakakainis dumudugo nga. Pagagalitan ako nito sa bahay eh huhu. Hindi naman 'to kumibo at lumabas. Pagbalik ay may dala na 'tong yelo.

"O yan, ilagay mo para 'wag lumala," abot nito.

"Bakit ba kasi ang kulit mo Chan?! Matalino ka ba talaga?! Anong mahirap intindihin sa WAG MO AKONG KAUSAPIN?!" tanong ko dito saka binirahan ng alis.

Nagpasya akong umabsent ng hapon kaya nagpasundo ako kay Tatay Tonyo. Sinabi kong nadapa ako kaya ako nagkaganon. Nagtataka man dahil alam nilang hindi naman ako ganun kalampa, tumahimik na lamang sila. Pinapunta naman agad ang family doctor para matingnan ako.  Pagkatapos ng hapunan ay tinawag ako ng mga pinsan ko.

"Louie, tara laro muna tayo sa poolside. Food trip tayo habang nagcha-Chinese Checkers," sabi ni Kuya Justin.

"Kayo na lang po Kuya. Matutulog na po ako," paiwas kong sagot. Knowing them, magtatanong lang ang mga 'to. Numero unong mga chismoso pa naman.

"Halika na," sabi ni Kuya K at hinila na ako patungong pool. Nakaupo lang kaming lahat sa sahig.

"Sino may gawa sayo niyan? Magsabi ka ng totoo Louie," tanong ni Kuya J. Sabi na nga ba. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na naman ako.

"Nag-away ba kayo ng tomboy mong bestfriend?" tanong ni Kuya K. Umiling ako.

"O sinapak ka na sa wakas ng bakla mong kaibigan?" napanguso ako sa tanong ni Kuya Justin.

"Duh Kuya! As if ha," sagot ko habang nangingilid ang mga luha at todo iling. Anu-ano ba tong pinag-iisip nila!

Miss AstigΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα