Chapter 11

1 0 0
                                    

Chapter 11: Hell

"Alam mo na ba kung anong gagawin mo sa nakuha mong 40 million?"

Binalingan ko ng tingin si Señorito Thanatos na nakaupo sa katabing duyan. Its been 3 days since we successfully accomplished our task.

3 days na rin akong inaaasar ng Gael na 'yon!

"Papadala ko sa pamilya ko yong kalahati para makapagsimula sila. Para mabayaran na yong mga utang namin. Yong kalahati naman ay ibibigay ko sa bahay ampunan."

Ilang araw ko ding pinag-isipan 'yon. Alam kong hindi ko naman talaga pera 'yon. Ayaw ko din sanang ibigay yon sa pamilya ko dahil nangako akong sarili kong pera ang ipapadala ko sa kanila kapag nakapagtrabaho ako. Yong pinaghirapan ko talaga kaso wala akong choice.

Ang sabi din ni Señorito ay pinaghirapan ko din naman ang pera na yon dahil sa pagsayaw sa mga maaasim na yon.

"Oh, bayad na ko sa utang ko ah. Dinagdagan ko na din ng balato yan. May interest na din yan. Andyan na din yong bayad ko don sa ice cream, pati na din sa gas ng motor mo."

"Ang kapal naman nito," tila nagrereklamo pa si Gael nong tinatanggap ang bayad ko. "Pangarap kong masampal nito dati eh."

Natawa ako sa sinabi nya at mabilis na binawi ang sombreng pinaglagyan ko ng pera at sinampal iyon sa kaniya.

"Satisfied?"

"Satisfying, MissMaam!" tawa nya kaya napabuntong hininga na lang ako at nagpaalam sa kaniya para matulog na.

Wala akong ginawa buong araw na yon pero pagod na pagod ako.

Binagsak ko ang sarili sa kama ko at napatingin sa kisame pero ilang minuto pa ay nakatulog na lamang ako.

Nang magising ako ay agad akong maligo at bumaba na. Nagsimula na rin akong maglinis.

"Aya, pagkatapos mo dito. Doon ka naman sa 5th floor. Hindi iyon masiyadong napagtuosan ng pansin nitong linggo lang eh."

Tumango ako sa bagong inutos sakin. "Sige po."

Pagkatapos ko ngang maglinis ay tumango na ako sa taas. Wala akong sinayang na oras.

I suddenly heard a faint noise from a far. Hindi gaano kalayo pero sigurado akong nasa buong palapag lang. Hinanap ko yon hanggang sa dalhin ako ng paa ko sa pinakadulong silid.

Binuksan ko iyon at kadiliman ang bumalot sakin. Malakas na ang iyak na naririnig ko kaya siguradong sigurado na akong nasa silid na iyon lamang ang hinahanap ko.

Dahan dahan akong naglakad at pinagtatap ang mga bagay na nahahawakan ko.

"Ouch!"

My eyes fell upon a young girl. A sense of déjà vu washed over me as I looked into the young girl eyes, her features strikingly familiar yet shrouded in mystery.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" marahang tanong ko. Takot na baka matakot siya sakin.


"I'm Hell. Who are you?"

Itinaas ko ang hawak na walis at nginitian ang bata.

"Ako nga pala si Aya. Isa sa mga kasambahay dito. Paano ka napunta sa lugar na 'to? Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka?"

Hell's eyes, like pools of melancholy, held a weight that I couldn't ignore. At that moment, a silence passed between us.

Villa Teufel Where stories live. Discover now