April 30, 2024

1 0 0
                                    

My name's Candice but you can call me Cindy. I am from the Province of Biliran Island, Philippines. It's a small island wherein even if maliit sya, still, you can enjoy the different wonders of nature. Kung tatanungin niyo maraming shoti, igop, or etc niyong tawag dyan HAHAHAH... I'm a first-year BSBA Financial Management student at Biliran Province State University. For sure sasabihin ng iba diyan di nmn gaanong kabongga tong course to na ito. But to tell you the truth, you think we will have a prosperous economy kung walang mga business? Kung walang business sa tingin niyo magkakaroon tayo ng milktea shops? Magkakaroon tayo ng mga grocery store? Malls? Diba hindi? Kaya huwag niyo sanang minamaliit tong course na ito, cuz when I tell you same level lng ang hirap nito sa ibang mga course baka di niyo kayanin. 

Currently 2nd sem na namin dito. And guess what happened? Nakayanan ko until yesterday HAHAHAH. May question ako. Have you guys tried to cheat? Like during quizzes? Kasi ako I have e kaninang umaga. Grabe yung kaba ko kasi buong akala ko talaga walang nakakita since nasa front naman ako. Pero mali pala e, yung kasama ko kasi ngyn sa sayaw namin sa Arts Appreciation medyo natitipuhan ko kasi ibang klase yung humor niya e yung literal na social butterfly tapos ang gaan kasama, alam niyo yon? Pero totoo nga yung kasabihang "You can never judge a book by its cover." Kasi nakita niya ko kanina e, and akala ko she'll let it slide kasi ganun naman kasi dapat pag nasa college kana diba? Imbes na siraan niyo ang isa't-isa ay magtutulungan kayo para di maging stressful tapos walang gulong mangyayari. 

And after nung quiz edi labasan na, then punta na sa next subject sa kabilang room malapit sa faculty. Sinadya ko talagang maiwanan ng iba kasi iba na talaga kutob ko e, pinapasok na rin ako ng guilt. Kasi sa maniwala kayo o sa hindi ngayon ko lang to nagawa as in. Siguro dahil sa pressure? I want to make my parents proud by having my name as one of the Dean's Lister this sem. Or dahil siguro gusto ko lang ma feel yung kahit minsan mataas yung score ko sa quizzes. Kasi past quizzes ko sa kanya ang bababa e. So, ayun na nga lumabas na rin si me sa room then naglalakad na sa hallway papunta sa kabilang room. Nakita ko si ate mo girl kasama yung isa niyang friend na kinakausap si ma'am. Dun mas lalong kumalabog yung damdamin ko. Yung tipong imbes na maging kampante na ako or I will be relieved from the pressure sa quiz na iyon, mas lalo akong nilamon ng pressure. E kasi baka kung anong mangyari, baka kumalat edi malalaman pa ni papa yon. Si papa ko kasi dun din nag wowork e and kilala sya sa university namin as one of the wisest men and instructor. Tapos ako? Pano na yung reputation niya sa nagawa ko? And magkalapit lng yung table ni ma'am sa bestfriend ni papa. 

Pagkalapit ko na sa kanila na nag-uusap, sinadya kong dahan-dahanin yung lakad ko hoping na may marinig ako. "Kadtong didto sa gilid nga babayi?" (Iyong babaeng nasa gilid?) rinig kong sabi ni ma'am kay ate girl. Nang dahil dun alam ko na agad na sinabi niya talaga yung ginawa ko kanina. Biglang nagblangko yung isip ko at kusa nlang naglakad ang mga paa ko papunta sa room. Nawala bigla yung mga ngiti ko. I'm known to be very joyful person kasi ang daldal ko e tapos bungisngis pa. Then all of a sudden biglang naging tahimik.

Then ayun na pumasok na me sa kabilang room. I started receiving the money my classmates gave to me without even minding sino yung nagbigay. Kasi I was tasked to collect the 20 pesos contribution para sa finals namin sa Art Appreciation. As in receive lng ako ng receive ni hindi ko nga alam ilan yung nagbigay, di ko tuloy na sulat sa listahan. Then pagkatapos nun, umupo nako katabi ng mga kaibigan ko. Pagkaupong-pagkaupo ko biglang nag pop-up yung gc namin sa Art Appreciation. Tinignan ko kaagad baka announcement e. Nung chineck ko, attachment yung nakalagay then si ma'am yung nag send. Nakasulat dun sa attachment ay "Cheating is probably the most disrespectfyl thing you can do to someone." Alam ko na agad na ako yong pinipin-point ni ma'am e. Nang dahil dun edi mas lalo akong di mapakali. Parang any minute nun sasabog na mga luha ko e. And I even forced myself to speak up to our banking instructor the moment he called me for attendance. And while he was discussing I rushed out of the room para pumunta sa faculty kasi di ko na talaga keri e. The guilt is consuming me. 

Dear DiaryWhere stories live. Discover now