Chapter 11

1.3K 87 25
                                    






"Hindi ko pa nakikita future wife ko, baka naman nakuha na ito ng SC Officers at nakipag-date na sa iba." nakahalumbabang sambit ko at pinadyak-padyak ang paa ko.

Kanina pa kaming tatlo naglilibot ng mga kaibigan ko pero hindi parin namin ito mahagilap. Wala din siya sa opisina niya, tsaka nung papunta na kami dun sa opisina ni Miss Cromwell pinigilan naman ako ng dalawa baka daw mabugahan kami ng apoy ni Miss Cromwell.

"Bitch, Prof Griffin is a professor. SHE. IS. A.
PROFESSOR." Shantellemo rolled her eyes. "Therefore, she can pay if some SC Officers will cuffed her. Dimwit!"

Kahit na.

Hindi ko pinansin ang pagtataray ni Shantelle at tumayo na sa pagkakaupo. "Still.
Maghiwa-hiwalay na tayo baka sakali makita natin."

"Kung bakit ba kasi hindi ka nalang magbayad din doon sa 'date booth' para kayo ni Prof Griffin ang magka-date, o makasal or whatever booth na
'yan." suhetsyon ni Yve sa akin pero napanguso lang ako.

"No way. Ayaw ko siyang yayain ng date dito sa loob ng paaralan ano, no way." sagot ko at humalukipkip. "At tsaka ayaw ko ng peke na kasal." nakasimangot na dagdag ko.

Shantelle sighed heavily. "Pasalamat ka talaga mahal kitang hayop ka."

Napangiti ako ng malawak at nag-flying kiss kay Shantellemo na nakahalukipkip na ngayon. "Mahal din kita. Thank you! Mwah."

Ilang sandali pa ay nagkahiwa-hiwalay na kaming tatlo. Panatag naman akong wala ng huhuli sa amin ngayon pati kay Yve dahil simula nung lunes ay iniiwasan na kami ng mga SC officers na ipinagtataka namin pero binalewala nalang namin ito.

Patuloy ako sa paglilibot habang dala-dala ang bag kong may laman na tatlong milyong peso para pantubos kay Prof Griffin. Umabot kasi ng 15 million pesos yung mga designs na nabenta ko.

Kaya nitong nakaraang dalawang araw ay halos wala din akong tulog dahil sa puyat, pero worth it naman lalo na't ginagawa ko ito sa future wife ko.

I suddenly smiled when I remembered the night where I sleep in her condo, tapos nakatabi ko pa siya dahil wala itong nagawa sa katigasan ng ulo ko.




"My gosh, Rodriguez what you're doing right now is inappropriate and forbidd—"

I cut her off. "Shhh. Future wife, we are outside the university and I'm your wife, therefore we are allowed to cuddle."

"You and your delusions again." she hissed, rolling her eyes.

Hindi na ako sumagot at binalik ulit ang ulo ko sa balikat niya na pilit nitong kinukuha pero ng hindi parin ako tumigil ay hinayaan na lamang niya ako dahil tinapon ko rin sa sahig ang unan na nilagay nito sa pagitan namin dalawa.

Paano nalang kapag nag-honeymoon na kami? May unan parin sa gitna? Paano kami makakapag-sixty nin— I mean, just kidding. Pero soon. Mehehe

"Stubborn really." aniya at bahagyang napabuntong-hininga.

Hindi naman halatang stress na stress na siya akin ngayon. Pulang-pula na kasi ang mukha nito sa inis, eh.

"Mahal na mahal ka naman." I grinned, teasing her more which earned me a pinched from her.

Hindi naman masyadong masakit.

Alam niyo na, physical violence talaga love language ng future wife ko kaya dapat ngayon pa lang ay mag-gym na ako para kayanin ng katawan ko ang pambubugbog nito sa akin kapag nagsama na kami sa iisang bahay.

First GlanceWhere stories live. Discover now