Chapter 5

1.4K 81 44
                                    




"She's not here, where could she be?"

Andito ako sa labas ng opisina ni Prof Griffin, kanina pa ako pindot ng pindot sa intercom pero kagaya ng mga nakaraan araw wala din bumubukas. Alam kong wala talaga siya sa loob dahil mabilis magalit yun at pagbubuksan ako agad.

Sandali akong nag-isip ng maalala kong magkaibigan pala sila ni Miss Cromwell, check ko nalang dun sa opisina niya. Bahala na kong mabugahan ako ng malamig na apoy Miss Cromwell.

Para sa asawa ko, gagawin ko ang lahat. pero sana wala dun si Miss Cromwell. I silently prayed.


Nang makarating na ako sa opisina ni Miss Cromwell ay pipindutin ko na sana ang intercom ng bigla itong bumukas at iniluwa dun ang propesorang nakahalukipkip at walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nito.

Bwesit na katawan 'to, parang pinapalpitate dahil sa panginginig.


"G-Good afternoon po, Miss Cromwell." nakayukong bati ko dahil ayaw ko salubungin ang mga tingin niya.

Bakit naman kasi napakalamig niya tumingin. Iyong tipong kapag tinitigan mo siya, rest in peace na agad. I'm not exaggerating here!

"Ah..." napakamot ako sa aking sentido at nilalakasan ang lobb na huwag humimlay sa harapan niya. "Uhm.... itatanong ko lang po sana kung nakita niyo po si future wi— I mean, Professor Griffin po?"

Potek na bibig 'to, umuutal.

"Inside." napakalamig naman ng babaeng 'to.

Sandali akong nag-angat ng tingin at nakita kong itinuro niya ang opisina niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Akala ko hindi ako nito papansinin.

"Thank you so much po." muli akong yumuko at nagpasalamat sa kanya.

Nang wala na akong nakuhang sagot sa kanya ay nag-angat na ako ng tingin at nakita itong naglalakad na palayo sa gawi ko.

"Hoooh! akala ko mahihimatay na ako kanina." sambit ko sa aking sarili saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Deym. I think I almost lost my breathe there.




Sandali pa akong nakatayo sa labas ng opisina ni Miss Cromwell at inayos muna ang aking sarili bago ko harapin ang aking asawa. Dapat presentable ako sa harapan niya para mas lalo siyang ma-inlove sakin.

I let out a deep sighed before opening the door, good thing Miss Cromwell didn't lock it.


Nang makapasok na ako sa loob ay nakita ko agad si Prof Griffin, busy ito sa kanyang laptop habang nakakunot pa ang noo niya. Nang mapansin na niya ang presensya ko ay agad itong napalingon sa direksyon ko dahilan upang magsimulang maningkit ang mga mata nito at masama akong tinitigan.

Dito ko lang pala mahahanap ang asawa ko, bakit nga ba di ko naisipan yun.


"I knew it." I grinned as I look at her, not minding her deathly glare. "Dito ka lang pala, future wife."

"What are you doing here?!" she asked sternly. "And who gave you the permission to go here?!"

"Miss Cromwell." proud na sagot ko saka naglakad palapit sa kanya.

Siya naman ay paatras ng paatras pero bago yun ay mabilis niya munang isinarado ang laptop niya. Nang makalapit na ako sa kanya ay mabilis akong yumakap sa kanya.

Bahala na kong masapak niya ako pagkatapos. Sobrang matagal ko ng gusto siyang yakapin.

My heart start beating calmly as my body hugged hers. Siya lang ang bukod tanging nakakapagpakalma sa akin, she's not even doing anything.

First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon