"Tapos, anong nangyari, Zern?" Sabi ni Tita Joana.

Napalunok ako't muling napabuntonghininga. "Uh. . . tapos ayon, sinabihan daw ni Caiden na 'wag sumandal sa kaniya. Itong boss naman, umeksena rin, hayaan lang daw si Georgina na sumandal sa kaniya. Kahit sinabi na ni Caiden na hindi okay sa kaniya, nag-defend pa rin 'yung Georgina na wala namang problema sa pagsandal niya kay Caiden," sabi ko.

Sabay-sabay umirap ang mga babae, habang si Cyrus ay napangiwi.

Tita Joana laughed out of disbelief. "Wala akong masabi, Zern. Talagang kung saan may makati, makikita mo ro'n lahat ng higad," sabi ni Tita.

Mahina akong natawa. "Pabayaan mo na, Tita. Nagpaplano na ngang mag-resign si Caiden. Kahit siguro ako," sabi ko.

"Go! Sabihin mo mag-resign na siya. Palipatin na lang natin siya sa Tafiti's. Mas masarap pa kape natin. Magiging tatlo na ang poging staff," sabi ni Erica.

"True!" Sabi ni Jopay.

Umiling ako. "Sinabi kong 'wag siyang mag-resign. Sabi ko maging professional siya sa ganiyang aspeto. Kung mamasamain nila 'yung pag-alis ni Caiden ngayon sa table nila, 'yon na siguro 'yung time para mamersonal na rin siya," sabi ko.

"Na-disrespect siya, so dapat niya 'yon i-take personally, Zern. Binastos siya no'ng Georgina na 'yon. Kung maisip na niyang mag-resign, lumipat na lang siya sa Tafiti's," sabi ni Jopay.

"Pabayaan na lang muna natin. Naiinis pa kasi ako. Ayaw ko rin mag-decide para kay Caiden. Kung magre-resign siya o hindi, siya ang bahala. Basta ang advice ko, maging professional siya. 'Wag siyang maki-level sa kanila," sabi ko.

"Oo, pabayaan ninyo na lang muna. Kung sakaling magre-resign si Caiden, tatanggapin ko siya sa Tafiti's. Kung anuman ang magiging desisyon niya, 'yon ang sundin," sabi ni Tita Joana.

"Isa-suggest ko rin po 'yan sa kaniya, Tita. Pero mas gusto ko pong maging professional siya kaysa maging impulsive. Para sa dulo, ginawa niya 'yung tama," sabi ko.

"Ang hirap ninyo naman ka-bonding ni Tita Joana, mga anghel. Dapat bardagulan agad! Ako na hahawak kay Georgina, tapos bugbugin ninyo," sabi ni Erica kaya nagsitawanan kami.

"Baka kasi hindi pumapatol sa babae si Zern." Umakbay sa akin si Jopay, "'Wag kang mag-alala, kami bahala sa 'yo ni Erica. Paano mo siya gusto mamatay? Sabihin mo, kami na ang gaawa," sabi ni Jopay kaya nagtawanan kami ulit.

Kung papatulan ko 'yon, baka umiyak 'yon. Baka hindi niya pa ako nakikita kung paano makipagbardagulan. Kahit magsama pa silang dalawa ng boss niya.

Nakipagkulitan ako sa kanila kaya kahit papaano nawala 'yung inis ko. Nagkaroon na rin ako ng urge magkuwento nang magkuwento. Pinili ko 'yung mga nakahihiya at nakatatawang moments para mas maging light 'yung mood ng table namin.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Lumipas ang ilang oras at hindi ko napansing isang oras na lang ay madaling araw na. Nakiahalubilo lang ako saglit sa kanila bago nag-CR 'saka nagpaalam na mauuna na.

Naalala ko kasi si Caiden na baka ang tagal ng naghihintay. Nawala rin sa isip ko dahil naging engage ako sa kuwentuhan.

'Paglabas ko tinawagan ko agad si Caiden. Nakahinga naman ako agad nang maluwag nang sinagot niya 'yon.

"Yes, love? Are you done?" Malambing na bungad ni Caiden.

Lumitaw agad ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Tangina. . . hindi ko alam kung may tama na sa akin 'yung alak, pero parang nakahihilo naman 'yung malalim na boses ni Caiden.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now