Ito yung pagmamahal na nararamdaman niya na walang dahilan. Basta ang alam niya ay nagising na lang siya, isang umaga na mahal na niya si Niña.




Hindi naman na ito ang unang beses na nagmahal siya. The first time was when he's in college. He fell in love with a girl that he even tried to pursue her, but too bad, that girl was in a relationship that time.





The second time was when he met Selene. He liked her because Selene is his type of girl, she's also nice and kind and beautiful. Nga lang, hanggang sa pagkagusto lang siya dahil asawa na ni Czairex si Selene.





Pero hindi niya maituring na pagmamahal ang naramdaman niya kay Selene dahil hindi naman umabot sa puntong mahal na niya ito.





He just liked her. That's it.




"Anong iniisip mo?"




Hindi namalayan ni Theros na tumigil na pala siya sa pagpugpog ng halik sa mukha ni Niña at napatitig na lang sa kawalan.




His green eyes met those beautiful black eyes that was staring at him. Bumaba ang tingin niya sa malambot na labi nito na bahagyang naka awang.





"Theros....." bulong nitong sambit sa pangalan niya kasunod ng paglunok nito.





Umigting ang panga niya at nag angat ng tingin para salubungin ang titig ng nobya.




Nandilim ang paningin ni Theros nang makita ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya. Napahigpit ang hawak ni Theros sa bewang nito nang dahan dahang lumapit ang mukha nito sa mukha niya habang titig na titig pa rin sa labi niya.




Mabilis na nag init ang katawan niya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa labi niya at kaunting gahibla na lang ay magdadapo na ang mga labi nila.





Pero kaagad na tumigil din ito kaya nag angat ng tingin si Theros at sinalubong ang titig ng girlfriend niya.





"Theros....." Puno ng lambing na tawag nito sa pangalan niya.





"Hmm?" He hummed, bumaba ulit ang tingin niya sa labi nito at pinatakan ng halik.





"May sasabihin ako,"




"What is it?" Tanong niya habang pinapatakan ng halik ang malambot nitong labi.





"Buntis ako," bulong nito na ikinatigil niya sa paghalik sa labi nito.





Umangat ang tingin niya rito, titig na titig ang nobya sa kanya.





"W-what?" He stuttered.





"Buntis ako,"





Nawala ang makamundong nararamdaman ni Theros sa katawan at napalitan ng gulat ang mukha dahil sa sinabi ng nobya. Naka awang ang bibig niya habang nakatitig dito, pinoproseso ang balitang narinig niya.





Bumaba ang tingin niya sa tiyan nito at nag angat ulit siya ng tingin. Paulit ulit na ginawa yun ni Theros, gulat at pinoproseso pa rin ang balitang narinig.






"Y-you're.....you're pregnant?" He asked, still processing the news he just heard a few minutes.




Tumango ito at maliit na ngumiti sa kanya. "Tama ang dinig mo, buntis nga ako. Tatlong linggo na."





Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang