CHAPTER 10

1K 11 1
                                    

CHAPTER 10



N I Ñ A


KAY BILIS talaga lumipas ng mga araw kapag hindi mo namamalayan ang pagtakbo ng oras. Ganon yata siguro talaga. Baka sa sobrang pagiging abala sa buhay ay hindi na minsan namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon.

Tulad na lang ngayon, lilipas na naman ang isang buwan nang hindi ko man lang namamalayan. Parang kahapon lang, kasisimula pa lang ng buwan, pero ngayon matatapos na.

Hays. Ganoon nga siguro ang buhay. Sa dami ng mga nangyari at kaganapan sa buhay ng mga tao ay hindi na napagtutuunan ng pansin ang pagtakbo ng oras at ang paglipas ng panahon.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang seradura ng pinto pabukas. Ngumiti ako nang magtama ang tingin namin. Pumasok ako, isinara ang pinto saka naglakad palapit sa kamang kinahihigaan niya.

"Prutas na naman?" Magkasalubong ang kilay na ungot niya nang makita ang dala dala kong may kaliitang basket na naglalaman ng iba't ibang prutas.

Natawa ako. Ibinaba ko ang basket sa table na nasa gilid lang ng kama niya bago naghila ng upuan.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" Tanong ko.

Sandali siyang natahimik, pinapakiramdaman ang sariling katawan bago mahinang itinango ang ulo.

"Ang sakit pa rin ng ulo ko. Feeling ko para akong pinukpok ng ilang libong beses."

Bumuntong hininga ako at tumitig sa kanya. Isang linggo na ang nakalipas simula nang magising si Selene sa pagkaka comatose at sa loob ng isang linggo na iyon ay nagkatotoo nga ang sinabi ng doktor. Dahil sa malakas na impact ng aksidente sa kanya, lalo na sa ulo niya kaya ngayon ay nagsa-suffer siya sa amnesia.

Ang sabi ng doktor, dalawang taon ang nawala sa memorya ni Selene. At sa dalawang taon na iyon ay kasama sa pagkawala ng memorya niya ang tungkol sa mga Vergara.

Nang magising si Selene ay naroon si Czairex sa tabi niya. Labis ang tuwa ni Czairex dahil, sa wakas, nagising na rin ang asawa niya. Kahit kami ay masaya dahil kahit sabihin na dalawang linggo lang ang itinagal niya sa pagkaka comatose ay hindi pa rin maaalis ang katotohanang nasa bingit siya ng kamatayan.

Pero ang saya na naramdaman namin noong araw na 'yon ay biglang napalitan ng lungkot at awa, lalo na kay Czairex, dahil sa halip na siya ang unang hanapin ay kami—kaming mga kaibigan at pamilya niya.

Naaawa ako para kay Czairex pero wala naman akong magawa. Umaasa na lang kami sa mga sinabi ng doktor na ano mang oras ay babalik din ang mga nawalang memorya ni Selene.

"Am I......"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses niya. Napatingin ako sa mukha niya. May bahid iyon ng pagtataka at kaguluhan habang ang mga mata ay kuryosong nakatingin sa singsing na nasa daliri niya.

"Am I really married?" Pabulong na saad niya. Ibinaba niya ang nakataas niyang kamay at tumitig sa kisame. "But I don't recall ever marrying someone. I don't even remember meeting him. I don't know him at all. So how could this be...?"

"Selene, huwag mo munang isipin 'yon. Huwag mong pilitin ang sarili mo, baka lumala lang ang lagay mo." Awat ko sa kanya saka kumuha ng prutas.

"Ate?"

"Hmm?"

"Can I ask you?"

Ibinaba ko ang kinuha kong mansanas at tumingin sa kanya. "Sige. Ano 'yon?"

"Is he really my husband?"

Bumuntong hininga ako at tumitig sa kanya. "Selene....."

"Ate, please. I just want to know."

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now