My Only Treasure

543 23 3
                                    

Chapter23

Shahana💞mikaella

*Pumasok sa school si mikaella ng nagsosolo dahil tinanghali ulit sya ng gising..wala na si shahana dahil may inasikasong papers..dumating na kasi ang visa neto for france...labis labis ang lungkot nya mula siguro sa araw na eto dahil nakay shahana na ang mga papel nya flight nalang ang kulang..ibig sabhin iiwan na sya ng taong matagal na nyang minahal..ang dahilan kung bakit kinakaya at kinaya nya lahat...ang kaisa isang taong nagpapaalala sa kanya na palaging may pag asa..ang nagbigay ng lubos na atensyon sa kanya na kahit di nya hiniling ay lumapit at dumating..ang nagparamdam sa kanya na sobrang importante sya...na kahit anuman ang itsura at katayuan sa buhay ay tanggap  na tanggap sya...ang nag iisang taong mahal na mahal nya at mahal na mahal sya...nanlalambot si mikaella habang pumapasok sa school...wala sa loob na bumili sya ng sigarilyo at naglakad ng konti at sumandal ulit sa posteng dati ay pinupwestuhan nya...magmula ng lagi nyang kasabay si shahana umuwi at pumasok sa school hindi na sya napatambay at nagyosi ni minsan...at hindi narin sya halos nakikipag away sa school..hindi nya na kelangan magpapansin khit kanino man dahil nasa harapan nya lang ang taong gusto nyang pansinin sya..nasa harapan..kasama sa bahay..nakakayakap..nahahalikan..at...nakuha na nya..lalong nalungkot si mikaella...*
Mikaella: kelan ko kaya ulit mararanasan yun..gayung walang kasiguraduhan ang pagbalik nya kung kelan...(bulong nya sa sarili)
*.nasa room na sya at binati sya ng kababata nyang si adrian at tara.*
Tara: mika..alam namin na aalis na si shahana nalulungkot din kami pero wag naman yang ganyang itsura mo..hindi namin alam kung mangangain ka ng tao o maglulupasay ka sa iyak jan eh.
Adrian: come on..tol gusto mo mag beer nalang tayo mamaya..tutal naman brokenhearted ako jan kay shahana..bastedin ba naman ako eh..pero ganun pa man kaibigan ko parin sya. At aasa parin ako. Di ako titigil...(hindi nya marinig ang dalawa dahil gulong gulo ang isip nya.)

*Naglunch break ay hindi kumain si mikaella..kahit na anong pilit ni tara ay wala syang kagana gana..binilhan pa sya neto ng sandwich at drinks pero hindi nya eto pinansin.*
Tara: mika magkakaibigan tayo..wag mo naman ipamukha sakin na mas mahalaga si shahana kesa sakin..
*kahit nakatingin si mikaella kay tara ay wala dito ang isip nya... .wala syang malay na sinusubuan na pala sya ni tara at nginunguya naman nya...at eto may nakatayo na naman sa harap nila at mukhang tigreng anong oras ay susugurin sila ng hindi nila alam...ngunit hindi nalang eto nagpahalata at umupo sa upuan nya.*
Tara: ayan naubos..kung dika pa susubuan di mo pa kakainin..ok lang magpa baby sakin mika gusto ko naman yun ang asikasuhin ka...(napaiktad sila pareho ng biglang may humahgis na bag papunta sa kanila.)
*Gulat na gulat si mikaella ng nakitang nasa upuan na nya si shahana..*
Tara: ano kaba shahana??...bakit mo naman kami binato ng bag mo?...magka away ba kayo ni mikaella??
*Nagtinginan lahat ng kaklase nila...galit na galit man ay lumabas nalang si shahana ng room na yun...hindi sumunod si mikaella kasi baka magkagulo ang mga kaklase nila isipin na mag uumbagan sila kaya't bka magsunuran sa kanya...kaya't pinulot nalang muna nya ang bag ni shahana na may lamang ilang notebook at libro.*

*Nang alam nyang kalmado na rin ang mga kaklase at bumalik na si tara sa upuan nya ay saka sya tumayo at pupuntahan sana si shahana ngunit huli na dahil pumasok na eto at kasunod ang teacher..nakatitig sya dito at parang galing sa pag iyak.*

*Di nakatiis si mikaella lumapit sya kay shahana at tumayungkod sa tabi neto..*
Mikaella: I'm sorry sha...(ngunit napansin ni tara ang pagsosorry ni mikaella)
Tara: bakit ka nagsosorry mika for what?ganun naba talaga kayo ka-close ni sha para nagkakatampuhan kayo ng ganyan?..at may pagbato pa ng bag?...alam mo ba shahana na hindi yan kumain kanina ng wala ka?...kaya naabutan mong sinusubuan ko sya kasi ayaw talaga nya kumain...
*.habang nagsasalita si tara ay nakatingin lang si adrian at nakatitig ng palipat lipat sa kay shahana at mikaella...nilingon naman na ni shahana si mikaella*
Shahana: bumalik kana sa upuan mo we'll talk later...
*nabunutan naman ng tinik si mikaella at sinunod ang sinabi ni shahana...naglabasan na sila inaantay sa gate si shahana..at dumating nga eto nakaawang agad ang mga kamay neto para hawakan ang mga kamay nya.*
Shahana: nawala lang ako naging sweet kana sa iba..parati ka nalang ganyan..pano kung tuluyan na ako umalis mabilis ka makamove on nyan.
Mikaella: hindi ko naman alam na bigla nya akong susubuan sha..
Shahana: ahhhh magiging sunod sunuran ka kaya ka mabilis na makakamove on
Mikaella: shahanaaaaa..
Shahana: halika na bili mo akong ice cream pantanggal ng sama ng loob ko sayo...(sabay kuha ng  pera nya sa bag.)
Mikaella: ako ang bibili pero sayo yung pera..lukohan lang?..may pera ako dito kala mo sakin poor?
Shahana: yes!
Mikaella: sha naman ehhh...
Shahana: (natawa at humilig kay mikaella)...but soon to be rich of course diba my love??
Mikaella: sure..dahil ikaw ang inspirasyon ko...
Shahana: ok antayin ko yan...
*saka lalong nangunyapit sa braso ni mikaella na tila ba walang pakialam kung may makakita sa kanilang mga kaklase o kakilala...ngunit biglang sulpot sa harapan nila si adrian..*
Adrian: tama ba ang iniisip ko??..si mika ang sinasabi mong someone else mo?...na nagpapatibok ng puso mo?...kasi shahana wala nmn akong nakiktang inientaertain mong manliligaw eh. Tapos lintik pa kayo magselosan ni mikaella??...anong ibig sabhin neto???
Shahana: wala kanang pakialam adrian..
(ska hinawakan ni shahana sa kamay si mikaella)..mika mauna kna...pili ka masarap na ice cream ha..
*gusto nyang mag stay pero mukhang seryoso ang itsura ng dalawa ...Hindi nya alam kung tama ang gagawin nya o hindi pero bigla nyang hinalikan sa labi si shahana sa harapan ni adrian para sagot narin sa mga katanungan neto .saka umalis...naiwan naman nyang gulat si shahana at galit na galit na mukha ni adrian.*
(Nakaalis na si mikaella at nagharap yung dalawa..)
Adrian: si mikaella?...nalalaman mo ba ang ginagawa mo shahana?..babae kayo?...ska nakikita mo ba ano ang magiging buhay mo kay mikaella?...sarili nga nya di nya kaya?kelangan pa sumandal at magpakain sayo?saka susme shahana tinanggihan mo ako dahil sa babae o kauri mo?..(tinaas ni shahana ang mga palad nya para manahimik na si adrian)
Shahana: ano naman ang problema adrian kung pareho kaming babae kelan pa naging hadlang ang kasarian para sa dalawang taong nagmamahalan..at wag mo agad huhusgahan ang pagkatao ng ng isang tao dahil palaging natatapos ang araw at may umagang sumisikat..maaring ganyan sya ngayon kababa pero baka pagdating ng panahon napakatayog na nya...at ang mga taong kagaya mo na masyadong mataas ang tingin sa sarili ay biglang bumaba..(lumapit sya kay adrian)..mga bata pa tayo adrian marami pang mangyayari sa buhay natin kinabukasan..kaya hinay hinay sa pagkabilib sa sarili at pananalita sa kapwa dahil baka bumalik rin sayo yan...
*saka tinalikuran si adrian at tinungo kung san bumili si mikaella...sakto naman lumabas si mikaella at tuwang tuwa etong bitbit ang ice cream..magkahawak kamay sila ng makauwi sila ng bahay ngunit ganun nalang ang gulat nila ng andon ang kuya ni shahana..masama ang tingin neto sa kanilang dalawa.*
Patrick: ano ang ibig sabhin neto?...wala kanang sugat mikaella pero bakit nananatili ka dto?...may nakapagsabi sakin ng tungkol sa inyong dalawa?...pinatira kana dito pati kapatid ko ginapang mo pa??...hindi kana nahiya kababae mong tao??...hindi ko gustong sa ganitong relasyon mauwi ang iniingatan kong kapatid..
Shahana: kuya kumalma ka bakit ka ganyan ngayon..undrestanding ka naman..ako ang may gustong tumira sya dito.
Patrick: pwes ako di ko gusto kaya pauwiin mo yan ngyon din!!...naging mabait ako sayo mikaella..pero sobra ang pang ta-take advantage mo..nakikitira kana nakakakain kana pati kapatid ko di mo pinalagpas!
*Napaatras si mikaella dahil di nya kaya ang mga narinig nya .ngunit dahil sa hawak ni shahana ang kamay nya kaya't di sya makaalis..nag uumpisa ng umiyak si shahana. *
Shahana: kuya wag naman ganito oh. Hindi ka naman ganyan pinakikinggan mo muna ako diba...pilit na nagbitaw si mikaella kaya't nakabitaw sya sa kamay ni shahana at lumabas ng bahay umiiyak narin eto at mabilis syang hinabol at pinigilan ni shahana*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Only Treasure Where stories live. Discover now