My Only Treasure

247 15 0
                                    

Chapter 4

Shahana💞mickaela

Shahana"s pov

*8:30 na ng gabi ay paikot ikot sya sa kwarto nya dapat sa mga oras na eto ay tulog na sya..pero ni makakain ay hindi nya pa nagawa...kanina nya pa iniisip ang mga nsabi nya kay mikaella...napasobra ata sya..hindi sya mapalagay ng umalis sya kanina at nilingon si mikaella may kung anong lungkot sa mga mata neto...napasobra ata sya ng pagkakasabi ng*

"kung sino ang nagpaiyak sa kanya ay sana lagi na sya netong papaiyakin"

*mukhang hindi tlaga maganda ang naging impact kasi natulala pa nga eto...hinawi hawi ni shahana ang kulay mais nyang buhok ng narinig nyang nagsasalita ang kuya nya sa pinto at nangangatok sa kwarto nya.*
Patrick: shahana..buksan mo muna eto at may bisita ka.
*napasimangot si shahana...sino naman ang bibisita sa kanya gabi na yung mga kapwa nya estudyante sure na mga natutulog na rin...pero mabilis din naman agad na nag  tungo sya sa pinto ng kwarto nya at pinagbuksan ang kuya nya.*
Patrick: buti naman binuksan mo pinagantay mo eh.
*napatingin naman sya sa sinasabing bisita...nagtitili eto at niyakap sya*
Shahana: ano ba tara kakakita lang natin sa school bakit parang akala mo naman tlaga maghihiwalay na naman tayo ng landas kung makatili ka naman diyan..
*umalis naman ang kuya nya para magkasarilinan sila dahil base sa tili ni tara girl talk eto...napatuon ang pansin ni shahana sa mga bitbit ni tara*
Shahana: ano yan??
Tara: mga gamit ko at mga damit na bago pa pero hindi ginamit
Shahana: tara madami naman ako damit diyan tuwing nauwi si dad lagi syang may dalang damit samin ni kuya galing abroad.
Tara: sira!
Shahana: ha?
Tara: hindi to para sayo noh?...alam ko naman na kahit papano nakakabili kayo ng mga maayos na gamit so bakit ko kayo bibigyan?
Shahana: kung ganun para kanino pala yan??
Tara: kay mikaella..para kay mikaella lahat ng to. 
Shahana: ha?...at ano naman naisip mo bakit mo sya binibigyan ng mga gamit at damit?
Tara: actually hindi lang to basta gamit ko lang may mga beauty products din dito na makakatulong para gumanda ang muse natin.(sabay suot pa netong mga damit)..sigurado akong napakaganda na nya..
*Napangiti si shahana..kung ganun magkakaroon sya ng kasama dahil balak din sana nyang puntahan si mikaella at mag sorry sa mga nasabi nya.*
Shahana: sige antay mo ako ha magkasama tayong pupunta doon.
*Nakabihis na si shahana at naglagay ng konting pabango...at nagpaalam sa kuya nya at habang patungo sa bahay nila mikaella...ay walang ibang naiiisip si shahana kundi ang patungkol sa mga kalukohan ni mikaella...at ang pagiging mag kaaway nilang mortal.*
Shahana: alam mo tara lately narealize ko na baka there's a reason bakit sya nagkakaganyan...pinipilit ko naman syang intindihin kaya lang papano ko magagawa yun e wala yatang araw na hindi nya ako hina high blood.

*Tumango tango lang  si tara at nanahimik..*
Shahana: may mga times naman tlaga na iniisip ko na sana nagkakasundo nalang kami kasi sa lahat naman ng magkababata kami lang yung kahit minsan dipa nagkabati...
Tara: spoiled brat ka rin kasi noon shahana,na lagi mong pinagtitripan si mikaella parang nabaliktad lang ngayon sya naman yung brat at ikaw naman ang pinagtitripan nya.
Shahana: tara ang pagiging spoiled brat ko noon ay dala lang ng pagkabata ko..pero si mikaella hindi na yan bata. May mga buhok buhok na yan sa kilikili na kelangan ahitin na,anung bata pa ba at hindi lang naman ako ang trip nya buong kaklase mapa babae mapalalaki.
Tara: kaya ka lang naman ata nya napagtitripan ay dahil nangingialam ka
Shahana: so ano ok lang yung ginagawa nya sa mga classmates natin para wag lang akong pagtripan wag ko nadin sana pansinin ganun?
Tara e ano pa't naging presidente ako ng klase tungkulin ko un..sadya lang tlagang matigas lang ang mukha nyang mikaella na yan
Tara: oh oh,yang puso mo alalahanin mong papunta tayo sa kanila para ihatid tong mga gamit...mahirap yung galit na haharap sa kanya di kayo matatapos..(sabay harap ni tara kay  shahana)...ngiti ka malapit na tayo..(nag awang lang ng konting bibig si shahana..)
Tara: ngiti shahana hindi buka ng bibig...
*hindi na sya napangiti pa dahil nakarating na sila kela mikaella.*
Tara: tao po..tao po...good evening po..(sabay katok sa maliit na gate)
*..kita naman nila kapag may lalabas kasi mababa lang ang gate...lumabas ang pinsan ni mikaella na si gema ngumiti eto pagkakita sa kanila*
Gema: hello kmusta kayo...long time no see tara.(bumati din naman ai tara)..
Tara: kaya nga eh ngayon lang ulit kasi nagpatransfer ako ng school
Gemma: ganun ba..nagkita na kayo ni mikaella?
Tara: kaya nga kami nagpunta dito eh kasi gusto namin sya makausap
*Lumabas naman galing sa loob ng bahay ang tiyuhin ni  mikaella na ama ni gemma
Mang gardo: mga iha na magaganda..wala dito si mikaella bihirang bihira lang namin naaabutan yun pagka galing nya ng school
Tara: san ho ba sya nagpupunta?
Mang gardo: nasa barkada..ang batang yan lakwatsa dito lakwatsa doon..pagdadating galing barkada minsan umaga na maliwanag na kung umuwi at amoy alak pa.
napaka pasaway napaka sinungaling pa.
Shahana:(napatitig kay mang gardo)
Bakit nyo ho nasabing napakasinungaling,(mahina ang boses ni shahana)
Mang gardo: samu't sari ba naman ang mga kinukwento patungkol sa akin.. walang utang na loob yang batang yan ikinahihiya ko tlaga...kami na nag alaga at nag aasikaso sa kanya,ay kami pa ang masama..ang mga kabataan tlaga ngayon konting masermunan mo lang ay grabe na ang mga sama ng loob...
*tumingin naman kay gemma si mag gardo..at agad naman na pumasok si gemma sa loob ng bahay at bka sya ang pagbalingan ng ama.*
Tara: so wala po dito si mikaella?
Tatay gardo: ay naku mga ineng wag na kayong maghintay iha at di ko rin alam kung saan nagpunta yun kung ako lang ay ama nyan aba'y katakot takot ng paglalamibitin ang ginawa ko diyan para lang magbago aba kababaeng tao...
Shahana: ganun ho ba kung wla ho dito si mikaella di na po kami magtatagal
Mang gardo: ay mga ineng wag kayong masyadong magtitiwala sa pamangkin kong iyan ha at bka pati kayo mabilog ng batang yan..sabagay wala pa naman nabibilog ang batang yan sino ba naman ang maniniwala sa kanya ay puro sya tigas ng ulo.
Tara: sige ho salamat po magpapaalam na kami..(sabay talikod)
*..humakbang pa ng konti si shahana at nilingon ulit ang tiyuhin ni mikaella pinagmasdan nya etong mabuti.*

*Naglalakad na ulit sila pabalik ng bahay ay nanahimik si shahana...habang patuloy naman ang daldal ni tara wala etong ibang bukambibig kundi puro mikaella
Halatang halata ang laki ng pagkagusto ni tara kay mikaella...habang papauwi na sila sa bahay nya napansin ni shahana ang medyo madilim na dadaanan nila ay puno ng kaymito doon..napapangiti si shahana ng maalala yung parang ibon na pagkahulog ni mikaella doon*
Tara: kawawa naman honey baby ko. (Ani tara na ikinangiwi naman ni shahana na halata naman ni tara).."madirihin tlaga si shahana"(isip isip ni tara..)

Tara: kawawa naman tlaga base sa kwento mo may kataasan yung pinag bagsakan. Buti hindi ka isinama paakyat at inilaglag ikaw na nga may sabi na barumbada na ngayon si mikaella diba
Shahana: subukan nya lang wala naman akong kasalanan sya unang nagbato..
*nang makalapit na sila sa kaymito ay itinuro pa nya kung gano kataas at kung saan at paano bumagsak si mikaella...kinukwento  eto ni shahana kay tara na tawang tawa at doon pa mismo sya nag tungo kung saan lumagapak si mikaella*

*Tawa naman ng tawa si tara kay shahana maski di neto matapos tapos ang sinasabi kakatawa.. nang biglang may lumagapak ulit doon at sumapupo kay shahana na labis na ikinagulat ni shahana kaya't nagtitili eto. Nataranta naman si tara at agad na hinampas ng mga dala nya ang pangahas na yumakap kay shahana para bumitaw..dahil sa sunod sunod na hampas ni tara ay bumitaw eto sa pagkakasapupo sa nagtititiling si shahana.*

*Nataranta si shahana ng maaninag kung sino ang hinampas hampas nya.*
Tara: MIKAELLA??? A-anong ginagawa mo dito??
*Hindi naman makasagot si mikaella dahil daing daing neto ang mga hampas ni tara.
ngunit susugurin naman ni shahana si mikaella dahil sa pagyakap neto sa kanya ngunit mabilis na humarang si tara.*
Tara: come on shahana masakit na nga ang hampas ko eh susugurin mo pa
Mikaella: e bakit ba kasi kayo andito nagpapahinga ang tao eh..tapos pinagtitsismisan nyo pa ako.
*Pinulot ni tara ang dala nyang ibibigay kay mikaella at tinulungan naman sya ni mikaella.*
Mikaella: para saan to tara?
Tara: oh..ang mga damit na yan ay hindi pa nagagamit  sure naman ako na kasya yan sayo (nanlaki naman ang mata mickaela.)
Tara: mika please ayoko sa lahat yung tinatanggihan ako. Mga bagong damit yan mika..tanggapin mo na kasi masama ang tumanggi sa grasya...
*kaya't ganun na nga ginawa ni mikaella kinuha Nya ang paper bag kay tara...dahil sa nagbukas ng flashlight si tara itinutok nya eto sa mukha ni mikaella  sabay napahaplos sya sa buong mukha neto*
Tara: oh my god,sorry sorry tlga...
*nakatulala naman si shahana parang nanonood sya ng romantic movie ng mag asawang bagong honeymoon sa totoong buhay*
Tara: mikaella...
*sabi ni tara na ayaw ialis ang mukha kay mikaella*
Tara: may sasabhin din sana si shahana..(ngunit siniko nya si tara)
Shahana: ahm...
Tara: yung about kanina daw sa school...
sabhin mo na..(bulong neto kay shahana..)
Tara: di daw nya kasi sinasadya ang mga nasabi nya....
*Tumingin lang si mikaella kay tara...pero dahil sa halos nasa likuran lang sya ay hindi nya alam kung kanino naka tingin kung sa kanya ba o kay tara.*

*Tumango tango lang si mikaella..*
Tara: so all this time na sabi ng tiyuhin mo ay nasa barkada ka...
*Napapailing nalang si mikaella*
Tara na guys bka baka abutan pa tayo ng curfew dito sa labas.
*Nauna ng maglakad si shahana..
pinagmamasdan ni mikaella ang naglalakad na si shahana..ramdm ata ni shahana na may nakatingin lang sa kanya*
Shahana: (di mapakali)...may problema ba? (Sabay na napatingin sina tara at mikaella para malaman kung sino ang sinasabihan ni shahana)

*kita naman ni mikaella na sa kanya nakatingin si shahana...kaya't di na nman nya magawang tumingin ng deretso dito*
Mikaella: (arteng hindi kinakabahan) masama bang tignan ka?
*sa pagkakataong iyon ay si shahana naman ang natahimik*

*marahil kung maliwanag pa ay siguradong kitang kita ang pamumula ng pisngi nya*
Shahana: bakit kasi tinitignan mo ko?
Mikaella: nagtataka lang ako sayo ngayon...
Shahana: bakit anong nakakapagtaka sakin?
*napangiti naman si mikaella...hindi nakaligtas sa paningin ni shahana ang bahagyang pagngiti na iyon ni mikaella*
Shahana: in fairness,may itsura palang talaga itong dugyot na ito kapag natitigan,lalo na kapag naka ngiti..(nasabi nya sa sarili)...teka ano ba tong pumapasok sa isip ko????


*******************************************

End of this chapter guys we hope you like it...
Please follow Anne lie on her fb account 😊 ☺️

My Only Treasure Where stories live. Discover now