My Only Treasure

291 20 2
                                    

Mikaella  Velez (freen)
Shahana Montero (becky)

Shahana💞mikaella

chapter 2

Shahana's pov

*Asar na asar sya sa pamemersonal na ni mikaella kaya't sinungalngal nya eto ng halaman na dala dala nya...galit na galit naman si mikaella..*
Mikaella: sumosobra kana!!..
napaka mapanakit kana ah kanina kapang umaga!!
Shahana: di ka naman kasi nasasaktan kaya ayaw mong lumubay dba..pwede ba dugyot wag mo ngang ihaharap sakin yang pagmumukha mo dahil sayo sirang sira ang araw ko!!(sabay balik sa loob ng room dahil tinapon nalang nya ang halaman..)
*nagkandabali bali kasi eto hindi kinaya ang tigas ng mukha ni dugyot...
Kinuha na ni shahana ang mga gamit nya sa school at pati bag..nakita nyang nakabantay parin sa pintuan ang mga pasaway nyang kaklase kaya't pumunta sya sa cr at kumuha ng trash bag..ska nilagyan ng maraming tubig ska lumabas...ska pasimpleng dumaan..di nga sya nagkamali haharang pa nga si mikaella kaya bago pa man eto makalapit sa kanya ay ibinato na nya ang trash bag na may lamang tubig nakita nya ang laking pagkagulat ni mikaella at ligong ligo eto..ska sya nagtatakbo palabas ng
Eskwelahan.*

*Nakarating na sya sa bahay nila ng sirang sira ang mood...lumapit din naman agad ang kuya nya para pagandahin ang mood nya dahil may dala etong paborito nyang mang juan at richie...napa"thank you" sya sa kuya nya saka tumabi sa kanya.*
Patrick: buti naman nakangiti kana..alam ko na naman kung bakit ganyan ang itsura mo..sinira na naman ni kapitbahay ang mood mo ano.
Shahana: maghapon kuya..maghapon nyang sinira ang mood ko
Patrick: hindi kapa ba nasanay sa kanya.
Shahana: kuya ikaw ba nmn napapahiya sa kaklase at  mapersonal.
Patrick: anong gusto mong gawin natin...para mawala ang badmood mo
Shahana: ewan ko kuya wag mo muna akong kausapin siguro.
Patrick: aba hindi pwede yang ganyan na pati kami dto sa bahay eh madadamay...halika..(sabay hila kay shahana ng kuya nya palabas ng bahay.)
Shahana: anu ba kuya san ba tayo pupunta. (Maktol nya habang hila hila ng kuya nya.)
Patrick: pupunta tayo sa kapitbahay natin na nagpapasira lagi ng araw mo...
*at nakarating agad sila sa tinutukoy neto dahil ilang bahay lang naman ang bibilangin para makarating sa kanila.
Hila hila ni shahana ang kuya nya para wag ng tumuloy pero hila hila din sya ng kuya nya.*
Patrick: tao po!..tao po...aling nora,aling nora.(tawag ng kuya nya  sa tiyahin ni mikaella)
*.agad naman lumabas  ang tinawag at kasama pa ang asawa neto...inakbayan sya ng kuya nya*
Patrick: ahh aling nora baka naman ho.
Aling nora: ano iyon totoy may kailangan kayo.
Patrick: abay bka naman ho iyang pamangkin nyo e araw araw na ho atang sinisira ang mood ng kapatid ko...andyan po ba sya.
Aling nora: sino si mikaella ba?..wala sya dito totoy ineng shahana..umalis sya kanina pagkahatid ng bag nya dito
Patrick: aling nora hindi nyo ho ba pwedeng disiplinahin man lang yang pamangkin nyo ho..aba'y matindi na ang pinaggagawa sa school sumasakit na ang ulo ng kapatid ko parati dahil sya naman ng sya ang pinagkakatiwalaan ng mga guro na manaway..aba'y estudyante din ho ang kapatid ko...(matigas na sabi ng kuya nya.sumabat ang asawa ni aling nora na si mang gardo..)
Mang gardo: aba'y mga iho at iha.  Di naman lingid sa kaalaman ninyo na tlgang matigas ang ulo tlaga nyan ni mika ano...samu't sari na ang reklamo ng kung sino sino sa amin. Kababaeng tao eh sobrang sakit sa ulo..napakasinungaling pa ng batang yan.
Shahana: ho bakit ho sya sinungaling bukod sa napakatigas ng ulo.
Mang gardo: aba'y kung ano anong masasama minsan ang sinasbi tungkol sa akin o sa amin .walang utang na loob eh kami etong nag aasikaso sa kanya...kung hindi dahil sa amin ay baka ay nasa lansangan na iyan o bka kung sino sino na ang tumitiki---*natigil ang pananalita ni mang gardo kasi siniko na sya ni aling nora...hinarap ni aling nora si mang gardo..pamangkin ko parin ang batang tinutukoy mo ha...mag iingat ka sa pananalita mo ako ang mag aasikaso dyan kapag ganyan e di ako ang nasisi ng nanay nyan.
*kinalabit na ni shahana ang kuya nya para umuwi kasi bka mapunta na sa usaping pamilya ayaw na ayaw nyang nangingialam sa buhay ng ibang tao.*
Patrick: ay sige ho aalis napo kami..pinaalam lng po namin ang tungkol sa ginagawa ng pamangkin nyo ho sa school bka sakaling mapagsabihan nyo po..(sabay talikod)
*..ngunit parating naman si gema na lihim na gf ni patrick.kaya't natigilan si patrick nahalata naman yun ni shahana at lumingon sa kinaroroonan ng tiyahin ni mikaella nakatingin pa eto sa kanila kaya't siniko nya na kuya nya*
Shahana: halika na kuya wag kanang magnilandi jan..
*nakita nyang nagngitian at nagkindatan yung dalawa..hinila nya na agad yung kuya nya dahil naiinitan sya sa atmosphere sa bahay na yun.*

My Only Treasure Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu