My Only Treasure

268 18 3
                                    

Shahana💞mikaella

Chapter3

Shahana's pov

*Maagang pumasok si shahana kasi may gagawin pa silang group project ng mga classmate nya naglalakad na sya papuntang gate ay di nya nakakaligtaan na lagi palang may mukhang kapre na laging naninigarilyo sa labas ng gate ng school...medyo malayo palang ay tanaw nya na eto kaya't medyo gumitna sya para hindi sya mapansin at sumabay sya sa ilang estudyante..ngunit hindi parin sya nakaligtas dahil ng tumapat sya dito kahit malayo ay abot parin sa kanya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo nito.
napatigil ang paghinga nya uubo sana sya ngunit pinigilan nya kasi bka lalo lang etong magpapansin kapag nagpahalata syang naaapektuhan sya sa pagbuga neto..
nagmadali na lamang sya maglakad at pagpasok nya sa loob ng school ska sya umubo ng sunod sunod..*
Shahana: pambihira tlaga oh..
*napaisip na naman si shahana sigurado sya bka gantihan sya ni mikaella sa sunod sunod na mapanakit nyang pakikipagbardagulan dito*

*Natigil ang paguusap nila ng mag umpisa ng mag lecture ang teacher halos maghapon hindi nagligalig si mikaella na pinagpasalamat nila ng mga kaklase nya...si tara naman ay  namamataan nyang maya't maya ang lingon kay mikaella kaya naman napapalingon din sya kasi katabi lang nya eto...sakto naman na tuwing lilingon sya eh nakatingin din si mikaella kay tara..sya tuloy ang naiilang. ..dahil siguro kay tara at adrian kaya nananahimik ngayon si mikaella...kasi kababata din nya ang mga eto...bukod tanging sila lang tlaga ang hindi magkasundo...naglunch time ay kumain sila sa labas ng school dahil treat cla ni tara...shinort  cut nila ang malawak na likuran ng school maraming puno puno ang likuran na yun at tuwang tuwa sila ni adrian na abut abutin ang mga bawat bunga ng puno...mapansin nila na may nag iisang tao na nakaupo sa malaking puno doon nakasandal lang eto at ng lapitan nila para alamin kung sino ay si mikaella iyon nakapikit..
Adrian: natutulog ba yan..(sabay turo kay mickaela)
*.tinitigan nilang mabuti si mikaella at totoo ngang tulog eto...nag ahhheerm si tara agad naman na siniko ni shahana si tara...na ikinamulat naman ng mata ni mikaella.*
Tara: hi..ah punta kaming fastfood sama ka?(tiningnan naman ni mikaella si shahana at mabilis na umiling.)
Shahana: tara na guys baka malate na tayo pabalik...
Tara: (lumapit kay mika)...ititreat kita don't worry libre ko kasi bago kami ni adrian dito sa school...
*bago pa makatanggi si mikaella ay hila hila na sya ni tara... kaya't habang naglalakad sila ay nakakunyapit si tara sa mga kamay nya...napasimangot naman si shahana halatang di neto gusto ang nakikita kaya't nagmadali na etong pumunta sa fastfood at umorder sa loob.*
Tara: dipa rin ba kayo magkasundo..
magkaklase na kayo oh...(tahimik lng si mickaela na ikinalingon ni shahana..)
Shahana: lumubay lubay ka dyan tara...anytime pwede  na yan sapian.

*Kumuha ng sarili nyang upuan at lamesa nya si shahana dahil ayaw nyang makaharap si mikaella sa pagkain  naiisip nya parin na anytime gawan parin sya ng kasalbahian e maraming kumakain doon...natapos silang kumain at nagmadali ng umalis si mikaella nauna na eto sa kanila.*
Shahana: see diba ni hindi man lang nag paalam...ihanda mo ang sarili mo dahil yang taong kinahuhumalingan mo anytime pwede lumabas ang sungay...
Adrian: come on shahana...dahil lang sa hindi kayo magkasundo ganyan ang mga sinasabi mo...(hindi na nagsalita pa si shahana)
*bakit nga ba klngan pa nyang ikwento lahat.*
Tara: kahit ano pa yang makikita ko sa kanya kasi naniniwala naman ako na may kabaitan parin sa kanya...kasi base sa nakita ko sa kanya malungkot sya shahana...(napangiwi si shahana)
Shahana: sige ha di na ako magsasalita abangan nalang natin..
*Kinahapunan ay nagpunta si shahana sa office at mabilis syang bumalik...pagbalik nya ay may nag aaway sa dulo ng classroom..*
"President!!president!!...agad na tawag sa kanya ng mga mga kaklase.nagmadali naman sya*
Them: pres shahana tingnan mo na naman si mikaella oh...
*sabay turo kay mikaella na may isinubsob na kaklase ang mukha neto ay nsa lamesa at ang isang kamay neto ay pinilipit ni mikaella sa likod.*

*Agad naman na nagmadali si shahana at inawat ang nag aaway tutulong pa sana ang mga tropa ni mikaella pero dinuro duro na eto ni shahana...at lumapit kay mikaella*
Shahana: bitiwan mo, bitiwan mo yan...ano ba mikaella!!(agad naman binitawan ni mikaella at malakas na tulak ang binigay sa lalaking kaklase)
Mikaella: nangingialam kana naman shahana?gusto mo ikaw nalang lagi kaaway ko ano?siguro namimis mo ako kaya nagpapapansin ka lagi...
(Namula naman si shahana aa sinabi no mikaella.)
Shahana: nagpapapansin??kanino??sayo??at bakit naman ako magpapapansin sa dugyot na tulad mo?...natural lang naman na mangialam ako dahil ako ang class president nyo!..at natural lang din na sawayin kita dahil ikaw palagi ang punot dulo ng gulo dito sa loob ng room o isama mo narin maski sa labas.
Mikaella: alam mo anak araw..sawang sawa na ako makipag debate sayo kahit class president ka wala akong pakialam!!...di ka naman bagay sa pagiging class president kasi lalo mo lang kami sinisilaw.
Shahana: (pikon)...ahhhh at sino ang bagay?ikaw muse ka??...ewan ko ba bulag ata mga kaklase natin at ikaw ang muse samantalang tingnan mo nga itsura mo dugyot at walang mapaglagyan ang mga pimples...(tapos tiningnan ni shahana mula ulo hanggang paa si mickaela)..yuck!!!
*tapos ay tumalikod..aktong uupo si shahana ng biglang naglaho ang upuan nya kaya't bumulagta sya sa sahig bagay na nagtawanan ng malakas ang mga kaklase nila..mabagal ang pagtayo ni shahana inayos ang buhok at damit...nagtatawanan parin ang mga kaklase nya at paglingon nya ay seryoso si mikaella. Ska malakas ang boses na binalingan ang mga kaklaae.*
Shahana: o happy? (Umikot sya at nagthumbs up sa mga kaklase)..HAPPY?(sabi nya ulit).nakakatawa na may makitang pinagtitripan noh. Kapag kayo naman ang pinagtripan nyan (sabay duro kay mickaela)..kapag kayo naman ang pinagtripan nyan wag kayong tatawag ng tatawag na president president shahana huh!!!!
*galit na baling nya sa mga kaklase .ska nag ayos ng bag nya at tinitigan ng masama si mikaella*
Shahana: masaya ka sa ginawa mo??
*isinabit ni shahana ang bag sa likod nya sabay....*
Shahana: alam mo dapat katulad kahapon eh..ung umiyak kalang maghapon..sino ba yung nagpaiyak sayo kahapon at bibigyan ko ng award,Pumalakpak pa si shahana..ang galing naman nya at pinatahimik ka kahapon maghapon sana lagi kang pinaiiyak ng kung sino man yun!!
*sabay alis naririnig pa rin nya na sinasaway sya ni adrian at tara...pero sira na naman ang mood nya kaya't dina sya nag aya sa mga kaibigan...ng nasa labas na sya at nagmamadali lumingon sya sa room nila nasulyapan nya si mikaella na nakatulala na.*

Mickaela's pov

*Umaalingawngaw parin sa tenga at utak nya ang iniwang salita ni shahana..*

"kung sino man yung nagpaiyak sayo sana palagi kang paiyakin non"

*wala sa loob na lumabas si mikaella ng room pero hinabol sya ni tara at hinawakan ang braso..*
Tara: pasensya ka na sa mga sinabi ni shahana .akala nya kasi ikaw ang nagtanggal ng upuan nya kaya sya  pumalakda..napahiya kasi yun kaya nakapagbitaw ng mga salita...
*tumango tango lang si  mikaella at mabilis na umalis sa harapan ni tara.*

*Bumalik sa malaking puno sa likod ng school si mikaella at mabilis na humugot ng sigarilyo.. .ng nahugot na ay mabilis nya etong sinindihan...kasabay ng mga paghithit nya ang pag uunahan ng mga luha nya sa mata...nanginginig ang mga kamay nya at bibig nya habang di maalis sa utak nya ang mga sinabi ni shahana*

"kung sino man nagpaiyak sayo bibigyan ko ng award yun at sana palagi kang paiyakin non"

*napaupo si mickaela sa malaking puno at nakayakap sa mga hita at tuhod nya dahil humahagolgol na sya.*

*Inubos nya ata ang mga luha nya sa mata ska tumayo at nag ayos ulit ng sarili dahil sa kusang naupos ang sigarilyo nya ay nagsindi sya ulit ska pa lumisan sa lugar na iyon..ng dumating sya sa kanila ay nanonood ng tv ang mga lalaki nyang pinsan..wala pa si gema gayong halos gabi na*
Mikaella: baka nakipagkita yun kay patrick..(bulong nya sa sarili).
*.nagmadali syang magbihis at umalis ng bahay na iyon dahil baka abutan pa sya ng kanyang tiyahin na palaging nasa kapitbahay para makipagtsismisan makalat ang bahay na yun pero hindi na sya nag abala pang maglinis dahil magdidilim na kaya kelangan nyang makasibat agad doon bago pa man sya maabutan doon ng mag asawa nyang tiyahin...ng nasa labas na ay agad syang naghanap ng tindahan at bumili ulit ng alak...bitbit din nya ang sigarilyo at lighter...habang nasa bag nya ang alak ay naglakad sya papuntang puno ng kaymito at umakyat doon..madilim na naman kaya kagaya ng ginagawa nya gabi gabi ay kinakapa lang nya ang mga sanga paakyat sa puno na yun at ng nasa taas na sya ay ska nya tinutungga ang alak at nagsisindi ng sigarilyo habang nakasandal at nakataas ang mga paa sa mga sanga sanga doon..ska sunod sunod ang buntong hininga.


*******************************************

Ano kaya reason bakit lagi nlang ganun ang ginagawa ni mikaella???
Well abangan nlang ang mga susunod na kabanata....
Please follow Anne lie on her fb account 😊 ☺️ 💗

My Only Treasure Where stories live. Discover now