Kabanata 02

37 6 1
                                    

KABANATA 02

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Hindi na mapakali si Kristine na makita ulit ang bago n'yang kaibigan na aso sa gubat. Gusto na n'yang dalhin ang aso sa bahay n'ya at ipaalam sa magulang na mag-aalaga na s'ya ng aso.

Ilang araw na rin silang naglalaro ng aso at sinabihan ito na magpaalam na ito sa magulang dahil mapapadalas na ang pagpunta ng aso sa bahay n'ya. Kahit gustuhin man na angkinin ni Kristine ang kaibigan n'yang aso ay hindi maaari dahil may magulang pa rin ito na naghihintay sa gubat.

“Eat slowly, Kristine,” saway ng kan'yang Ama na si Gabriel nang napansin ang mabibilis na pagsubo n'ya sa pagkaing nakahain sa plato n'ya.

Tumango lamang si Kristine at medyo binagalan na ang pagsubo ng pagkain. Kanina pa s'yang napapalingon sa kagubatan, nagbabaka-sakaling nando'n lamang ang aso na naghihintay. Nalaman kasi n'yang naghihintay din ito sa kan'ya sa kanilang meeting place.

“Saan ka nagpupunta palagi, anak? Napapansin kong nasa labas ka tuwing hapon at pumapasok sa kagubatan. Baka mapahamak ka,”nagsalita si Lily habang nasa kalagitnaan ng tanghalian, may bahid na pag-alala sa boses nito para sa anak n'yang si Kristine.

Napaiwas ng tingin si Kristine. Kailangan na talaga n'yang papuntahin ang aso sa bahay n'ya nang hindi na mag-alala ang kan'yang Ina.

“May friend po ako. . . We're always playing in the forest.”

“Friend?” takang tanong ng kan'yang Ina. “Wala tayong kapit-bahay bukod sa kaibigan mo na si Penelope, anak. Imposibleng si Penelope ang tinutukoy mo dahil wala na s'ya rito. ”

Kinakabahan si Kristine. Hindi n'ya alam kung magugustuhan ba ng magulang n'ya na makipagkaibigan sa malaking aso na nakita lamang sa kagubatan.

Pinaglaruan ni Kristine ang kamay habang nakayuko sa Ina at Ama n'ya na naghihintay sa kan'yang sasabihin.

“Promise me you won't get mad, Mommy, Daddy.”

Binuhat s'ya ng kan'yang Daddy para paupuin s'ya sa kandungan nito. Hinalikan s'ya nito sa pisngi, nakapukol ang malambing na tingin sa kan'ya.

“We are not mad, baby. Nag-aalala lamang kami na baka may mangyari sa 'yong masama roon lalo na wala ako rito minsan,” masuyong sambit ng kan'yang Ama.

Unti-unting napanguso ang bibig ni Kristine, napatingin na sa Ama. Ang kan'yang Ina ay tabi lamang ng kinauupuan ng kan'yang Daddy.

“You are precious to us, baby. Nag-iisa ka naming prinsesa kaya gusto naming malaman kung ano ang nangyayari sa 'yo nitong nakaraang araw. Kung anong pinagkakaabalahan mo,” saad naman ng Mommy ni Kristine. Hinaplos nito ang kan'yang pisngi saka sinuklay ang mahaba at curley n'yang buhok.

Natahimik sandali si Kristine. Hindi n'ya maiwasang laruin ang dulo ng kan'yang kulay puting bestida na hanggang tuhod n'ya.

“I. . . I saw a dog in the forest po. He was big pero hindi n'ya ako kinagat,” pangungumbinsi pa ni Kristine sa huling sinabi na hindi talaga masama ang aso na nakilala n'ya. “We always playing roll the ball po. Hindi po s'ya bad dog, Daddy and Mommy.”

Natahimik ang kan'yang magulang. Alanganin na nag-angat ng tingin si Kristine para tignan kung galit ba ang magulang n'ya. Ngunit mukhang kanina pa ito nakatingin sa kan'ya na may halong pagtataka at gulat sa mga mata nila.

“Malaking aso, anak?” mabagal na tanong ng kan'yang Mommy sa kan'ya tila naninigurado lamang at napatango si Kristine.

Mabagal na napakurap-kurap ang nga mata ni Kristine habang tinitignan pa rin ang magulang n'ya na nagkatinginan. Tila nag-uusap ang mga mata nito na ayaw sabihin sa kan'ya. Mukha namang hindi galit ang magulang n'ya ngunit hindi n'ya maintindihan ang inaasta ng mga ito. 

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Apr 23 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Alpha's FlowerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant