Kabanata 2

3 0 0
                                    

 
Jasper's p.o.v.

Pagkarating ko sa may tapat nitong labas ng aming bahay ay pinagbuksan na agad ako ng pintuan sa gate ni kuya guard saka tuloy-tuloy na akong pumasok at inihinto ang sasakyan sa may gilid.

Lumabas na ako mula sa aking sasakyan at tinungo ng hakbang ang daan papunta sa pintuan papasok sa loob ng bahay.

"Congratulation!" Ang nagagalak na sigawan ng tatlong kasambahay nitong bahay namin sa akin ng mabuksan ko ang pintuan kasabay ng pagpapaputok nila ng lobo na may ginupit na plastik sa loob nito sa may taas ng ulo ko at nakangiti pa ang mga imahe ng kanilang mga mukha.

Mabuti pa ang mga kasambahay namin kasi naisipan na batiin ako sa pamamagitan ng simpleng pamamaraan and I really appreciate their effort.

Hindi kagaya ng mga parents ko na mas inuna ang pag-asikaso ng business nila kaysa ang asikasuhin ako na kanilang anak.

"Salamat po pero pagod na po kasi ako at gusto ko na muna magpahinga. Sige po, punta na lang muna ako sa kwarto." Ang nakasimangot kong sagot sa kanila at hindi ko na hinintay na magsalita pa sila bagkus ay iniwan ko na lamang na nakatayong nakatingin lang sila sa akin habang nagpapatuloy ako sa paglalakad papunta sa aking kwarto.

Hinubad ko na ang graduation toga ko at inilagay iyon sa lalagyan na basket ng labahan dito sa loob ng kwarto ko saka nagbihis ng pambahay na kasuotan.

Naupo ako sa may kama habang hawak sa aking mga kamay ang tatlong medalya na natanggap ko bilang parangal na bunga ng aking pagsisikap sa pag-aaral.

"Kailan ko ba mararamdaman ang pagmamahal at panahon na handang ialay ninyo sa akin?" Hinihimas ko ang mga medalya sa aking kamay sa pagbibitaw ng mga salita na tinatanong ko sa aking sarili na ang tinutukoy ay ang mga magulang ko.

Napahandusay ng paghiga na lang ako sa kama na kinauupuan ko habang nakapatong na sa ibabaw ng aking dibdib ang mga medalya na nakatikom sa loob ng aking kamay.

"One of these days ay sasabihin niyo rin na ako ang inyong anak at proud kayo sa akin." Ang huling salita na binitawan ko kasabay ng pagpikit ko ng aking mga mata para subukan na matulog at baka sakaling sa pagdilat ko nito ay mabawasan man lang kahit na kaunti ang kalungkutan na nararamdaman kong ito.

Ilang sandali pa akong nakahiga habang nakapikit na pinipilit makatulog pero hindi talaga ako inaabutan ng antok hanggang sa isang pagkatok ang narinig ko mula sa labas ng pintuan nitong kwarto ko kaya naman ay napadilat ako ng mga mata at umayos ng pagkakaupo saka inilapag sa higaan ang aking mga medalya.

"Jasper, hijo! Gising ka pa ba?" Ang boses ng isa sa katulong ng bahay mula sa labas ng pintuan nitong kwarto ko.

"Yes po manang. Bakit po ba?" Ang pagbabalik ko na pagtanong bilang sagot sakanya.

Dahan-dahan na bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang katulong namin na si Manang.

Nakatingin lang ako sakanya na nakatayo sa may pinto.

Tinaasan ko siya ng aking kilay sa mata na senyales ng pagtatanong sa rason niya ng pagpunta dito sa kwarto ko.

"May special na bisita ka sa baba and for sure na siya ang magpapabago ng awra mo." Biglang lumiwanag sa kinang ang mukha ni manang ng sambitin niya ito.

"Ha! Sino naman po?" Ang nagtatakang tanong ko sakanya kasi wala naman akong maisip na ideya sa sinabi niya saka wala naman ako inaasahan na darating para dalawin ako dito sa bahay.

"Basta sumama ka na lang sa akin sa ibaba para malaman mo. Tara na hijo?" Ang paanyaya ni manang sa akin.

Wala na akong pagpipilian kasi wala din naman masama sa mga salita na binitawan niya kaya tumayo na ako at magkasama kaming dalawa na bumaba sa may kusina.

Island Of HeartsWhere stories live. Discover now