Kabanata 1

5 0 0
                                    


Jasper's p.o.v.

Ito ang araw na pinakahihintay ko. Ang aking pagtatapos ng pag-aaral sa hayskul.

Nagsisimula ng tawagin ang mga pangalan ng may mga parangal na tatanggapin pero wala pa rin ang aking mga magulang kung kaya't ako naman itong parang hindi mapakali sa kinauupuan na palingon-lingon sa paligid na nagbabakasakaling nariyan na sila sa tabi-tabi pero nagkamali lang ako dahil umaasa pa ako na darating sila.

"Fortalejo Jasper, with honor, outstanding in working immersion, and service awardee." Narinig ko na nga lang ang aking pangalan na tinatampok ng aming guro na nakangiting nakatingin sa akin mula sa itaas ng entablado kaya tumayo na lamang ako at nagsimulang humakbang paakyat sa itaas ng entablado para tanggapin ang aking parangal.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na mapahawak at kusotin ang mga mata ko na gusto ng tumulo ang luha. Baka nga talaga hindi na sila darating pa para dumalo sa isang mahalagang araw sa buhay ko.

"Congratulation Mister Fortalejo, pero teka  nasaan ba ang mga magulang mo at parang wala ka yatang kasama para tanggapin ang mga pinaghirapan mo sa pag-aaral?" Ang nagtataka na pagbabati ng aming guro sa akin ng makaapak na ako sa itaas ng entablado sa mismong harapan nila kasama ang principal at ang guest speaker namin na Mayor ng aming municipal.

Nagtataka siguro siya kasi wala akong kasama na sasabit sa akin ng mga medalya kong tatanggapin.

"Busy po sa business. Siguro po mas higit na mahalaga pa ang negosyo nila kaysa sa akin na anak nila." Ang tanging rason na naisagot ko sa kanila saka ako ngumiti para itago ang lungkot na aking nararamdaman. Tumango-tango naman sila sa akin.

"Hayaan mo na hijo. Kami na lamang ang magsasabit ng mga medalya mo para sayo." Ang masiglang pagsambit naman ni Mayor saka ko tinanggal ang nakapatong sa ulo ko na toga's hat saka sinuot ni Mayor sa ulo ko pababa hanggang sa leeg ang mga medalyang parangal para sa pagsisikap ko sa pag-aaral.

"Maraming salamat po." Ang nakangiti na pagpapasalamat ko sakanya saka ibinalik ko na ang toga's hat sa aking ulo at nagagalak sa pagngiti na humarap kami sa mga manonood sa amin sa ibaba nitong entablado na kinatatayuan namin kasabay sa pagkislap ng liwanag na nagmula sa flash ng camera.

Nakipagkamayan pa sa akin ang aming guro at si Mayor bago ako bumaba ng entablado para bumalik sa kinauupuan ko.

Nagpatuloy pa ang seremonya hanggang sa tuluyan na nga itong natapos at hindi man lang dumating ang aking mga magulang. Nagsitayuan na ang mga iba kong kaklase para magpicture-picture habang ako ay nasa upuan ko lang na nakaupong malungkot at hawak na hinihimas ang mga medalya na nakasuot sa aking leeg.

"Kahit hindi kayo dumating but still I dedicate these award for you. Kaso nga lang ay sayang kasi hindi kayo ang sumabit sa akin nito." Ang pagkakausap ko sa aking sarili habang nakatitig ako sa mga ito.

"Jasper! Picture naman tayo for remembrance." Ang biglang pagtawag ng isang babae na kaklase ko sa aking pangalan.

Napatingin ako sakanya na naglalakad papalapit sa akin.

"Ano ka ba? Huwag na at baka mabasag pa ang salamin ng camera mo." Ang sagot kong pagtatanggi sakanya pero pabiro ang tono ko para hindi naman siya na masaktan at hindi na rin niya mapuna pa ang aking nararamdaman na kalungkutan.

"Sige na! Hindi iyan saka isa lang naman." Ang pamimilit niya sa akin saka siya lumapit at tumabi sa kinauupuan ko kung kaya ay wala na akong nagawa pa kundi ang ngumiti na lamang para naman gwapo ako sa picture naming dalawa.

"Kapag iyan lang talaga pangit. Humanda ka sa akin kasi babasagin ko ang camera mo." Ang kunwaring pagbabanta ko sakanya.

Pagsasalubong ng kanyang mga kilay lang ang isinagot niya sa akin habang kinukulikot niya pa ang kanyang camera.

"Ang gwapo mo nga saka cute pa. Tingnan mo o." Ang sagot naman niya saka ipinakita sa akin ang larawan naming dalawang.

Tumango lang ako ng makita ko ang kuha namin dalawang.

She's right of what she had say.

"Ganyan na pala ako kagwapo na parang nababading tuloy ako sa sarili ko." Ang pagbibitaw ko ng banat sakanya.

Napatayo naman siya sa sinabi ko at parang ayaw niya pa maniwala gayong nakita naman na niya ang ebidensiya at hawak pa niya ito.

"Yak, kadiri, asa ka dude? Pero teka, saan ka nga ba magpapatuloy ng college mo? Saka anong course ang kukunin mo?" Ang pambabasag niya sa sinabi ko at hindi naman sa pagmamayabang  pero parang naging interesado siya bigla sa akin.

Umayos muna ako ng aking pagkakaupo bago sumagot sakanya.

"Hindi ko alam kasi parang ayaw ko muna kasing magpatuloy sa kolehiyo. Pahinga muna siguro ako ng isang taon at baka bakasiyon diritso tambay muna sa may probinsiya ng kapatid ko. Ikaw ba?" Ang sagot ko sakanya na may pataas ng balikat pa akong nalalaman at parang napaisip naman siyang saglit.

"Gan'on ba. Ako kasi I don't think about my college kasi sina mom at dad naman ang nagdedecide para sa akin. And by the way I have to go at baka kanina pa naiinip sila sa parking lot na naghihintay sa akin. Maiwan na kita." Biglang tinalikuran na niya ako at nagsimula na siya na maglakad papalayo sa akin.

Tumayo na rin ako at nagsimula sa paghakbang papaalis sa kinatatayuan ko para tunguhin ang aking sasakyan sa may parking area.

Pagdating ko sa aking sariling sasakyan ay agad na akong pumasok sa loob nito.

Isinuot ko na ang seatbelt at ipinasok ang susi sa makina ng kotse para buhayin ito.

Nakahawak lang sa manibela ang aking mga kamay habang nararamdaman ang vibration nitong aking sasakyan.

"Kailan ba kayo magkakaroon ng oras at panahon na handang ibigay sa akin. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para lang mapasaya kayo bakit parang hindi pa rin nagiging sapat?" Ang pagkakausap ko sa aking sarili kasabay ng pag-umpisa sa pagtulo ng ilang mga patak ng luha na nagmula sa aking mga mata.

"Ano ba Jasper? Huwag ka ngang umiyak diyan! Malaki ka na saka huwag mo ng sayangin ang luha mo sa kanila. Kaya mo na iyan." Ang dagdag ko pa na mga salitang binitawan sa sarili ko habang pinupunas ang mga tubig ng luha sa aking mga mata na sinusubukang huwag magpadala sa emosiyon na nararamdaman.

I need to be strong for my self.

Hinawakan ko na ang kambyo ng sasakyan saka sinubukan na paganahin ang sasakyan para umuwi na sa bahay.

Hindi ko alam kung papaano ko ipagdiriwang ang selebrasiyon na ito ng mag-isa o kaya naman ay huwag na lamang.

Island Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon