Negotiate

233 19 1
                                    

Mikha's

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pangalan ni Jasmine ang nasabi ko kay mama, mabuti na yon kesa naman si Aiah ang nasabi ko

Ngayon ang iisipin ko naman ay kung paano ko sasabihin kay Jasmine na magpanggap bilang girlfriend ko kahit isang gabi lang

"Boss Mikha, ako ang nahihilo sa'yo. Maupo ka nga muna, ano ba kasing iniisip mo diyan?"

"Jho help me, nasabi ko kay mommy na girlfriend ko si jasmine and now they want to meet her"

"Patay ka boss, pano yan? Bakit di mo na lang yayain? May gusto naman sa'yo yun diba? Dumamoves ka na lang"

"Jho, ayoko naman samantalahin lang yung sitwasyon"

"Pero sinabi mo yung pangalan niya? Nasamantala mo na Boss, ituloy mo na lang. Pero maiba ako boss, buti hindi pangalan ni Aiah ang nasabi mo? Alam ko namang ulilang lubos ka na dun, sayang kdrama na sana"

"Gago, muntik na nga eh. Buti na lang at hindi, kilala pa naman ni Mommy si Aiah"

" Eh bakit ba kasi pinipigilan ang sarili? Todo deny ka pa kayna Colet eh halata naman na may gusto ka rin kay Aiah"

Pano ko naman kasi sasabihin sa mga yon eh panigurado di na nila ako tatantanan sa kakaasar, susulsol pa yun si Sheena sa pang aasar. I just know it, di ako patatahimikin ng tatlong yon

"ah basta, walang dapat maka alam about sa nararamdaman ko para kay Aiah, isa pa di ko naman yon balak patagalin. Tapos agad"

"Sus, pustahan boss Mikha mas mahuhulog ka din diyan kay Aiah, the more you long for a person to be with you, the more you will fall for them. Proven and tested na namin yan ni Staku"

Oo nga pala, nagliligawan na tong mga toh. I'm very proud of Jho for finally coming to terms with Stacey, akala ko tatagal pa love story nila eh

"Tulungan mo na lang ako kay Jasmine habang nandito ka pa"

Habang nag-uusap kami ay biglang may nag chat sa akin...si Jasmine! Buti na lang

Binigay niya ang number niya sa akin

"Tawagan ko ba Jho? Kitain kaya natin ngayon?"

"Tawagan mo muna boss"

I dialled her number,sana sagutin niya agad.

" Hello Mikha?"

" Yun! Ay ano Hi Jasmine..."

" Yes? Do you need anything? Miss mo ko agad?"

" Ah ano, c-can we like meet today? Are you free ba?"

"today? Wala naman, tayo lang ba?"

"ah no, kasama ko kaibigan ko si Jhoanna, she'll join us...may ididiscuss lang sana ako with you"

" Alright, 4pm sounds good to me. See you Mikha!"

" Bye jas, see you"

Buti na lang madali siyang kausap di na ako nahirapan mag sabi, at buti na rin hindi siya matanong baka kung sa ibang tao yun kung ano ano na agad ang inisip

"Tara Jho, let's meet her"

...

We're sitting inside a restaurant waiting for Jasmine to arrive, actually 30 mins na rin kaming nag iintay dito ni Jho at naka order na rin kami ng foods, pupunta pa kaya yun si Jas?

"Dadating pa ba boss? Mag-aala singko na oh"

"We'll never know if we don't wait eh. Tsaka bukas na yung family dinner namin...gosh first time in 16 years Jho. Never ko naisip na posible pa palang mangyari ulit"

"Anything is possible naman ano ka ba, just trust God with his plans"

Habang nagkwekwentuhan kami ni Jho ay may biglang pumasok na dalawang babae dito sa restaurant....si stacey yun ah?

"Stacey?" Bigla namang tumalikod yung kasama niyang babae

"Jho si Stacey oh"

"M-mikha? jho? Anong ginagawa niyo dito?"

"Staku? Sino yan? Huy? Pinagpalit mo na ba ako? Hoi miss humarap ka nga, bakit mo kasama tong girlfrien-"

"ops,nililigawan pa lang Jhoanna, correction"

" Ganon na rin yon,hoi miss humarap k- Aiah???"

Si Aiah nga...anong ginagawa niya dito?? Akala ko ba nasa Sagada toh

"Hi Jhoanna"

Umiwas na agad ako ng tingin sa kaniya at bumalik sa upuan namin....damn she's glowing, tangina ang ganda ni Aiah

"Boss Mikha halika nga muna dito, wala pa naman si Jasmine"

"Gagi ka ba? Andiyan si Aiah oh, ayoko nga"

"Torpe torpe talaga...ay teka ayan na pala ata si Jasmine, Staku ko...dito na muna kami ni Boss Mikha andiyan na girlfriend niya"

Nakita ko namang sumama yung mukha ni Aiah pagkarinig sa sinabi ni Jho,minsan din talaga hindi ko alam kung suportado niya tong nararamdaman ko kay Aiah o gusto na niyang tuldukan

"Hi Mikha! Hi!" Jas greeted us as she sits down on the seat across mine, bago pa man siya mag order ay may kinuha siya sa bag niya

"This is for you Mikha, and this is for you Jhoanna! Sana magustuhan niyo"

She gave us friendship bracelets with our names on it

"Wow! Salamat po, ikaw po ba gumawa nito?"

"Yes I made that before going here, sorry pala cause I'm late. Also wag ka na mag po sa akin Jhoanna, call me Jas na rin lang. How's your bracelet Mikha? "

"thanks Jas, it's pretty just like you"

She blushed upon hearing my remarks

" Pag kay jas palong palo mag compliment, pag kay Aiah palong palo magalit"

Bulong sa akin ni Jhoanna kaya tinapakan ko ang paa niya

"Aray!...." Tiningnan ko naman siya ng masama  "M-may lamok, aray ang sakit ng kagat"

" Oh, uso nga raw dengue ngayon. Make sure to drink meds if you feel something ha? "

" Sure Jas, hehe"

" Nga pala Mikha, ano yung ididiscuss niyo ni Jhoanna with me"

Nagkatinginan kami ni Jhoanna, Jasmine seems to be a genuine person and taking advantage of her kindness doesn't sit right with me, you caused this Mikha... Damn

" Uhm ano kasi Jas... First of all, I'm sorry... So here's the thing... My family pressured me last night into telling them who's my girlfriend "

" And? "

" I kind of slipped and gave your name and now they want to meet you... Sorry "

" What?! Wait Mikha that's... Oh My God hahaha so I became an alibi?"

" Kind of... Sorry talaga Jasmine it's just that you're the last girl I've interact with and your name comes first to my mind... If you don't want to pretend then it's fine I'll just tell them na we broke up"

"pumayag ka na miss jas, kawawa naman to si bossing mapapahiya"

"mikha you shouldn't do it again ha, we just met tapos I'll meet the parents na agad? "

" Yeah I know, sorry talaga Jas. It's my fault. Don't worry I'll make bawi to you na lang, pero sana you can just be there for one night "

" Alright Mikha, it's a favor I'm willing to give... Hays may ganiyang side pala ang campus crush ano? Glad to witness it first handedly"

" Please wag mo rin ipagsabi, kahit kayna colet..."

" My mouth is shut Mikha, you can trust me"

Sagada Where stories live. Discover now