no no pilit

367 14 1
                                    

Mikha's

"May crush ka kay gwen??"

Napatigil naman si sheena sa paglalakad

"Halata ba masyado?"

Ayun! Sinasabi ko na nga ba eh

"Titig kasi ng titig, hays pero kanina napansin lang namin ni colet na parang down na down ka, at nag start yun kaninang umaga nung sinabi ni Gwen na straight siya"

"Ahh, oo nasaktan naman ako don sa sinabi niya... Ikaw ba naman kasi ang ma reject sa ganong paraan" medyo di ako convinced sa sinabi ni sheena

"Weh? Dahil lang don? O may iba pa?"

"Mikha talaga oh... Ano kasi, si Gwen at ako... We kissed"

"Ano?!"

.....

Colet's

" Hoi Gwen akala mo ba di namin nahahalata na malungkot ka buong araw? Ano tumalab na karma sa'yo ni sheena? "

" Pinagsasabi mo diyan, parehas kaying hibang ni Mikhaela Janna"

Deny deny pa si idol ko, di na lang maamin na nagkaka gusto na rin siya kay sheena, minsan talaga ang sarap sabunutan ni Gwen kahit andami niyang natutulong sa amin ni mikhs

" Ay sus ideny mo lang teh hanggang mamatay ka, kitang kita ko kung paano ka mag alala dahil di ka pinapansin ni sheena buong araw, straight pa more akala mo di naghalikan nung isang-aray gago ka ah! "

" Yung bunganga mo kasi walang preno,babaan mo lang okay?! Kung maka kwento naman toh akala mo dadalwa lang tayo dito sa jeep"

Ay.. haha oo nga pala nasa jeep kami, nakatingin na tuloy sila lahat sa amin ni gwen

"Sorry po"

"Hoi kayong dalawa, bumaba na kayo may balak pa yata kayong mag away eh, natatakot mga pasahero ko. Baba!" Sigaw sa amin ng driver, punyeta napalayas pa. Last trip na yun eh.

"Antanga mo kasi eh, ayan maglalakad tuloy tayo pauwi. Parang gago naman kasi"

"Ba't kasi di ka nag motor kanina bago pumasok?"

"Ewan ko sa'yo col, umiiinit bungo ko sa'yo"

"Gwen seryosohan tayo dito ha, wag mo naman paasahin si Sheena, ang buting tao non para lang masaktan eh at tsaka alam mo ba na mas madami siyang admirers kesa Sayo? Tas ikaw pa ang napili niya, hay nako Gwen sana matalino ka rin sa pag ibig"

Tumigil muna kami dito sa may fishballan

"gusto ko rin naman si sheena eh, di ko lang maamin sa kaniya at sa inyo... Alam mo naman na takot na takot ako kayna mama. Ayoko silang madissappoint sa akin"

" Alam mo gwen, mabait naman sina tita eh. Diba bakla yung pinsan mo si Jao? O tanggap nga ng pamilya niyo eh"

" Colet yung kay jao, bata pa lang alam na ng lahat kaya natanggap nila.. eh ako?? Puro aral lang ako simula noon kaya expected na nila na wala"

Kung sabagay, pero feeling ko pa rin tatanggapin siya ng Pamilya niya, ako nga eh alam ng pamilya ni Gwen na baliko ako di naman nila ako pinalayo kay Gwen

"Ay basta Gwen, sana naman di mo saktan ng todo si sheena dahil lang sa pansarili mong safety, anong malay mo kung si sheena pala ipinaglalaban ka na sa magulang niya? Ano?? Palag palag"

Pabiro ko siyang sinuntok suntok sa balikat, napa buntong hininga naman ito

"Colet pwede ba akong maging totoo? Sa totoo lanh hindi naman talaga ako takot sa pamilya ko eh... Natatakot ako para sa akin at kay sheena... Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang panindigan, kung kaya ko ba siyang samahan hanggang sa dulo.. kilala mo naman ako colet, hindi ako masalita na tao eh... Baligtad kami ni sheena.. pano na Lang kung maghanap siya ng iba kasi-"

" Attstysyaja tama na Gwen, sasapakin na kita eh. Kahit ngayon man lang sana maging matatag ka para sa'yo at kay Sheena, gago ka talaga eh hahalik halikan mo tapos sasabihin mo na takot ka? Teh para ka lang lalaking naka buntis tas biglang umalis. Uy rhyme Godzz panis. "

" Ewan ko sa'yo colet, kahit kailan talaga di ka marunong mag seryoso, tara na nga gumagabi na oh"

"di, pero seryoso nga Gwen try mo lang umamin kayna tita, kung gusto mo samahan pa kita eh. Kawawa naman kasi si Sheena. Alam niya na may pag asa siya pero ayaw mo lang siya bigyan, sakit nun par"

Di na nagsalita si Gwen, apaka nonchalant talaga ni bespren

Habang naglalakad at nakita ko naman si Mikha at Sheena sa tindahan ihaw ihaw, kapag sinuswerte nga naman oh.

"Liko tayo colet"

"Hoi anong liko? Bahay niyo na yung tapat nung ihawan, bangag ka ba? Tara na"

Hinila ko siya papunta kina Mikha, sa tapat ng bahay nila

"Oh colet, ba't ngayon lang kayo? Teka naglakad ba kayo?"

"Oo Mikhs, bobo kasi yan si colet nagsisisigaw sa loob ng jeep pinababa tuloy kami"

Ako pa ang bobo ha, aminado naman hehe

"Gwen gusto mo betamax?" Napatingin naman kami ni mikha kay sheena at gwen

"Ah di na sheena, busog pa ak-"

"Yown sakto akin na lang shee, hayaan mo yan si Gwen, mahina naman yan, aray ko naman Mikha"

" Para kay Gwen yan inalok epal ka talaga, ililibre na lang kita ibalik mo yan kay Sheena"

" Eh ayaw nga ni Gwen eh, dami arte niyan"

" Tusok ko sa ngalangala mo yan eh"

Hinila ako palayo ni Mikha kayna Gwen, kahit kailan talaga tong bubwit na to

" Gaga ka bat natin iniwan? Sigurado takasgo yun si Gwen"

"chance na nila yan hayaan mo na, oh ano nakausap mo na ba si gwen? "

" Oo, takot raw siya kasi baka di siya mag stay hanggang dulo, alam mo naman yun si overthinker. Lahat na lang inooverthink niya"

"you mean hindi siya sigurado?? Sabi ni sheena nag kiss raw sila? Di pa siya sure don?! "

" Tanga yun na nga, after nung kiss eh nag overthink na si bespren, na kesyo baka humanap daw ng iba si sheena kasi nga tahimik siya tas puro aral lang"

"yun lang, teka alam mo ang bobo ni gwen pagdating sa pag ibig "

" Wow nag salita -"

" Hindi kasi! Di ba niya nakikita na same laang sila ng ugali ni sheena? Mas confident lang si sheena sa nararamdaman niya"

" Di mo naman mapipilit si Gwen eh, lakas ng paniniwala non lagi. Hayaan na lang kaya natin tas mag focus tayo sa sarili nating love life, halimbawa ako kay Maloi"

Nakita ko naman na umiwas ng tingin sa akin si Mikha, ano problema ni bading?

Sagada Where stories live. Discover now