Forgetting

303 20 10
                                    

Mikha's

Nandito sa bahay ngayon sina Jhoanna at Stacey, kagabi lang sila dumating at tuwang tuwa naman si Mommy. Ngayon lang kasi nagkaron ng ibang bisita dito sa bahay bukod kay Colet, Sheena at Gwen kaya ayun todo handa si mommy ng pagkain para kayna Jho kahit pagod siya galing trabaho.

"Boss Mikha, ang bait bait ng Mommy mo ano? Di niyo talaga deserve yung ginawa sa inyo ni boss Migz"

"Tagal na yun Jho, hayaan na lang natin... Nga pala mamaya gala tayo, isama natin tropa ko. Diba kilala niyo naman na si Colet?"

"Yung kasbog? Nako Boss Mikha, baka kung ano ano na naman lumabas sa bibig non tungkol kay Stacey, babantan ko na yon"

"Mabait yun si Colet hahaha, baka na misunderstood mo lang, pero ano? g na kayo sa gala ha? Nasan ba si Stacey? Bakit parang kanina pa di lumalabas ng kwarto?"

" Baka kausap na naman si Aiah"

Ah right, si Aiah. Nakwento ni Jho kagabi na umuwi rin daw si Aiah sa Sagada kasabay ng pag bisita nila sa akin dito, I guess it's good? Kasi natuto na rin siyang umuwi don ng mag isa

Nitong mga nakaraang araw ay medyo humupa naman na yung pag-iisip ko tungkol sa kaniya, salamat na rin lang kay Gwen at Sheena na ginawa akong third wheel sa mga date nila, naiinggit ba ako? Syempre hindi, libre naman ni Gwen eh

"Alam mo ba boss Mikha, sobrang tahimik na nung mansion simula nung umalis ka,nalulungkot nga ako eh kasi wala na ako kasamang mag bike sa umaga tapos mag libot sa likod bahay kapag hapon. Boss Mikha balik ka naman kahit mga tatlong araw lang oh"

" Jho, di na nga kasi pwede kung dun pa mismo sa mansion. Siguro kung sa bahay ni Stacey pwede pa ako mag stay, pero dun? Never "

" Apektado ka pa rin Boss? Alam mo nung nakaraang linggo pa tulala si Aiah sa mansion, lagi lang naka tayo sa may garden nagkakape"

So naiisip niya nga kaya ako? Hays Maraiah Queen, baka si daddy naman ang namimiss non

"ah, baka miss niya lang si daddy yaan niyo na"

"baka ikaw ang miss"

" Ano yun Jho? "

" Ah wala, ano si Stacey ayan oh pababa na. Tara na kumain"

...

Nasa Mall kami ngayon kasi dito kami niyaya ni Colet at Gwen, kanina pa nga di pinapansin ni Jho si Colet tapos panay pa ang singit niya pag tumatabi si Colet kay Stacey hahaha, bakod na bakod wala namang label

Habang naglilibot kami ay may nakitang yogurt shop si gwen kaya hinila niya kaagad kami ni Stacey, oo close na sila baka nga maging mag best friends pa eh

"Mikha! Look oh strawberry yogurt. Ate tatlo po"

"Ay favorite mo pala ang strawberry Mikha? Eh bakit nung pagkababa natin ng Sagada halos ayaw mo ng kumain niyan?"

"Ah wala, naumay lang"

Hindi Stacey, ayaw ko na ng strawberry kasi si Aiah lang ang naalala ko, yung twin strawberry na kinain namin...

"Ah edi ayaw mo nito Mikha?"

"Hindi Gwen,okay lang. Matagal naman na yun eh okay na ako"

Okay na talaga ako,naiisip ko pa ba si Aiah? Minsan oo pero madalas hindi na wala na rin naman akong dahilan para isipin siya eh kasi unang una sa lahat siya naman ang nagka gusto sa akin,bakit ako maaapektuhan diba?

"earth to Lim, hello? Yung yogurt mo teh kanina pa sa kamay ni Stacey oh matutunaw na"

"sus baka iniisip na naman si Future step mother "

" Ano ba Stacey,hindi noh. Why would I think of her naman? Sige nga?"

"oh edi hindi na, pero hindi ba talaga siya ang iniisip mo? Kanina ka pa naka titig kasi diyan sa strawberry na display habang naka ngiti, ano hibang lang Mikha?".

" Wala, may naalala lang.Ang iissue ninyo grabe. Balik na tayo kayna Colet baka nagsakalan na yung dalawa don ah"

Baka nga di lang sakal ang ginagawa nung dalawa baka nagpapatayan na sila don jusko lagot ako neto, ang tagal pa naman awatin

"Tama si Nora Aunor Bai"

" May Himala"

Himala kasi nagbobonding yung dalawa ng abutan namin dito sa arcade, imbis na.mag yabangan sa basketball ay nag fist bump pa sila pagkatapos,akalain mo yun? Kailangan lang pala namin iwan para magkasundo

" Boss Mikha! Ayos naman pala to si tropa eh. Ano pre? Tropa na tayo ah, angas ng damoves sa basketball nito Boss Mikha"

" Sus bolera ka naman tol, diyan kay Mikha lang ako natuto non. Liga tayo minsan sa Baguio Mikhs, sama natin to si Jho"

" Kala ko nagsapakan na kayong dalawa eh,buti naman at hindi."

Kinuha naman ni Colet yung yogurt na binili ni gwen para sa akin tsaka niya kinain, tamo to napaka buraot talaga

" Gwen bakit si Mikha lang binilhan mo?"

"May atraso ka pa kasi sa akin nung isang araw,balik mo yan kay Mikha"

Di ko na kinuha sa kaniya,nakakahiya naman paubos na tapos ibabalik pa

Habang naglalaro sila dito ay umalis muna ako saglit para pumunta sa parking lot, naiwan ko kasi yung credit card ko sa bag,gusto ko sanang ilibre sina Jho mag shopping para pambawi sa kabaitan nila nung nasa Baguio at Sagada kami

Habang binubuksan ko yung kotse ay may nahagip ako sa paningin ko...huh??

Lumapit ako sa nakaparadang puti na kotse sa  may tapat ng kotse ko...teka mukhang pamilyar

Nakita ko na tumingin pa sa akin ulit yung babae kaya mas lumapit pa ako sa kaniya, nung nakita niya na malapit na ako ay bigla na lang siya nataranta...teka lang...

"Aiah??"

....

a/n: hello??? Short update na lang muna nagka writer's block lang huhu

https://open.spotify.com/playlist/3nfp1QLDQVR8CqLJ9AOxCY?si=IxMzUMdvSam9iKN9FipYvQ

Here's sagada's playlist

Sagada Where stories live. Discover now