Goto

325 17 0
                                    

Mikha's

We're currently loading our baggages dito sa  sasakyan, bale dalawang kotse ang dadalhin namin ngayon, sumama kasi si Stacey kaya sarado raw muna yung café ng 5 days... Oo 5 days raw kami sa Sagada. Kasya naman kami sa iisang sasakyan pero itong si Aiah sobrang mapilit, pinahiwalay pa ng sasakyan sina Jhoanna, hindi tuloy kami makakapag road trip bonding ni Jho, nakakainis.

"Nasakay mo na ba lahat boss? Wala ng naiwan sa loob?"

Tanong sa akin ni Jho habang sinasakay yung maleta ni stacey sa likod ng sasakyan

"Oo, okay naman na. Wala naman masyadong dala si Aiah"

"Alam mo Boss, ngayon lang kami isasama niyan dun sa kanila. Never pa kami nakapunta don kahit ilang beses na kami nagsabi eh, laging tumatanggi"

"Ano kaya nagpa bago sa ihip ng hangin? Baka naman pinagbawalan ni dad?"

"Hindi ah, si Boss Migz pa nga nagsabi sa kaniya noon na dalhin kami sa Sagada pero ayaw niya talaga"

Natigil naman yung usapan namin nung lumabas na si stacey at aiah sa mansion

Pumasok na kami ni Jho sa sasakyan kasi ano pa nga ba? Kami ang driver, siguradong bagsak na naman ako nito pagkarating sa Sagada, medyo malayo kasi eh

"Wala ka na bang naiwan?"

"Wala na po Boss Aiah, baka ikaw meron?"

Di siya sumagot kaya inistart ko na lang tong sasakyan, talagang sa akin pa siya sumabay para na naman akong kumakausap ng hangin dito

Nauna si Jhoanna kesa sa amin, mag coconvoy na lang ako since di ko pa masyado alam pasikot sikot dito. Good thing na rin pala na dinala ko yung driver's license ko, just in case may check point on our way

Habang nag ddrive ay di ko maiwasan mapatingin kay Aiah, she's sleeping soundly. Alam niyo, she's not that bad naman... Dad has a taste huh...maganda si Aiah, and I am seeing it just now, she looks so peaceful while sleeping, hays kung sana ganiyan rin siya kabait sa akin pag gising

After 2 oras ng pagdridrive ay tumigil si Jhoanna sa tabing daan kaya ginising ko naman si Aiah, baka kasi may napag usapan silang stop over ni Jho

"Aiah, gising. We stopped"

Na alimpungatan naman siya agad at tsaka nag stretch ng arms... Cute

"Ah.. baba, kakain muna tayo. Masarap goto nila dito"

Goto? Ano yun??

"Ah teka aiah, ano yung goto?"

"Bumaba ka na para malaman mo"

Ano ba yan napaka sungit talaga

Bumaba na ako sa sasakyan at sumunod sa kanila, parang karinderya lang tong tinigilan namin, maliit lang yung pwesto pero maraming kumakain

"Jho, what's goto?"

"Ay di mo alam yun?? Yun oh ganon sa kinakain nila parang lugaw pero may goto"

So ano nga ba yung goto??

"Ahhh, ngayon pa lang ako makakakain niyan eh"

"Gusto mo ba ng iba? Meron naman silang lugaw lang"

"Di na, I'll try goto na lang"

Si Jhoanna na ang pinag order ko nung sa akin kasi di naman ako sanay dito, umupo na ako dito sa mahabang upuan katabi si stacey, ayoko katabi si aiah quota na ako na magkasama kami sasakyan.

"Mikha nameet mo na pala si Aj kahapon?"

Usap ni stacey sa akin, nakita ko naman na sumimangot si Aiah sa harap namin, konti na lang talaga iisipin ko na nagseselos to sa akin, baka crush niya yun si Aj

"Ah oo, she helped me yesterday sa farm we had a little chit chat, ikaw stacey ha totoo pala na you have the hots for Jho"

Tinakpan naman niya agad yung bibig ko

"Gaga wag kang maingay, lalaki ulo non ni Jho kapag nalaman niya. At tsaka di ba nabanggit ni Aj na dati lang yon? Ngayon wala na"

"You keep on denying it staku, I can still see the shimmer on your eyes when you look at her"

" Very funny aiah, wala na nga! Ang kulit! "

" Teka lang, bakit kapag si staku ang kausap mo parang ang giliw giliw mo ha Aiah? Tas pag ako parang hangin lang ah"

Natawa naman si stacey samantalang wala lang reaksyon si Aiah sa sinabi ko, see what I mean? Ako dapat ang may galit sa kaniya dito diba?

"hahaha para kayong ewan dalawa, step mom and step daughter moments nga naman"

" Staku Stop it, ang pangit pakinggan"

" Oh bakit? Cute kaya. Mikha you should sanay yourself na to call Aiah your mom or mama or whatever hahaha. The dynamics nga naman oh"

Hinampas ko naman si Stacey sa balikat, it's not funny at all. Nakakainis yung idea na yon... Eughhhh why does it have to be Aiah ba kasi?!

Dumating na si Jhoanna dala dala yung pagkain namin, Stacey got Lugaw as well as Aiah tapos me and Jho ordered goto.

Eto ba talaga yon? Bakit parang iba yung kinakain nila...

"Boss mikha, ayaw mo ba niyan? Tinititigan mo lang eh"

"Ah, ganto ba talaga toh jho?" Sabi ko at pinakita yung oxtail... di ako kumakain ng oxtail

"Oo boss, yan yung goto yang laman"

Ah so goto pala yung oxtail

"Ah ... Ano kasi eh, hindi ako-"

"Sa'yo na tong lugaw, akin na yan"

Kinuha ni aiah yung goto ko pagkatapos ay inilapit niya yung lugaw niya sa akin

"Ah aiah wag na, sa'yo na yang lugaw"

Hindi na niya pinahawak pa sa akin yung goto, sinandok niya agad at tsaka kinain

"Bago yun ah" narinig kong bulong ni jho

"Ang alin?"

"Hindi rin kumakain ng goto yan si Aiah"

Sagada Where stories live. Discover now