First day

317 15 2
                                    

Mikha's

Nandito kami ngayon ni Jho sa labas ng mansion at tinutulungan si Miles mag lagay ng gamit sa kotse, akalain mo yun 2 days lang pala si Miles dito tapos ako buong bakasyon, nasan ang hustisya?

"Miles galingan mo sa exams ha para same school na tayo next acad year"

"Yes ate, sana makapasa. Mag iingat kayo dito ni ate Jhoanna ha"

"Ano ba yan Boss Miles, ang aga pa para mag iyakan, tsaka ako na bahala dito sa ate mo. Babalik din to after ng bakasyon"

"Miles anak, let's go na" yumakap muna sa akin si miles bago pumasok sa kotse

"Mikha, I expect you to be on your best behavior dito ha." Bigla naman akong niyakap ni dad... Ganito pala ang feeling na mayakap ng tatay..

"Can I invite my friends here?"

"Of course anak, this is your house. I built this for you and Miles"

Ha! Rinig mo yon Aiah? Akin ang bahay na toh, pwede ka ng-

"Just ask Aiah whenever you want them to come over, she'll take care of things"

Lumapit naman siyaang sunod kay aiah at niyakap rin ito bago nag beso, kadiri amp.. ano ba naman yan, ang aga aga umiinit bungo ko sa mga to

Sumakay na si dad sa kotse at tuluyan na silang umalis ni Miles, bale 3 months daw siyang out of the country, so 3 months rin ako dito... Parang ayaw niya ako kasama ah

"Boss Mikha, ano agenda natin today?"

"Igala mo muna ako dito sa mansion, mukhang malawak backyard niyo dito eh"

Naglakad lakad muna kami ni Jho papunta sa cafe para mag breakfast, wala kasing nakapag luto kanina kasi busy lahat sa pag alis nina Miles, okay na rin to para di namin kasabay si Aiah

"Nga pala Jho, you met Colet na ba kahapon?"

"Yung mayabang? Oo, nako kung yun ang iimbitahin mo sa mansion baka ikulong ko yun sa cr"

"Hahaha bakit naman? Ano ba ginawa ni colet? "

" Pano ba naman kasi kahapon, ang ayos ayos ng tanong ni stacey kung anong gusto niyang kainin, sumagot ba naman ng "ikaw sana eh". Tch kung wala lang don si Miles baka napatikim ko yung kaibigan mo"

" Hahahahaha nagjojoke lang yon ano ba, si selos naman agad"

Nanahimik naman siya, kita niyo.. aminado rin talaga siyang nag seselos siya eh

Nagkwentuhan lang kami ni jho hanggang makarating sa cafe

"Oh Aiah? Andito ka pala? San ka dumaan?"

Tinuro naman niya yung bike na naka park sa gilid ng cafe

"Ay oo nga pala may bike sa bahay, dapat di na tayo naglakad Boss Mikha"

" Mikha you will drive me sa Presa today"

Napalingon naman ako sa sinabi ni Aiah, ano ako? Personal driver niya? Aba' t di pa yata nadala sa una

"baka gusto mong iligaw ulit kita? Di mo ko personal driver ha"

" Sasama sa atin si Jhoanna, pero you'll drive. Kaya kumain na kayo. Malalate na tayo"

Tumingin ako kay Jho pero di na rin siya naka angal. Ano? She's gonna let her boss us around?

" Why are you bossing us around ba Aiah? Are you my dad? No? No! So stop with thi-"

"do it or I'll update your dad for the whole vacation? "

Damn it

...

"Boss mikha, wag kakanan ha. Kaliwa"

We're on our way sa strawberry farm ng tatay ko and Jhoanna's making sure na hindi ko ulit iligaw si Aiah

"I know, di ko ililigaw yan si Aiah kung kasama ka namin"

Nakaramdam naman ako ng hampas sa braso, aba lumalaban na, porke wala dito yung tatay ko

"Isa pang hampas ibababa kita dito!"

"Chill mga boss, ako naiipit sa iringan niyo eh"

Nag drive na lang ulit ako habang tinuturo ni Jhoanna yung tamang daan.

After 1 and half hour ay nakarating na kami, ang lawak pala nito grabe.

Pagkababa namin ay sinalubong agad kami ng mga workers dito

"Mikha halika dito ipapakilala kita" hinablot ako ni Aiah sa tabi ni Jho at hinarap sa mga worker, di masakit ha

"Magandang araw ho sa inyo, kasama ko po ngayon ang isa sa anak ni Miguel...eto po si Mikhaela panganay niya"

Tinulak naman ni Aiah yung braso ko para magpakilala sa kanila

"Ah... Hi po, I'm Mikhaela Janna Lim... Anak ni papa? Hehe"

"Magandang araw po Ma'am Mikhaela, gusto niyo po bang mamitas muna ng bunga? Marami rami na din pong hinog"

Bati sa akin ng mga workers

"Ako ng bahala sa kaniya, magsibalik na kayo sa trabaho"

Ano ba naman toh, napaka bossy. Lumapit si Jho sa amin at nagsimula na siyang maghakot ng mga naka basket na strawberry

"Oh jho? Ba't ikaw nagdadala niyan? Ang dami nila oh" turo ko sa mga lalaki na trabahador

"Ah, gagamitin toh boss sa Café, ako talaga taga buhat nito, sumama ka muna kay Aiah. Sunod na lang ako mamitas mamaya, ikakarga ko lang toh sa sasakyan"

"Tulungan na lang kita, ayoko kasama yon si Bruh-"

Di ko na naituloy yung sasabihin ko kasi binatukan na naman ako ni Aiah, leche talaga kailan pa natutong lumaban toh?!

"Tara na Mikhaela Janna, ayan oh. Sumundo ka sa akin, hayaan mo si Jhoanna diyan, trabaho niya yan."

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang kay Aiah sa farm

"Yung mga ganitong kulay, pwede na kuhanin. Ayusin mo ha, baka mabunot pati tanim"

Naghanap hanap na ako ng mga pwedeng pitasin na bunga, ang dami! Kung nandito si Gwen baka tuwang tuwa yon, favorite niya pa naman toh... Mapadalhan nga sa Bicol

"Hala Aiah tingnan mo!!" I jump happily as I showed her a double strawberry, alam niyo yung magkakambal? Ganon! Hala ang galing

"Ano yan? Patingin" out of excitement ay pinakita ko sa kaniya yung nakuha ko

"Look! Twins!"

"Eat it"

"Ha?"

"Kainin mo"

"Ayoko, di pa hugas"

"Oragnic yan" sinunod ko na lang yung sinabi niya baka batukan na naman ako eh, kinagatan ko yung strawberry and surprisingly it's sweet! Hindi siya maasim. Sayang naman gusto ko sana picture-an at ipakita kay Gwen

Bigla namang inabot ni Aiah yung kamay ko na may hawak na strawberry at inubos niya, tangina neto?! Akin yon eh! Ako nakakita tapos siya ang umubos?!

"Hoi! Ang takaw mo! Humanap ka ng sa'yo! Bakit mo inubos yung kalahati?! Akin yon Aiah! Ahhhh nakakainis ka! Lagot ka sa akin ililigaw ulit kita"

"Oh shush Mikha Lim, ang dami dami mo pang strawberry diyan oh, continue picking na, wag ka mag inarte diyan"

Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin, lintek naman. Minsan na nga lang swertehin kailangan pa may kahati, makaka ganti rin ako sa'yo Aiah Arceta.

Sagada Where stories live. Discover now