SAVI 3

5 2 0
                                    

KABANATA 3: SAVI DE GUZMAN SERIES 1

Hinulog agad ni Savi ang perang ibinigay ng ate Eryl niya. Hindi niya alam pero mabilis magkaroon ng pera ang ate niya, lagi nalang itong may naibibigay sa kanila sa tuwing may problema sa bahay. Nag aaral sa manila ang ate Eryl niya at naka-boarding house ito. Gaya niya ay working student din ang at niya pero kung pagkukumparahin ay hanga siya sa ate niyang puno ng tapang at determinasyon sa sarili.

Ilang buwan nalang at may gragraduate ng engineer sa pamilya nila ngunit kahit ganon ay hindi nila nakikitaan ang mga magulang na hanga sa abilidad na meron sila. Sino ba namang magulang ang matutuwa na makakatapos na ang anak nila na hindi manlang sila tumulong ng kahit na anong suporta.

Kahit walang pakealam sa kanila ang magulang nila at panay lamang pagbubuntis ang ambag nila sa buhay ay hindi magawang magalit ni Savi.

Sampo na silang magkakapatid ngayon dahil nadagdagan ng isa at alam niyang hindi tama ang ganitong karaming anak lalo pa at hirap sila sa buhay. May araw nga na hindi sila nakakakain o isang beses lamang sila sa isang araw kumain, ganon kahirap ang sitwasyon nila at hindi iyon makita ng mga magulang nila.

"Ate Eryl kulang pa ng dalawang libo para makalabas sila nanay at Juss. Kanino tayo uutang?" tanong ni Savi sa kabilang linya. Pinilit niyang huwag na tumawag sa ate ngunit wala na siyang ibang mahingian ng tulong.

"Titingnan ko mamaya kung makakahiram ako sa kakilala ko." sagot ng ate sa kabilang linya.

"Pano kung humingi ako ng tulong kay ate Lezi-"

"Huwag mong gagawin yan, alam mo namang kinalimutan na tayo ni ate Lezi bakit ka pa hihingi ng tulong sa kaniya?" inis na saad ng ate niya at pinagsisihan niya kung bakit niya pa sinabi ang tungkol sa isa pa nilang nakakatandang kapatid.

"Gagawan ko ng paraan. Asikasuhin mo na ang mga gamit nila nanay. Tatawag ako mamaya." agad na binaba ng ate Eryl niya ang tawag kaya naman ay napabuntong hininga na lamang si Savi.

"Saan kayo pupunta nay?" bungad agad ni Savi sa inay niyang nililigpit ang mga gamit nila.

"Dumating ang ate mo. Pwede na tayong umuwi." tanging sambit lamang ng inay niya.

"Si ate? Si ate Lezi?" gulat na tanong niya at nilibot niya ang paningin sakaling maabutan niya ito.

"Nasan si ate?" tanong niya at tumakbo palabas para habulin ang ate. Paglabas niya ng hospital ay ang naabutan na lamang niya ang gilid ng mukha ng ate niya na nakasakay sa loob ng mamahaling kotse.

"Ate.." mahinang sambit niya ngunit mas pinili na lamang niyang huwag ng pigilan ang ate dahil may kasama itong matipunong lalake na nag mamaneho.

Nakaramdam ng lungkot si Savi. Halos walong taon na din niyang hindi nakikita ang ate Lezi matapos nitong maglayas at sumuko sa magulo nilang buhay.

Matapos ang insidente ay hindi na nagpakita pa ang ate niyang si Lezi at madalas nararamdam lamang niya ang presensya nito sa tuwing may mga grocery na nagpapadala sa bahay nila. Kahit ganon, sapat na iyon para kay Savi na isipin na hindi pa sila nakakalimutan ng ate.

"Naabutan mo ba siya?"

"Hindi po." malungkot na sambit ni Savi at binuhat na ang ilan sa mga gamit nila.

Pagbaba nila sa tricycle ay mga matang panlalait at pangmamaliit agad ang nakita ni Savi sa mga taong nakatingin sa kanila. Ang mga tao nga naman dahil walang magawa sa buhay ay ginawang gawain na ang panglalait ng ibang tao.

Nakayuko na lamang naglakad si Savi habang bitbit ang kaniyang bunsong kapatid.

Pagkarating nila sa bahay ay inasikaso agad ng dalaga ang makakain ng inay niya at mga kapatid niya. Mamayang ala-syente pa naman ang pasok niya sa trabaho kaya ginugugol niya ang oras niya para makagawa pa sa bahay.

De Guzman SiblingsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu