CHAPTER ONE

26 4 4
                                    

Summer, 2016

Claire's POV

"According to PAG-ASA, mas lalo pang iinit sa susunod na mga araw,"  rinig kong anunsyo ng isang DJ sa radio habang kumukuha ng ako ng tubig na iinumin dahil nanunuyo na ang aking lalamunan sa sobrang init.

Biruin mo 'yon, alas otso pa lamang ng umaga pero ang init init na. Bakasyon namin ngayon at ang plano ko sana matulog hanggang alas diyes ng umaga kaso sa sobrang init sa loob ng kwarto ko at wala naman akong aircon, nagising ako ng mas maaga. Punong puno ng pawis ang damit kong pantulog kaya naisipan kong maligo na bago ako kumain ng almusal.

"Kuya!" sigaw ko mula sa kusina. Nang hindi ako nakakuha ng response, pinuntahan ko na lang siya sa garahe.

Ang aga-aga kaharap na naman niya ang kaniyang motorcycle, "Look at you, shining, shimmering, splendid." At kumanta pa talaga siya, ah.

"Kuya!" tawag ko sa pansin niya.

"Ano ba 'yon?" naiiritang sagot niya dahil inabala ko siya sa ginagawa niya.

"Can you please cook breakfast for us?" at pinagdikit ko ang dalawang palad ko to plead.

"Ayoko." pakanta niyang sagot habang pinupunasan ang side mirror ng kaniyang motor.

"Okay," then I rolled my eyes and smiled.

I know he'll cook us a breakfast. Ganiyan lang talaga siya sumagot, well, ganiyan kaming magkakapatid na sumagot. Whenever someone from us asks for a favor, we tend to say "Ayoko, bahala ka riyan." o 'di kaya "Bakit ko naman gagawin 'yon?" but we'll do it eventually. Mga baliw lang. Kuya Harold is now a sophomore and I have two other brother that are already working kaya kaming tatlo na lang ni mama at kuya ang nandito sa bahay.

Kuya Cedric and Kuya Jared only visit us whenever they're free or there's a special occasion. As for my papa, well, he's not with us. And no, he didn't die, sumakabilang panty lang siya. But he still supporting us, give us an allowance and he sends us to school. He's a senior pilot in an airline and my mama is an elementary principal.

Pumanhik na ako sa taas at pumasok sa kuwarto. Bago ako pumasok sa sarili kong bathroom, binuksan ko muna ang sliding window ko para naman may pumasok na fresh air sa 'king kuwarto. Sa banyo naman ako usually nag bibihis kaya ayos lang na nakabukas ang bintana ko.

Nang matapos na 'ko maligo, hindi ko na muna pinatuyo ang buhok at hinayaan lamang iyon na basa. I'm wearing sleeveless dress with Hello Kitty design on it para hindi mainit. Bumaba na ako at naamoy ko ang sinangag na for sure maramig bawang dahil amoy na amoy ko ito nang nasa hagdan pa lang ako.

I'm skipping while walking on my way to the dining area.

"Luto na po ang almusal, mahal na bruha." bungad ni kuya at nilapag nito ang bowl na may tocino.

"Fuck you," mahinang sambit habang naka ngiti. That's our own way to say thank you and you're welcome to each other.

Hinubad ni kuya ang kulay violet kong apron na sinuot niya kanina while he cooked. Naningkit naman ang mga mata ko.

"Kuya, sabing 'wag suotin 'yang apron ko eh." reklamo ko.

"Napaka-oa mo naman, hiniram lang. Oh, sa 'yo na 'yan." Nagulat ako nang ibato niya ito sa pagmumukha ko.

"Maaaaa!" I yelled.

"'Di ka maririning ni mama. Wala siya rito." Ah kaya pala malakas loob niya batuhin ako.

"Bwisit ka," nagsimula na ako kumuha ng kanin at nilagay ito sa pinggan na nasa harapan ko.

"Mas bwisit ka." Nagulat na lang ako nang bigla niya hinila papunta sa kaniya ang bowl na may kanin.

Soundtrack of our Summer (Summer Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora