Kabanata 16 - Ang Sakripisyo

Start from the beginning
                                    

"I'm fine!" sigaw niya.

"Are you trying to convince me or yourself? We both know that you're not fine, Nona. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo."

Humarap siya sa akin. "Masisisi mo ba ako kung hindi ko na nanaisin pang makilala ang tunay kong ama? Maituturing mo na ba akong masamang anak?"

"Gusto mo talagang malaman ang sagot?"

Hindi siya umimik.

"Oo, Nona, masama kang anak. Alam ko na tao ka lang rin, nasasaktan. Pero Nona, tao lang din ang tunay mong ama, nagkakamali rin siya. At paano nga kung siya ang lalaking iyon? Hindi mo ba siya bibigyan man lamang ng pagkakataong humingi ng paumanhin sa iyo... sa inyo ng nanay mo? Paano kung gusto niyang itama ang mga pagkakamali niya sa pamamagitan lamang ng paghingi ng tawad? Ipagkakait mo pa ba 'yun sa kanya? Nona, kahit isang minuto lang, hindi mo ba maibibigay para pakinggan siya?"

Tumulo ang luha sa mga mata niya. "Hindi mo ako naiintindihan. Hindi naman ganoon kadaling magpatawad. Kung siya nga ang tunay kong ama, baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya. Baka sumbatan ko lang siya. Sa tingin mo, makakatulong ba 'yon? Gin, ang paghingi ng tawad ay hindi tulad ng pagkaing in-order sa restawran na maya-maya lang ay ibibigay rin sa'yo."

Hindi na ako nakapagsalita. Dahan-dahan na siyang tumalikod at naglakad nang palayo.

***

DUMAAN ang ilang araw, ilang linggo hanggang sa isang buwan na ang lumipas na wala akong balita sa kanya. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin... sa pakikialam ko at panghihimasok sa buhay at damdamin niya. Ilang beses ko nang sinubukang tawagan o i-text siya para kumustahin subalit nauunahan ako ng takot at pag-aalinlangan.

May mga araw na pagkatapos ng trabaho ko'y dumidiretso ako sa Las Piñas, hinahangad na makita siyang muli. Kahit isang simpleng sulyap lang, makita ko lang na ayos siya ay okay na sa akin.

Minsan, pakiramdam ko'y mas masakit pa itong nangyari sa amin ni Winona kaysa sa ginawa ni Claire o ng mga ex girlfriends ko na nanloko sa akin. Na para bang mas malaking piraso ng puso ko ang nawala at tinangay ni Winona. Ito 'yung sakit na walang halong poot, iyong basta ka lang nasasaktan. Hindi ko maiiyak ang sakit sapagkat hindi ko alam kung paano ilalabas. Basta't ang alam ko, unti-unti akong nilalamon nito.

Paulit-ulit ko lamang binabasa ang kapirasong papel na ibinigay sa akin ni Winona noon. "I have found the paradox. That if you love until it hurts, there can be no more hurt, only more love. -Mother Theresa."

Sa mga salitang ito ako humuhugot ng lakas. Sa mga salitang ito na lamang ako kumakapit. Paminsan-minsan rin ay nililibang ko ang sarili kasama ang pamilya ko. Minsan nga'y ilang araw na akong hindi nakakauwi sa apartment dahil kila daddy o 'di kaya'y kila mommy na ako natutulog.

'Yung sitwasyon na dati'y iniiwasan kong mangyari, ngayon ay nagugustuhan ko na. Hindi ba't napakaganda kapag mayroon kang dalawang pamilya? Mayroon kang dalawang inuuwian. Mayroong dalawang grupo ng tao ang handang dumamay sa'yo sa mga oras na nalulungkot ka.

'Yung dating akala ko'y sumpa sa pagkatao ko, isa palang biyaya. Siguro nga, happiness is a choice. It's a matter of perspective. It's how you perceive things. Look at the bright side, ika nga nila.

***

BIYERNES nang gabi ay nakita ko si Winona at ang apat na kasamahan niya na sumakay sa kanilang sasakyang panserbisyo. Marahil ay mayroon na naman silang operasyon. Subalit sa pagkakataong ito'y suot na nila ang kanilang uniporme.

Sakay ng aking motorsiklo ay sinundan ko sila. Pumasok ang sasakyan sa isang pangmayamang subdibisyon. Huminto ito sa tapat ng isang convenience store. Bumaba na si Winona at ang tatlo pa niyang kasamahan habang ang isa'y nanatili sa sasakyan na siyang naging drayber nila sa pagpunta roon. Maya-maya'y may lumapit sa kanilang isang sibilyan na siyang kinausap nila. Ilang sandali lamang ang nakalipas ay naglakad na ito at sinundan nila. Bumaba ako sa motorsiklo ko at inalis ang aking helmet.

Nagpanggap din akong sibilyan na napadaan lamang upang hindi ako mapansin ng kasamahan nilang naiwan sa sasakyan. Pagkatapos ay sinundan ko na sina Winona. Nakita kong pumasok sila sa isang maliit na eskinita at sa loob noon ay mayroon palang compound. Sa eskinita pa lamang ay kinakabahan na ako na baka magkabarilan dahil sa sobrang dilim ng daan, hindi na makita ang makakasalubong.

May itinurong bahay ang lalaking impormante na siya namang mabilisang pinalibutan nila Winona. Lahat sila'y nakahawak ang isang kamay sa kanilang baril bagamat hindi pa ito hinuhugot. Patuloy silang nagsesenyasan. Ang lalaking impormante ay nawala na sa paningin ko. Marahil ay nagtago na rin. At ako naman ay nakapuwesto rin nang patago. Habang pinapanood ko ang mga kilos nila ay napansin ko ang isang lalaking papalapit sa kanila. Ikinakasa na nito ang baril.

Subalit napakamalas niya dahil ako'y nasa likuran niya. Dumampot ako ng isang malaking bato at marahan ring sumusunod sa kanya. Nang makaramdam siya at papalingon na sa akin ay hindi ko na hinayaang makita niya ang kabuuan ko kaya't pinukol ko na iyon sa kanyang ulo, dahilan upang mawalan siya ng malay.

Nang ibaling kong muli ang tingin kila Winona ay nakita kong sinipa ng isa sa kasamahan ni Winona na si Santiago ang pinto ng bahay. Dalawang beses niya iyong sinipa hanggang sa bumukas na iyon nang tuluyan. Magkakasunod silang pumasok sa bahay. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari pero may nakita akong dalawang taong tumalon mula sa bintana ng bahay at kumaripas ng takbo. Sinubukan iyong habulin ni Delgado subalit hindi na naabutan.

Maya-maya'y lumabas na si Winona at ang mga kasamahan hawak ang isang lalaki at isang babae. Ngunit papalabas pa lamang sila'y nakita ko ang isa pang lalaki na tinatarget sila ng baril.

Tumakbo akong papalapit sa kanila habang itinuturo ang lalaki. "Ilag! Umilag kayo! May baril!"

Nagitla lamang ang mga pulis at tulalang napatingin sa akin. At sa mga sumunod na sandali ay hindi ko na alam ang nangyari. Bigla na lamang akong bumagsak sa lupa matapos makarinig ng malakas na pagputok at unti-unti, bumigat ang talukap ng mga mata ko.

The PolicewomanWhere stories live. Discover now