CHAPTER 3

6 0 0
                                    


J A D E R I C K

'Sleep paralysis'


"Hindi si Menard ang killer kundi ako, pero oksi na yon. May mga cases  naman talaga na hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima. Tyaka roleplay lang to."

"Pano naman naging ikaw ang killer, Lloyd? Eh yung mga binibigay mong clue saakin si Menard ang itinuturo."

Kasalukuyang nagpapaliwanagan sila Dani at Lloyd ngayon after ng klase kay maam. 

Hindi kasi ma-gets ni Dani na kaya kinuha ni Lloyd ang role na narrator ay para mamanipula ang takbo ng kwento. Wala ring ginawang aksyon si Dani para makumpira na totoo ang mga clue na binibigay sa kaniya ni Lloyd, basta nalang niya iyong tinanggap at ginamit. Sa bawat pagkakamali rin ni Dani ay may mga importanteng tao siya sa buhay na mawawala, yun ang meaning sa likod ng bawat pag 'Jaderick, Bang!' ni Lloyd.

Meaning din, na-frame up si Menard.

Pero roleplay nga lang naman ito.

Pag-uwi ko ng bahay ay agad akong humilata sa kama, sobrang nakakapagod sa school. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako ng hindi nagpapalit ng kasuotan. Pero okay na din yon, babalik pa naman kami ng school mamaya.

Araw nanaman kasi ng miyerkules ngayon.

Araw na hinihiling namin mawala o hindi na sana sumapit, ibig sabihin kasi kailangan nanaman namin bumaba sa impyerno at makipag agaw buhay kay satanas. Pagod na pagod na ako sa mga nangyayari, pero ayaw  ko din mamatay.

Maya-maya ay nakaramdam ako na parang may kumikiliti sa talampakan ko, kaya saglit kong iminulat ang mga mata ko para makita kung ano o sino iyon.

Halos mapigtad naman ang hininga ko ng isang pigura ang makita kong nakatayo sa aking paanan, pero ang mas nakakatakot ay dahil sa wala itong ulo. Naliligo sa dugo ang kaniyang katawan, at ang isang kamay niya ay dumadampi sa talampakan ko.

'Putangina...' Bulong ko sa sarili.

Mula dito ay nagdasal na ako, pumikit ako at ipinapanalangin ko na sana sa pagdiliat kong muli ay wala na ang nilalang na iyon.

Makalipas ang ilang segundo, napagdesisyonan kong dumilat ulit dahil parang wala na rin akong maramdaman na presesnya sa paahan ko.

Ngunit isang malaking pagkakamali na dumilat pa ulit ako.

Wala na nga ang nilalang na pugot ang ulo pero may panibagong pigura ang naririto ngayon. Napalunok ako at kinagat ang pang ibabang labi, gusto kong tumakbo at lumabas ng kwarto pero tangina hindi ko magalaw ang katawan ko. Kahit na sumigaw ako ay wala ring boses na mahihimigan.

Pawang nakalambitin siya sa kisame, ang lubid ay niyayakap ang kaniyang leeg. Nakababa ang kaniyang ulo kaya hindi makita ang kaniyang mukha, pero kahit na ganon ay kilalang-kilala ko naman kung sino ito.

"E... L-Lena..." pagkabigkas ko non laking gulat ko ng nasa itaas ko na siya.

Lumulutang siya kaya hindi nagtatama ang katawan namin, pero ang mahaba niyang buhok ay nakalaylay saakin. Diretso ring nakatingin saakin ang kulay pula niyang mga mata. Mas lalong humirap ang paghinga ko, nanginginig at nilalamig ang buong katawan ko.

Tangina, gustong kong bumangon pero wala, wala akong magawa.

Hanggang sa gumapang ang mga kamay niya saaking leeg. Malamig ito at matigas, ramdam ko din ang katulisan ng kaniyang mga kuko.

"Urgh!..." Humigpit ang pagkakahawak niya sakin, sinasakal niya ako, hindi ako makahinga... 

Pinipilit kong magpumiglas sa kaniya, pero wala akong lakas.

'Ayokong mamatay! Natatakot ako! Mama, papa, tulungan niyo ko!' Mangiyak-ngiyak na ako pero kahit anong sigaw ko ay walang nakakarinig saakin, maging sarili ko hindi ko marinig. Hindi nga ata ako tunay na nakakasigaw eh.

Maliban sa kaniyang pagsakal saakin, may isang bagay din akong nararamdaman. Tila ba may kung anong likido ang pumapatak sa mismong mukha ko.

Nang titigan ko siyang muli, saka ko napagtanto na umiiyak siya ng dugo.

"E-Elena.... tama na..." 

Hindi ako makahinga

Dito naba ako mamatay?

Ayoko

Ayoko pa...

"Jaderick, gising! Jed!!"

"Ayaw niyang magising! Anong gagawin natin?!"

Unti-unting nawala sa paningin ko si Elena, bumabalik narin ang hangin sa aking lalamunan. Doon naramdaman ko ang malakas na pagyugyog saakin ng kung sino man ang mga ito.

Muli akong dumilat, sa pagkakataong ito pamilyar na mga mukha na ang sumalubong saakin. Sila Menard, Joshua, Lloyd, at Jobelle. Ang mga kaibigan ko. 

"Tangina mo, akala namin hindi kana magigising bwisit ka." Hinampas ako ni Jobelle sa balikat.

Hinang-hina akong bumangon mula sa pagkakahiga.

"Ano nangyari?" Pagsilip ko sa bintana madilim na ang kalangitan.

"Ewan namin sayo, kami dapat magtanong niyan eh. Basang-basa ka sa pawis, naka aircon ka naman." Sagot ni Joshua sabay abot saakin ng isang bimpo.

"Umuungol at umiiyak ka nga din, kinakantot kaba sa panaginip mo ha?" Bunganga talaga ni Menard pasmado.

"Oo leche ka, hinahardfuck ako ng kamatayan."

"Sleep paralysis nanaman, Jed? Akala ko ba naka graduate kana diyan?" Si Lloyd lang talaga medyo matino sa circle na'to, kung hindi lang maldita eh.

"Tanga, mas lumala nga eh. After nung nangyari," Binalot kami ng katahimikan, alam kasi nila kung ano ang tinutukoy ko. "Bahala na, salamat pala sa pag-gising sakin. Ano oras naba?"

Tumingin si Menard sa cellphone niya saka sumagot. "8:12, tara na sa school." 

Bumalik kami sa school, may guard pang naka antabay pero hinayaan lang kami makapasok. Alam rin niya kung anong mangyayari ngayong gabi eh.

"Joshua!" Napatigil kami sa paglalakad nang may tumawag kay Joshua. 

"Dani? Ano pang ginagawa mo dito?" Maging kami ay nagulat. 

"Kasali na agad siya? Pero..." - Jobelle.

"Hindi ko siya sinabihan tungkol sa laro," pabulong na sambit ni Joshua.

"Hello, naghihintay pa ako sa sundo ko eh, kayo ba? Bakit bumalik pa kayo?" Naputol ang pag-uusap nila Jobelle at Joshua ng makalapit na si Dani. 

"May nakalimutan lang, umuwi kana, Dani." - Joshua.

"Samahan ko narin kayo, wala pa naman-"

"Hindi na, umuwi kana." Madiin na saad  ni Josh kaya medyo natigilan si Dani.

'Makinig ka nalang sa kaniya Dani, para sayo rin ito. Buti nga at exception ka ngayong gabi...'

"Okay..." Naglakad na ulit siya palabas, at nang masigurado namin na nakalabas na nga siya nagpatuloy na kami sa pagpanik.

"Kung hindi aalis si Dani dito sa school, kailangan narin natin ipaliwanag sakaniya yung tungkol dito. Hindi naman natin maitatago sa kaniya kung bakit kada linggo mababawasan tayo, tyaka magiging unfair yon sa buong klase kung hindi siya sasali." Menard aniya.

"Oum alam ko, kuha muna tayo bwelo bago ipaalam sa kaniya. Sa ngayon, ito muna ang intindihin natin."

Pagdating namin sa room nandoon na ang iba naming mga kaklase.

"Bloody evening, everyone. Pagsapit ng 9:30 magsisimula na tayo. Kaya tawagin niyo na lahat ng santo para lang mailigtas kayo habang may oras pa." Pagbati ni Joshua.

Pumunta naman din sa harap si Zander para makapag ready na sa gagawin pagsapit ng nakatakdang oras.

It's already 9:29, segundo na lang ang bibilangin bago kami bumaba sa impyerno.

then...

Ting!

"See you guys tomorrow."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MATAYA, TAYAWhere stories live. Discover now