CHAPTER 2

3 0 0
                                    

'Justice'

Pagtapos ng physics namin isang subject nalang ang natitira, naging mabilis lang din naman ang lesson don tapos nagpa groupings si maam ng roleplay.

Dakilang nahihiya pa ako pero si maam din naman nag-assign ng mga magiging members, kaya wala din silang choice kundi ampunin ako.

"Okay, ang iro-roleplay niyo ngayon ay about politics, education, and justice. Since tatlong group lang kayo, group 1 will be politics and so on. Naintindihan ba? Kayo na ang bahala kung paano niyo maipapakita ang mga category na napunta sa inyo." Ganon ang pagkaka-explain ni maam.

Sa group 3 ako napunta, Justice. 

ka-group ko yung seatmate ni Joshua, tas si Maica at Joshua naman magka-group.

"So, ano muna para sa inyo ang justice? Like anong pumapasok sa isip niyo pag naririnig niyo yung word na 'Justice'?" Kumuha ng papel at ballpen itong seatmate ni Joshua.

"Ano Menard, para sakin it's giving each person what he or she deserves." Sabi nitong katabi ko nakapabilog kasi kami. Jaderick pangalan, nabasa ko sa ID.  

Menard naman ang name ng seatmate ni Joshua. Okay, I got it.

Lumibot ang mga mata ni Menard habang tumatango para manghingi pa ng ibang answer. Wala tuloy akong nagawa kundi sumagot nung nagtama mata namin, "Fairness po" Hooo ang intimidating niya.

"Okay. Ikaw Jobelle?"

"Puke." Muntik nako mabilaukan sa sarili kong laway nang marinig yon. Lakas ng loob niya!

"Tanginamo talaga, bakit samin kapa napunta." Pabirong sabi naman ni Menard.

"Okay nayan pukinginamo, gawa na tayo scenario. Sayang kapa sa oras bading" Sumabat yung isa naming ka-group.

Magkasing haba sila ni Menard ng buhok, sumasayad sa balikat. Pero itong isa ay mas matangkad at maganda talaga. Grabe, mas maganda pa siya sa tunay na babae. Maganda din si Menard, dont get me wrong.  

Wait ano ba name nito?

Pinilit kong mabasa ang ngalan niya sa ID. Mukhang napansin niya pa nga kaya itinalikod niya ito, pero huli na kasi nabasa ko na eh hehe. 

Lloyd pala.

"Bading ka din tanga, bat di ka mag-isip ng scenario?" - Menard.

Ganto ba talaga sila? 

Yung iba naming ka-group, kasama ako, ay nanonood lang sa kanila mag bardagulan.

"Talagang may naisip na ako." - Lloyd.

"Edi sabihin mo bwiset." - Jobelle.

"So ito kasi ang naiisip ko..."

****

Pawang nakatayo na ang grupo namin sa harapan kasi kami na ang magp-present, i must say magaganda ang presentation nila lalo na yung sa grupo nila Zander.

"Ready na kayo group 3?" Tanong saamin ni maam.

"Yes po" Sagot naman ni Menard.

Sumenyas saamin si Menard upang magsimula na.

Nasa gilid palang ako, nilagyan nila ang mga mata ko ng panyo upang hindi makita ang mangyayari. Nasa tabi ko sila Jaderick, Christine, Juliana, at Jobelle bilang pulis or mahahalagang tao para saakin.

'Nakilala ko na nga pala yung iba kasi pinakilala nila.'

Ang role ko naman dito ay prosecutor, dapat mahuli ko ang salarin at mabigyan hustisya ang biktima. Ngunit kahit sa totoong plano hindi ko alam kung sino talaga ang magiging suspect.

MATAYA, TAYAजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें