"Asan si Dark? Inayos ba ni Kuya Cray?" mabilis kong tanong sakanila nang banggitin iyon ni Sunny.

Nagkatinginan naman silang lahat kaya kinabahan na ako.

"Andun sa may junk shop." sabat ni Rain.

"What?! No!" angil ko naman dahil sa sinabi niya.

Not my baby Dark!

"Imposible nang maayos yun, Vaine. Oh tingnan mo." sabi niya saka ipinakita sa akin ang picture sa cellphone niya.

Nanlumo at halos maiyak ako nang makita ang sinapit ni Dark. Halos kalahati ng kotse ay sunog mula sa likod. Basag din ang lahat ng salamin at yuping-yupi ang harapan.

"Dark." tuluyan na akong naiyak habang hinahaplos ang cellphone ni Rain na parang kabaong habang nakatingin kay Dark..

"Bakit mo kasi pinakita kaagad." rinig kong inis na bulong ni Sunny kay Rain.

"Eh tinanong niya eh." sagot naman ni Rain.

"Shh, stop crying na." pag-aalo naman ni Snow sa akin habang nakatayo sa gilid at hinihimas ang likod ko.

"S-si D-dark." humihikbi kong sambit.

"For god sake, Vaine. It's just a car. Kung maka-iyak ka para kang namatayan ng mahal sa buhay ah." sabi ni Storm kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh yun ang pinaka-una kong kotse eh. Mas mahal ko pa nga yun kaysa sayo." sagot ko naman habang sumisinghot.

"Papunas ha." paalam ko kay Snow saka ipinunas ang sipon ko sa damit niya.

"Kadiri." sabay-sabay na sabi ng tatlo nang makita ang ginawa ko.

Inirapan ko naman sila saka umiyak ulit. Niyakap naman ako ni Snow kaya napasandal ako sa tiyan niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Tumahan ka na nga. Baka pumasok mamaya yung Daddy mo dito kung ano-ano nanaman ang sasabihin." pagpapatahan din ni Sunny sa akin.

"Is Dad mad?" mahina kong tanong habang humihikbi pa rin.

Para akong bata dito na hindi matigil tigil sa pag-iyak. Peste. Ikaw ba naman mawalan ng 50 million worth na kotse hindi ka maiiyak.

"Fuming mad." tumatango tangong sagot ni Storm.

"Expected. He probably wants me dead, given how much he despises me." sagot ko naman.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Sino namang magulang na gugustuhin mamatay ang anak?" saway ni Sunny sa akin.

"Si Dad." sagot ko at tumawa ng mapakla.

Ramdam ko naman ang tingin ng apat sa akin na parang naaawa sa sitwasyon ko.

"Come on, guys. Don't look at me like that. I understand you are all concerned, but honestly, I've got this." pag-aassure ko sakanila.

"Ilang oras nga pala akong tulog?" pag-iiba ko ng usapan.

"3 days." sagot ni Sunny na ikinagulat ko.

3 days na akong tulog? Kung hindi pa ako naaksidente hindi ko pa mararanasan matulog ng tatlong araw ah.

Napatigil kami mag-usap nang may biglang pumasok sa kwarto kaya sabay-sabay kaming napatingin sa pinto.

"Good evening po." bati ni Sunny at ganun din ng tatlo sa pagpasok ni Dr. Yndrah kasama ang isang nurse.

Doctor na itatawag ko wala naman kami sa University eh.

Tumango naman ang doktor saka ibinaling ang tingin sa akin.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Where stories live. Discover now