Chapter 10

484 46 18
                                    

Vaine Fleur

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad akong napabalikwas dahil hindi pamilyar sa akin ang kwarto kung nasaan ako ngayon.

"The hell? Kaninong kwarto 'to?" nagtataka kong tanong sa sarili ko. Imposibleng kina Sunny to dahil alam ko ang itsura ng mga kwarto nila. Don't tell me iniwan ako ng mga 'yon kagabi. Lagot talaga sila sa akin.

Akma na akong tatayo nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at nagulat ako sa taong pumasok.

"Yuna?" gulat na sambit ko nang pumasok ito at may dala-dalang damit.

"Good morning, Ate Vaine." nakangiting bati ni Yuna sa akin.

"W-wait, nasa bahay niyo ako?" naguguluhang tanong ko kahit obvious naman.

"Yes po. Lasing po kasi kayo kagabi tsaka naka-inom din sina Ate Sunny kaya hindi sila pinayagan ni Ate na ihatid ka." pagpapaliwanag nito.

"Nasaan sila Sunny? Nandito din ba sila?" dagdag na tanong ko kay Yuna.

"Umuwi po sila kagabi. Hindi naman daw po sila lasing kaya pinagpahinga nalang namin sila saka sila umalis." sagot nito saka inabot sa akin ang hawak niyang damit. "Ibinilin po yan ni Ate kanina sa akin. Suotin mo daw po at pumasok ka dahil may exam daw po siyang ibibigay sainyo ngayon." bilin pa nito na ikinalaki ng mata ko dahil wala akong kaalam-alam na may exam kami ngayon sakanya.

Agad akong napatingin sa orasan at mas lalo akong nataranta nang makita ang oras.

"Shit! 9am na?!" bulalas ko saka mabilis na nagpasalamat kay Yuna at agad pumasok sa banyo para maligo. Natawa pa nga siya dahil aligaga ako sa pagkilos at parang hindi alam ang uunahin.

10am ang pasok ko sa subject ni Professor Xanther kaya ipagdadasal ko nalang na sana umabot ako sa klase niya.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba para sana magpaalam kay Yuna saka sa mga magulang nito at humingi na din ng pasensya sa abala pero si Yuna lang ang naabutan ko dahil pumasok na daw sa trabaho ang mga magulang niya. Maybe next time. Sure naman akong hindi ito ang last na punta ko dito eh •_~

Sumakay lang ako ng taxi at nagpahatid sa University. Mabuti nalang at hindi traffic kaya mabilis lang ang byahe.

Nang makababa ay napatingin ako sa relo ko at nakitang 5 minutes nalang ay mag-uumpisa na ang klase kaya agad akong tumakbo dahil nasa 5th floor pa ang room ko.

At sa kamalas malasan ay puno ang elevator kaya no choice ako kundi gamitin ang hagdan. Hinihingal na nakarating ako sa 5th floor saka patakbo ulit na pumunta sa room ko.

Pagkarating ko sa harap ng room ay nakita kong nag-uumpisa na silang mag-exam kaya inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok sa pintuan.

Naistorbo naman ang pag-eexam nila dahil sa pagkatok ko. Agad na napa-angat ng tingin si Professor Xanther sa akin habang nakataas ang kilay. Tumayo ito mula sa pagkaka-upo niya saka lumapit sa akin.

Napatingin naman ako sa apat at nakita kong pinipigilan ng tatlo ang tawa nila habang si Snow naman ay concern na nakatingin sa akin.

"You're late." napabaling ang tingin ko kay Professor Xanther dahil hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa akin na parang hinuhusgahan ang buo kong pagkatao

"I-I'm sorry, ma'am. Na late po kasi ako ng gising." nahihiya kong sabi habang hinihimas ang batok. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa kahihiyan idagdag mo pa na nang-abala pa ako sakanila kagabi.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon