Prologue

1K 38 12
                                    

Vaine Fleur

"Professor Xanther!" tawag ko sa kanya pero hindi ito lumilingon sa akin at mas lalo niya pang binilisan ang lakad niya.

"Professor Xanther, wait!" sigaw ko ulit sa pangalan nito hanggang sa maabutan ko siya saka ko hinawakan ang kamay niya na agad din naman niyang itinabig at tumingin ng masama sa akin.

Palihim akong napalunok nang makita ko ang madilim nitong mukha at pag-igting ng panga nito. Halatang pinipigilan nito ang sarili na mag-salita.

"P-professor Xanther. I-I'm sorry, hindi ko po talaga sinasadya ang nangyari." mahina at kinakabahan kong sambit habang nakayuko.

Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya, nang hihina ako sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata.

"Hindi mo sinasadya? Bullshit! Alam mo ang ginagawa mo, Alvarez! You freaking stole my first kiss!" biglaang sigaw niya kaya medyo napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng boses nito.

"How dare you. I will talk to your parents tomorrow." nanginginig sa galit na sabi pa nito habang pinipilit na ikalma ang sarili.

"B-bakit po? Wag na po please, sorry po talaga." natakot ako nang sabihin nitong ipapatawag niya ang mga magulang ko dahil siguradong itatakwil talaga nila ako sa ginawa ko lalo na si Daddy.

"No. Hindi mo alam ang gulong pinasok mo, Alvarez. Just wait until your father find out about this." seryosong sabi nito at muling tumalikod at naglakad palayo sa akin.

Talk to my parents? Ano ako high school?

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustrations na nararamdaman ko.

"Yan kase magnanakaw ka nalang ng halik sa Professor mo pa. I'm fucking doomed. Ang tanga mo Vaine Fleur Alvarez." naiinis na sabi ko sa sarili ko ngunit agad din namang nawala iyon at napalitan ng ngiti nang maalala ko kung gaano kalambot ang mga labi niya.




I'm not gonna lie, I kinda enjoyed it.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.

🚫 I'm not a pro writer, expect some grammatical errors ahead.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon