iii

10 3 0
                                    

Masyadong akong napagod sa pagbura ng alaala ng tatlong nilalang, nakabalik na 'ko sa mundo ng mga tao. Gabi na sa mundong ito kaya kinakailangan ko ng matulog. Sa Dalmond kasi ang mga Vumecian doon ay may kakayahan na hindi matulog basta ay natulog ka ng isa o dalawang beses sa isang buwan.

"Nakapapagod ang araw na 'to," bulong ko sa sarili. "Sana ay kinakabukasan ay walang misyon, kung wala kasing misyon ay ibig sabihin walang gulo, walang masasaktan o nasaktan."

Kinakausap ko ang sarili na tila mayroon akong ibang kausap. Kung kakausapin ko naman  ang gabay ay hindi ako mauunawan nito sa nararamdaman ko. Tila katulad kasi ito ng tinatawag na "robot" ng mga tao o "google", at "siri" na nauutusan gamit ang tinatawag nilang "cellphones".

Matagal na rin ako sa mundong ito, at isa pinaka iniiwasan ko ay ang paggamit ng telepono o smartphone. Pero dahil kailangan kung makibagay sa mundo ng mga tao ay bumili rin ako ngunit madalang ko lang 'tong magamit.  Inabot din ako ng taon bago nagkaroon nito, nakatatawa pa nga'y naibato ko nung unang gamit ko dahil mayroon nagsalita na babae kundi si Google.

Ayan tuloy may kunting basag ang lapag nito, lapag ba ang tawag doon?

Madalang ko lang talaga gamitin ang cellphone dahil bukod sa mga misyon, ay mas gusto kong magbasa ng mga libro.

Habang nakatingala sa kisame, at nag-iisip ng kung anu-ano  ramdam ko na pagbigat ng talukap ko, at ang pag relax ng buong katawan ko.

"Magandang gabi sa lah~"

NAPATAYO ako dahil sa ingay na aking narinig, tiningnan ko ang orasan na digital na binili ko rito sa mundo ng mga tao. Alas-tres pa lang nang umaga, buti naman mahaba-haba ang pagtulog ko.

Teka! anong mayroon? bakit tila may narinig akong ingay kaya ako nagising?

Napakaalerto ko kasi pagdating sa mga ingay, malakas man o mahina. Hangga't maaari kinakailangan kong maging alerto dahil baka ako'y mapahamak o hindi kaya magkaroon ng gulo sa mundo ng tao.

Tinignan ko ang paligid sa buong k'warto, at nakuha ng atensyon ko ang bato.

Ang lupang kulay nito ay naging asul na tila naghahanda 'to para sa susunod na paglalakbay.

Umupo  ako sa kama, pinagmamasdan ang mangyayari sa bato.  Mga ilang segundo lang ay pumula ang bato, at lumitaw ang pinto. Ang pinto ay may kulay emerald, at ginto sa bawat gilid. Na tila pamilyar sa'kin ang itsura ng pintong 'to.

Tumayo ako, at binuksan ang pinto dahil sa tingin ko ay hindi na kailangan ng susi para buksan.

Nang bubuksan ko na ang pinto naramdan kong may dumaloy na kuryente mula sa'king kamay hanggang braso dahil sa gulat ay nabitawan ko ang doorknob.

Napahawak ako sa kanang kamay kong na kuryente, at hinipan-hipan 'to. Unting kuryente lang naman pero nakagugulat kaya napabitaw ako, at sinigurado pang walang ibang nangyari sa kamay ko.

Itinuon ko ang akin pansin sa pinto na hinihipan pa rin ang aking kanang kamay. Bumukas ang pinto ng bahagya, sinubukan kong silayan ang nasa loob nito ngunit ang bahagya bukas nito ay hindi ako pinahihintulutan.  Kinuha ko ang gloves sa ibabang ng drawer kung saan nakapatong ang bato kanina.

Kailangan ko kasing mag-ingat hanggat maaari, kaya isinuot ko ang gloves. Dahan-dahan akong tumungo kung nasaan ang pinto hindi naman 'to kaluyaan sa drawer. 

"Bagay o nilalang sa mundong ito ay hindi maaaring makalabas sa ibang mundo kung walang intensyon o ang intensyon ay hindi kanais-nais."  Ginawa ko muna ang chant upang maiwasan ang katulad na ng nangyari sa Sundalo.

Itinulak ko ng bahagya ang pinto, at lumitaw ang magandang tanawin ng mundong ito.

Ang ganda naman dito.

Hindi ko maiwasan ang mamangha sa nakikita ko. Puno ito ng iba't ibang bulalak, at mga iba't ibang hayop.
Mayroong mga batang nagtatakbuhan, at iilan lang ang mga bahay.

Pumasok ako sa loob upang tingnan pa ang buong itsura nito. Napansin kong nagbago ang suot ko. Ngayon lang nangyari 'to sa buong paglalakbay ko. Noong lumabas din ako, bahay ang pinagmulan ko hindi pinto lang.

"Anong mayroon ang mundong 'to, at bakit lahat ay umaayon?" naibulong ko sa sarili.

Ang damit ko ay halos katulad lang sa mundo namin na Vumecia o Dalmond ngayon. Sa tingin ko ang pagkakaiiba lang ay ang sistema ng kulay.

Ang kulay kasi sa'min ay inaayon sa status ng isang tao  katulad ng  mga mayayaman ay pula o itim ang kasuotan, ang mga average ay berde na may itim para sa lalaki, at rosas na may puti naman sa babae. At sa mga kapos palad ay kayumanggi na may asul o lila.

 Sa mga lalaki ang palaging  makikita na kasuotan ay jerkin coat, at sa mga babae depende sa kagustuhan nila kung may corset o wala. Regency dress ay madalas suot ng babaeng nasa dalawampu pataas ang edad.

At mas lalong iba ang mga kasuotan sa mundo ng mga tao dahil napaka kumportable nito pero nang una ay hindi ako sanay sa kasuotan ng mga tao.  Ang madalas ko sinusuot sa mundo ng mga tao ay ang tinatawag nilang " hoodie."

Depende rin sa season ang sinusuot ng Vumecian. Mayroon apat na season ang Dalmond na isa sa mga hindi macocontrol ng hari.

"Mukhang napakasaya sa mundong 'to. Ano kayang tawag sa mundong 'to?" bulong ko sa sarili.

Ngayon ko lang kasi nakita ang mundo 'to, sa dinami-dami ng nilakbay ko. Ito lang ang lumitaw ng kusa, mamaya ay tatanungin ko ang gabay patungkol dito. Sa ngayon ay i-enjoy ko muna rito.

"Mukhang marami akong kailangan alamin sa magandang mundong ito. Bakit kaya ngayon ko lang ito napuntahan?"

Sobra akong namangha ng inilibot ko ang aking paningin. Mayroon mga bahay na magaganda ang materyales ang ginamit. Tumingin pa 'ko sa itaas, at nakita kong mayroong malaking pasilyo. Doon siguro nakatira ang namumuno sa mundong 'to.

"Ginoo, ang ganda ng mga mata mo,"  isang maliit na boses ang nagbigay sa'kin ng papuri patungkol sa'king mga mata.

Ibinaba ko ang ulo upang tignan 'to dahil nakakapit na ito sa pantalon na suot ko. Batang babae ito na kulay lila ang mga mata, at  kayumanggi naman ang kulay ng buhok. Siguro nasa edad pitong taon na ang bata, ang tsanya ko base sa tangkad niya.

"Salamat, binibini. Maganda rin ang iyong mga mata," lumuhod ako upang pantayan ang bata. Nakita kong natawa 'to tila natutuwa sa papuri ko.

"May nais lamang akong itanong sa'yo binibini,"  tinignan ako ng batang babae na tila hinihintay akong magsalita para sa'king katanungan.

"Anong pangalan ng mundong 'to?" dagdag kong tanong.

"Hetcroland, ako nga pala si— ikaw, anong pong pangalan mo, Ginoo?" Tila nakarinig ako ng maingay na lifeline na nakabibingi sa pandinig ng sambitin ng batang babae ang ngalan nito.

"Ano ulit ang iyong ngalan? Ako naman si—" nang babangitin ko ang pangalan ko ay siyang biglang pag-ikot ng paningin ko, unti-unti ay lumabo rin ang aking paningin. Hindi ko rin makontrol ang katawan ko na tila nilagyan ng pabigat upang hindi makatayo o makabalanse pa.

Door of Fleetwood Where stories live. Discover now