CHAPTER 4

1 1 0
                                    

YASHI ESTREBA POINT OF VIEW

Masama ang tingin ko kay Ranziel nang pumasok siya sa classroom dala ang isang supot. Nakangisi lang ang loko na para bang tuwang-tuwa sa nangyari. Bwes*t niya.

Nakatayo ako sa harapan ng women's cr habang nakapulupot ang hoodie niya sa bewang ko para takpan ang tumagos na dugo sa suot ko.

"The criminal is not in a good mood. I guess?" Natatawa niyang tanong at inilahad sa akin ang supot na marahas kong kinuha.

"You're such an asshole." Bulong ko sa kaniya tsaka tuluyang pumasok sa cr, sa pinakahuling cubicle.

Mabuti nalang at sinamahan na rin niya ang binili niya ng underwear at apricot pocket pants tsaka t-shirt. Hindi ko lang alam kung paano niya nabili ang napkin at panty pero hindi ko na inisip pa. Bahala siyang mapahiya. Siya naman ang may kasalanan.

Inilagay ko sa supot ang mga damit na hinubad ko na uniform tsaka isinilid sa bag ko. Nang matapos ay lumabas ako at nadatnan si Ranziel na nakasandal na naghihintay sa labas. "Does it fit?"

Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ang suot kong pants. Ayos naman.

"I mean, the panty. Does it fit? Isn't it too small?"

Umawang ang labi ko sa tanong niya at hindi makapaniwala na tinitigan siya. Seryoso siya sa tanong niya? Does he normally ask that to every woman he talked to? May sayad ba ito sa utak?

"Spare me your kamanyakan please." Naiinis na komento ko tsaka naunang maglakad sa kaniya paalis.

"Oh believe me. Kung may mamanyakin ako, hindi ikaw. Not worth it."

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinangisi lang din niya kaya ay inirapan ko nalang siya at akmang bibilisan ang lakad nang mapatigil ako sa biglaang pagkirot ng puson ko. Wala sa sariling napahawak ako rito at napapikit ng mariin. Tang*na. Hindi yata ako makakaduty nito sa coffee shop.

"Dysmenorrhea?"

Sinulyapan ko si Ranziel na nanonood lang sa akin habang sapo ko ang puson ko. Bakit ang daming alam ng lalaking ito tungkol sa menstrual? Napaghahalataan siya masyado.

"Tsaka na pala tayo mag-usap. Uuwi na ako." Saad ko sa kaniya tsaka mahina ang lakad na umalis. Humabol naman siya ilang minuto ang lumipas kaya ay napabuntong hininga ako. He just won't stop pestering me until now. Walang awa masyado.

"I'll send you to your house." Offer pa niya at hinawakan ako sa braso. Ngumiwi lang ako dahil sumakit na naman ang puson ko. Hindi ako makalakad ng maayos dahil ang gusto ko nalang ay humiga sa kama ko.

"Hindi na. Magkautang na loob pa ako s---" Wala sa sariling napatili ako nang hawakan niya ang likod ng tuhod ko at iangat ako.Binuhat niya ako ng pa-bridal style. Napayakap ako sa leeg niya dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa akin kaya ay muntikan ko pang mahalikan ang pisngi niya.

Nahigit ko ang hininga ko nang lumingon siya sa akin kaya ay nagtama ang dulo ng mga ilong namin. Iniatras ko ang mukha ko ngunit naglikha lang iyon ng maliit na distansiya sa pagitan namin.

Nagtama ang mga mata namin at sa loob ng ilang minuto ay nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman sa puson ko. Sa isang iglap ay parang nawala ang lahat pati ang ingay at ang tangi ko lang nakikita ay ang gray niyang mga mata niya para akong hinihipnotismo. Hindi ko magawang umiwas ng tingin at nablanko ang utak ko. Nakita ko na naman ang sarili kong repleksiyon sa mga mata niya. But why do I look fascinating in my reflection on his eyes? Never knew I could look this good just by looking in my reflection on his eyes.

"Ang bigat mo talaga."

Nabalik ako sa ulirat nang magreklmao siya at ngumiwi pa na para bang bigat na bigat talaga sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at tumikhim. "Ayos na pala ako. Pwede mo na akong ibaba."

I HATE YOU, I LOVE YOUWhere stories live. Discover now