CHAPTER 1

3 1 0
                                    

YASHI ESTREBA POINT OF VIEW

"Thank you, Yashi. Mabuti nalang talaga at nandito ka. Kung hindi ay hindi ko rin alam kung paano ko tatapusin lahat ng ito."

Napangiti ako kay Prof Thelma na malaki ang ngiti sa akin habang nasa harapan namin ang mga dokumentong inayos namin sa loob ng halos dalawang oras. "Ayos lang po Prof. Sige po, punta muna ako sa library. Ngayon kasi darating ang bagong order ng mga libro. Kailangan ko pa pong magrecord."

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya nang sabihin ko ito. "Ang sipag mo talaga Yashi.".

"Kailangan ko po kasi." Binigyan ko ng maliit na ngiti si Prof Thelma bago nagpaalam at umalis sa office niya.

Mabilis akong nagpunta sa library at nakita ko naman si Manang Hasid na may kasamang lalaking nagbubuhat ng mga libro. Inilagay nila ito sa pinakalikod na bahagi upang hindi muna makuha ng mga pupunta rito.

Mabilis akong lumapit kay Manang Hasid nang umalis ulit ang lalaki. "Magandang umaga po."

Bumaling sa akin si Manang Hasid. May katandaan na siya ngunit hindi ko alam kung ilang taong gulang na talaga siya. Nakasuot siya ng salamin at talaga namang parang striktang tingnan pero sa totoo ay mabait naman siya. "Mabuti naman at nandito ka na. Sobrang daming libro ang dumating at mabuti ay may makakatulong sa akin para sa record. Now. Now. Kunin mo iyong blue na malaking notebook sa counter. May nakasulat iyon na salitang 'record' kaya ay mabilis mo iyon makikita. Bilisan mo at nang makapagsimula na tayo."

Hindi nawala ang ngiti sa labi ko sa utos niya sa akin tsaka sinunod siya. Alam ko naman na kung anong notebook ang tinutukoy niya dahil katulong naman talaga niya ako sa pagrerecord sa tuwing may darating na bagong libro. Seguro ay nasa ugali na talaga niya ang magbigay ng detalye kapag may iuutos siya.

Nang makita ko ang notebook ay mabilis lang din akong bumalik sa kaniya dala ito. "Heto na po Manang."

"Oh sige. Bilangin mo yung libro sa Physics, Statistics, Human Development, at saka ang Geography. Tapos icheck mo diyaan kung tama ba." Tumango lang ako sa mga utos niya kahit na alam ko naman na talaga ang dapat kong gawin. "Sige. Magsimula ka na at pupuntahan ko lang si Lando. Marami pang libro sa labas na kailangan hakutin."

Umalis siya sa harap ko para puntahan ang lalaki seguro kanina na kasama niya na Lando pala ang pangalan. Ako naman ay sinimulan nang bilangin ang iba't-ibang libro tsaka tinitingnan kung tama ba ang bilang sa mga in-order ng paaralan namin. Ilang sandali pa ay bumalik sina Manang Hasid at Kuya Lando na may buhat-buhat na naman na bagong mga libro. Tahimik lang ako habang ginagawa ang trabaho ko hanggang sa mapatingin ako sa oras at makitang ilang minuto nalang ay malapit na ang flag ceremony.

Nagpunta ako sa counter at nakita si Manang Hasid na may tinitingnan sa logbook. Lumapit ako sa kaniya at nang maramdaman niya iyon ay umangat ang tingin niya sa akin. Inayos niya ang salamin niya tsaka sumulyap sa suot niyang relo.

Magsasalita pa sana ako nang unahan niya ako. "You may leave."

Ngumiti ako sa kaniya kahit na ibinalik na niya ang tingin sa logbook ng library. Nagpasalamat naman ako bago umalis at dumeretso sa ground kung saan ang flag ceremony. Nang makarating ay may mga section nang nakapila habang ang section namin ay wala pa.

I am actually a senior high school student sa Cansaga Academy at kasalukuyang scholar ng isang doktor, which is ang may ari ng hospital kung saan naka confine si nanay.

Grade 11 na ako in Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand. I actually want to pursue medicine in college and it's all because of nanay. Gusto ko siyang tulungan sa abot ng makakaya ko.

Ilang minuto lang ang hinintay ko nang dumating ang mga classmate ko, sakto naman na nagsimula ang flag ceremony. I am actually not close with my classmates. Seguro may iba na nakakausap ko but I always keep my distance. Lalo na at alam ko na hindi ko naman sila masasabayan. Believe it or not, but teenagers love to enjoy life so much which makes me different to them. Pero seguro kung iba ang sitwasyon ko ngayon ay katulad din nila ako na gumagala. Pero ganito ang sitwasyon ko. I have a mother to tend. May mga responsibilidad ako na kailangan gampanan. At may mga mas malalaking bagay akong kailangan na alalahanin. Kaya ay hindi dapat ako tumulad sa kanila. Bawi nalang ako in the future, kapag maayos na ang lahat.

I HATE YOU, I LOVE YOUWo Geschichten leben. Entdecke jetzt