"Hey, Elaine. Thank you for coming, come join us."

"Aa, aalis rin kasi ako. Babatiin lang kita, happy birthday and gift for you." Abot ko sa maliit na paper bag.

"Nakakalungkot naman aalis ka rin pala agad,"

"Ha? E-e, ano kasi may kasama ako at sumaglit lang talaga ako. Sorry talaga,"

"It's ok, by the way thanks for this."

Angat niya sa regalo ko at sabay talikod niya.

"Kanina pa kasi siya naghihintay sa'yo,"

"Ganun ba?" Mahinang bigkas.

"Tara ihatid na kita sa gate," aya ni Cheska.

Hindi na ako nagsalita at magkasabay na kaming naglakad  ni Cheska, pagdating sa labas ay nagpaalam na ako. Tumalikod na ako para pumasok na sa kotse ng may humawak sa braso ko.

"Elaine,"

Paglingon ko si Enzo.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya hindi pa rin niya inaalis ang kamay sa akin.

"Please stay, kahit sandali."

"But, kailangan ko na umuwi." Sagot ko.

"Kuya pumasok ka na lasing ka na ata halika na,"

Aya ni Cheska pero parang walang narinig si Enzo at hinatak niya ako palapit sa kaniya akala ko susub-sob na ako sa kaniya pero may humawak sa akin at hinatak ako palayo kay, Enzo.

"Kid, go inside."

Napatingin ako kay ninong na seryosong nakatingin kay, Enzo.

"Who's this guy?"

Tanong ni Enzo.

"Cheska, alis na kami." Paalam ko na dahil ayoko ng humaba pa dahil lasing na si Enzo halata sa itsura niya.

"Sige sis, see you tomorrow."

Tumango lang ako at pumasok na ako sa loob, napalingon ako kay ninong dahil ang tagal niyang paandarin ang kotse tahimik lang siya at parang may iniisip.

"Any problem?" Tanong ko sa kaniya pero imbes na sumagot ay narinig ko ang malalim na paghugot niya ng buntong hininga.

"Paano kung wala ako?"

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita.

"Kalimutan mo na,"

Mahinan ang boses na sabi niya at pinaandar na ang kotse.

---------

Nakabalik na kami at tahimik na magkasabay kaming dalawa na umakyat ulit sa third floor kung saan naroon si daddy at mommy.

Naabutan namin na sinasabayan ni daddy ang kanta mula sa speaker. Wala si mommy baka bumaba siya hindi ko naman siya nakita bago kami umakyat dito.

"Ryke, nandiyan na pala kayo ng anak ko. Nagluto lang masarap na pulutan si Ellen, par naman mas lalo tayong ganahan uminom."

"Dad, umiinom ka ata ngayon?" Puna ko dahil hindi umiinom ng marami si daddy, minsan isang shot lang lagi.

"Nandito kasi ang ninong mo kaya naman para bang ginaganahan akong uminom hindi ba, Ryke?" 

Napatango lang ako kay daddy at napangiti naman si ninong, naupo rin siya ulit sa upuan kung saan siya naupo kanina.

"Elaine, anak. Gabi mauna ka ng matulog may pasok ka pa bukas,"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni daddy dahil busy ako sa cellphone ko at binasa ko rin ang message mula sa teacher namin at ganun na lang tuwa ko dahil wala kaming pasok bukas. Friday pa naman tomorrow.

Unang Tumibok Kay NinongWhere stories live. Discover now