Chapter 9

1 0 0
                                    


Comfortable

It's the way he spoke with irritation that alarmed me the most.

Why? What did they do?

Unti-unti akong lumapit sa room ng STEM12B imbes na dumiretso sa HUMSS. Pinakinggan kong mabuti ang mga boses habang nakahalukipkip upang kontrolin ang tunog ng paggalaw. Tahimik ang buong second floor tuwing lunch break kaya rinig na rinig ang kahit anong ingay.

"Chill, Eren! Nahulog kasi. Nakita naming nakabukas..." tumawa iyong isa nilang kaklase.

"Astig mong mag-drawing, ah!"

"Puta naman... Hindi ko kayo pinayagang buklatin 'yung gamit ko," Eren gritted his teeth. "Akin na, Lance. Respeto lang hindi niyo pa nagawa."

Someone scoffed. Kinagat ko ang labi at hindi na tinangkang silipin ang nangyayari. Pinakialamanan ata nila 'yung gamit ni Eren—hindi lang basta gamit—sigurado akong importante o pribado sa kaniya 'yon. Or else he wouldn't be this affected.

"Sorry, Eren. Akala namin..." mas kalmado ang bagong nagsalita.

Hindi na kumibo si Eren. Pinakawalan ko muna ang hininga bago tuluyang pinuntahan ang classroom. I stood beside my chair for a while, hoping to clear up my thoughts. I'm a little worried but... it's not really my place, is it?

Saka anong maitutulong ng pag-aalala ko?

Hindi ito ang unang beses na nasaksihan ko siyang uminit ang ulo dahil sa ugali ng iba pero nakagugulat pa rin minsan. Kahit madaling pakisamahan si Eren, mahihinuha mong hindi siya madaling magtiwala. He's the type of person who can let you in yet will build a wall so you won't get too close.

Like other people, he has that sense of protectiveness over the things that render him vulnerable.

I shook my head. Kinuha ko ang napkin sa pouch at nilagay sa bulsa ng skirt. Sa restroom sa baba na lang ako magpapalit para hindi ko kailangang dumaan sa STEM.

Sandali akong pumikit at pinasadahan ng kamay ang buhok. Bakit ba ang husay ng timing ko palagi? Para akong may unconscious radar kay Eren.

I proved that even more when I stepped out of the room, my eyes coming into contact with the lingering speck of annoyance in his darker orbs.

Late ko nang naagapan ang sariling reaksiyon. My eyes grew large as my legs faltered. Nagkasalubong ang mga kilay ni Eren at mabagal na hinugot ang parehong kamay mula sa bulsa.

Shit. Hindi ako naniniwala sa tadhana ngunit hindi naman lahat ng pinaniniwalaan natin ay justified!

"Problema no'n? Init masyado ng ulo, pucha." I heard a shuffling movement from their room.

My lips pursed. Hindi man lang hinintay na makalayo ang tinutukoy!

Nasa hallway na ako na pinagigitnaan ng STEM at HUMSS nang biglang bumilis ang mga hakbang ng lalaki patungo sa akin. Sumabay doon ang bayolenteng tibok ng puso ko. His jaw clenched and he forced a dim smile at me.

"Pamilyar, eh!"

"Kaya siguro nagalit..."

"Scilla," he rasped, his fingers clutching gently onto my elbow and ushering me back to the classroom.

Napakurap-kurap ako. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Before I passed the door fully with him close behind, I caught a figure against their threshold. Seconds later, his classmates were filing through the hallway.

The ache in my chest was unprecedented. What did that mean? Ayaw niyang makita nila... na magkasama kami? O ako?

It doesn't make sense.

Owning Her FeaturesWhere stories live. Discover now