Chapter Four:
Day One, Rumors are Lies...But True?

NAPAMULAT ako ng maramdaman ko ang sinag mula sa bintana ko. Muntik na rin ako atakihin ng bumungad sa akin ang mukha ni Tasha na nakataas ang kilay na para bang may atraso ako sa kaniya.

"Bakit?" reklamo ko sabay ng pagkirot ng ulo ko kaya napahawak ako dito.

"Wala ka bang naalala sa nangyari kagabi?" tanong niya at ako naman ngayon ang napataas ng kilay.

"Wala?" tumayo si Tasha mula sa hinihigaan ko at nag-ikot ikot pa siya sa loob na para bang nag-iisip pa'no siya makakapagsolusyon ng problema.

"Bihis na, may class ka pa," mahinahong sambit niya at pinapatayo na niya ako.

Nagtataka talaga ako sa kadahilanang may ginawa akong hindi kaaya aya. Tumayo na lang ako kahit na nahihilo pa ako sa kinahihigaan ko.

"Bago tayo umalis, may hinanda akong hangover soup para sa'yo. Sabi kasi ni Ate Loreen fave mo daw 'yan," mahinang wika niya at kumindat pa sa akin.

Napatingin ako sa side table ng kama ko at doon nga nakahanda ang mushroom soup, banana, at tubig. Nakaramdam naman ako ng pagkatuwa at nilapitan ko si Tasha saka binigyan ng napakahigpit na yakap na siyang sinisigaw ng damdamin ko.

"Aww, thank you so much talaga Tasha. Hindi ko alam ang gagawin if wala ka," sabi ko nang may malumanay na boses.

"Magbihis ka na bhe. Male-late tayo, first day of school pa naman ngayon," bwelta niya sa akin.

Napansin ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya kaya alam kong ngumingiti iyan ngayon. Napa-iling na lang ako dahil sa kanya at kinuha ko na yung mangkok ng mushroom soup. Mainit-init pa. Sumandok ako ng isang kutsara at tinikman. Lasang-lasa ng dila ko ang meaty flavor kahit na wala naman itong pira-pirasong meat chunks. Ang pagka-lapot ng sabaw ay tamang tama lang sa expected consistency niya. Probably one of the best mushroom soups I've ever had.

"Grabe ka dai! Ang sarap naman nito. Pwede ka na mag-asawa," sambit ko habang inuubos ang niluto niya.

"Siyempre, I'm Tasha! Maganda na, magaling pa mag-luto. Saan ka pa?!" hiyaw na sambit niya tsaka kumembot pa sa harap ko.

"Oo na ah. Ikaw na!" tinuro ko pa siya habang pinupuri.

Binalot kami ng tawanan at hagikgikan. Hindi rin tumagal ay naubos ko na rin ang kinakain ko.
Naligo na ako at nag bihis na ng uniform namin. Beige turtleneck na long sleeve tas sinul-oban ng black suit na may pin na logo ng PNU tas short checkered hazelnut pencil skirt at may belt na black. Kailangan naka black thigh high socks at black british style leather shoes.

Ginawa kong half moon yung style ng buhok ko at inipitan ng black na ribbon para sa first day of school ko. Nakangiti lang akong nakaharap sa salamin pero parang ang bigat ng pakiramdam ko at feel ko hindi ko deserve maging masaya ngayong araw. Parang may something na bumabagabag sa akin.

"Ano? Ready ka na?" tanong ni Tasha mula sa pintuan.

"Yeah! Malapit na naman ako," sagot ko habang nakatingin sa maliit na salamin sa side table ko.
Naglagay na lang ako ng lip gloss for the final touch saka kinuha na ang bag ko at sumunod na kay Tasha.

Nakalabas na kami sa building namin at ni-greet ko si Kuya Ryan. Bumati naman siya sa akin, ganun din ang receptionist ng dorm namin.

"First day mo palang dami mo nang kilala. Akala ko ba nahihiya ka? Dahil ako ang bff mo ngayon, dapat huwag kang mahihiya mag approach ng tao kasi dadating ang panahon na kailangan din natin ang tulog nila," wika niya habang kumukumpas ng kamay sa ere.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untruth Buries WithinWhere stories live. Discover now