PROLOGUE

5 0 0
                                    

"Jane"

Nakatulala lang akong nakatingin sa kaniya. Hindi na ma-process ng utak ko ang mga sinasabi niya. Simula nang marinig ko ang katagang iyon, parang nanghina na ako.

"Jane, your tears are useless. Hindi mapapawi ng pag iyak mo ang sakit na nararamdaman mo ngayon"

He's so fucking insensitive! Inuutusan niya akong huwag umiyak sa nararamdaman ko. Alam kong hindi na niya ako mahal kaya nagawa niyang i-invalidate ang nararamdaman ko. Fuck you, Simon! Gago ka!

"Okay, then," malakas na hinila ko ang kwintas na may pendant na real pearl symbolizes my birthstone and my obsession. "Keep it, sayo naman ito. Kapag tinago ko pa ito, maalala ko ang mga kasinungalingan mo." Nilagay ko sa kamay niya at tumalikod na.

"Saan ka pupunta?" Sigaw nito mula sa likod ko. Lumingon ako sa kaniya.

"Sa Tita ko." Sagot ko at tumalikod.

Doon na mas lumakas ang pag agos ng mga luha ko kasabay ng paglakas ng malamig na ihip ng hangin. My visions are blurry and those streetlights are the only thing I can see.

Umuwi akong devastated, unang perfect makeup ko para sa anniversary slash meeting with his family, gumastos ako ng dalawang libo na dress para maganda ang impression ko sa kanila, kahit umuulan ng napakalakas sumugod ako at gumastos ako ng pamasahe sa taxi para makahabol kahit na mula pa ako sa probinsiya namon. Tapos naging insensitive siya sa akin, I feel like all of my efforts were put in vain.

Lahat nabasa lamang ng ulan at naputikan, umuwi lang akong hindi man lang niya ni-compliment o nagustuhan ng parents niya ang existence ko.

Kumatok ako sa pintuan na gawa sa kahoy, alas diyes na ng gabi at sigurado akong tulog na sila Nanay, pero kailangan ko sila sa mga oras na ito.

"Anak! Bakit ka sumugod sa ulan?! Wala ka bang payong?" tanong ni Nanay sa akin.

Pero imbes na sumagot ako ay niyakap ko siya ng napakahigpit. Nahagip ko rin si Tatay sa likod na nakahawak sa pintuan.

"Bakit ka umiyak?"

Tumingin lang ako sa mga mata ni Nanay na ngayon ay puno ng pag aalala at pangamba.

Hindi ko masabi sa kaniya ang totoo kong nararamdaman dahil malaki ang tiwala ni Nanay, lalo na si Tatay kay Simon, ayaw kong malaman nila na nagtapos kami sa isang kasinungalingan.

Lie is a sin, people are made to be sinner, and they abuses which it made us even crueler.

Untruth Buries WithinWhere stories live. Discover now