Kabanata Dalawa

2 0 0
                                    

MICHELLE

Binuksan ni Michelle ang mga mata at napagtantong nakatulog na pala siya sa bus nilang bumabiyaheng probinsya. Inalis niya ang mga kamay niyang nakasandal sa framing ng bintana ng bus para makahinga ng malalim. Pinunasan niya ang ilalim ng mga mata't umaasang may mahahagip na kahit kaunting muta man lang.

Sa posisyon ng araw na nasa ibabaw mismo ng himpapawid, napapahiwatig na magtatanghali na at hindi pa rin sila nakakarating sa destinasyon nila. Sinilip ni Michelle ang oras sa relo niyang tag-limang daang galing lang sa Divisoria at nakitang maglilimang oras na sila sa biyahe, nasa loob lang ng malamig at de-aircon na sinakyang bus na parang kalahati na rin ang nakatirang nakasakay.

Ang hile-hilerang mga kalat na palayan at mga gusaling warehouse o mga pabrikang metal ay padaan-daan lang sa paningin niya, sa malapad na bintana ng bus. Papali-palit ang kapatagan, kagubatan, at mga bundok na nadadaanan hanggang sa pagkagising ni Michelle ay puro kapatagan nalang ang nakikita, kapatagang bagong tubo pa lang ang mga palay kaya't matingkad na berde ang mga palayan.

Hinukay niya na lang muna sa bag ang sariling selpon at mga pansaksak sa tainga para makapagaliw sa tagal ng biyahe. Sa kanyang paghuhukay, ay bigla niyang naramdaman ang pagtaas ulit ng kanyang sikmura.

Katulad ng isang tubig na umaapaw sa pagkulo sa isang kaserola ay ang pagakyat ng asido sa kanyang lalamunan.

Habang madaling inakpan ang bibig para mapigilan ang sarili na bumulwak ang nakain niya at maibuga sa upuan sa kanyang harapan ay tinapik niya ng malakas sa Andy na mabilis naman lumingon sa kanya.

Sa isang tingin pa lang ni Andy sa mukha ng kapatid ay mabilis nitong inalis ang mga earphones na nakasaksak sa tainga at dali-daling inabot ang bag na nasa paanan ng kanilang inang si Angge na nasa kabilang compartment seats ng bus.

Biglang ninerbyos ng wala sa oras si Angge dahil sa liksi ng paghila ni Angge sa pumpong ng plastik na nasa harap nito. Mga kilay na nagtatabi habang sinusunod ng tingin si Andy na binubuksan ang plastik at itinututok sa bibig ni Michelle.

"Uy, nasusuka na," anya nito habang dumuduwal si Michelle sa plastik at bumubulwak ang natitirang nitong kinain.

Sa pagkaubos ng sinuka nito ay binalot na ni Andy ang plastik na hawak at ibinigay kay Angge para itabi kasama ang dalawa pang plastik na nasukahan ni Michelle. Nakabalot ito sa makapal na dumodobleng plastik galing sa Robinsons.

Inabot ni Angge naman ang plastic bottle na may inumin para kay Michelle. Sa pagtingala nito para makainom, nagsalita na si Andy "Kawawa, di' makainom ng bonamine,"

"Paano makakainom ng bonamine ate mo, eh may maintenance siya?" putol naman ni Angge dito habang pinapahiran ni Michelle ang sariling bibig gamit ang panyong binuksan at itinupi para bumaliktad ito.

Itinupi ulit ni Michelle para ang malinis na parte ulit ang nakalabas dito bago ilagay sa maliit na bulsa sa gilid ng bag. Binunot naman nito ang selpon at earphones para makinig ng musika.

Sa pagpindot niya at paglapag ng selpon sa nagtatabi niyang mga hita ay tumingin siya ulit sa bintana at tiningnan ang mga kapatagang nandyaan pa rin kahit nang bago pa ito makaidlip. Si Angge ay binalik na ang tingin sa harap at si Andy ay may sinaksak ring earphones sa kanyang tainga.

"Doon ay kaya kong pagbawal' buhos ng ulan," huni ng musika sa earphones nito. Tiningnan niya ng saglit ang katabi niyang si Andy na may sarili ring nakasaksak sa tainga. Sa pagkakaalam ni Michelle, kanina pa itong nagpipilit makatulog dahil makikita ang mga nakasirang matang kumikislot ng kaunti. Ngunit dahil hindi nito mapatulog ang sarili, nagbilang na lang ito ng mga ilog na nadaanan ng paglabas na nila ng siyudad, nalito na rin sa bilang dahil mukhang madaling magulo ang pokus nito.

AlaSais : Nightfalls at Six (Unfinished)Where stories live. Discover now