Chapter 5

3 0 0
                                    

"Hoy!" sigaw sa'kin ni Cyan na para bang nang aasar.

"Kanina pa tulala ah?" sabi naman ni Valentina.

"A-ah, may iniisip lang. Kain na tayo para marami pa tayong mapuntahan" sagot ko.

At this point, iniisip ko talaga yung nakita ko kanina. Sure akong siya yun, yung nagbigay sakin ng wallet ko. Gusto ko siyang pasalamatan nang mas maayos pero shit sayang dahil tinulak na ako netong sila Iannah.

Nang matapos kaming kumain, naglibot libot kami at namili ng mga pwedeng ipasalubong. Umuwi na rin kami agad sa tinutuluyan naming hotel.

"Celeste, sunduin mo daw saglit si Leo sa lobby, shunga eh!" sabi ni Ellie.

"Nagpaiwan pa kase sa cafe e! Kala mo naman may imemeet up, tse!" sagot ko, pero wala din naman akong nagawa at sinundo na si Leo mag isa.

- Riya's POV -

When I was about to enter the elevator. Nakita ko ulit siya, at tila bang nagmamadali to at inis na inis sa kausap sa telepono. Di ko napansin na nakatitig lang ako sakanya magdamag sa loob ng elevator.

- Celestine's POV -

Nakasabay ko siya sa elevator, iyong kapitbahay ko sa condo. Nagkatinginan kami pero binalewala ko na lamang. Dahil sa sobrang inis kay Leo.

"M-miss, you dropped your handkerchief" sabi nung kapitbahay ko sa condo.

"Thank you." saad ko naman.

"A-are you free tomorrow?" nauutal netong sabi. Hindi pa nga namin kilala ang isa't isa, inaaya niya na'ko? Hmm?? Saan naman ako dadalhin nito? At para saan?? May gusto ba sakin to? EMS!

"Not interested." pagpapakipot ko. Akala mo naman hindi iniisip iyong babae kanina.

"sungit naman" bulong nito pero rinig na rinig ko naman.

"What did you just said?!" nataasan ko ng boses ito dala na rin ng pikon ko kay Leo.

Just when she was about to tell something, pababa na'ko ng elevator. Kaya naman hindi natuloy ang dapat sasabihin nito sakin at madaling madali na rin ako kase nasa lobby si Leo at inaantay ako.

Pagkarating ko naman sa lobby nakita ko agad si Leo, nakaupo ito sa sofa ng lobby at abala sa pinapanood sa telepono. Tinapik ko siya at biglang siyang napasigaw na ikinagulat ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If Only Gender Wasn't The Problem Where stories live. Discover now