He started proposing endearments-which sometimes cringes on me since hindi ako sanay. But I'll also try to call him differently because he's also trying.

Hinawakan niya rin ang kamay ko sa public, nahihiya ako pero. . . no'ng tiningnan ko siyang masaya lang at walang pakialam sa mga tumitingin sa amin, do'n ako na-amaze. Nago-overthink ako, habang siya ay assured at wala siyang pakialam sa ibang tao dahil ang gusto niya ay mahawakan ang kamay ko. Ako lang ang nagma-matter sa kaniya.

That's so sweet for me. Hindi ko ma-process nang maayos, pero sa tuwing tinitingnan ko si Caiden sa mga mata-palagi akong pinapaalahanan no'n na mahal niya ako at boyfriend ko siya kaya wala akong dapat ikatakot-na dapat ko siyang pagkatiwalaan at wala akong ni-isang dapat ikabahala.

Kaya dahan-dahan. . . maiisip kong. . . ito pala 'yung pag-ibig na sinasabi nila?

Ito pala 'yung pagmamahal na umaapaw. Ito pala 'yung pakiramdam na assured ka sa isang tao. Ito pala 'yung pakiramdam na safe na safe ka.

Kung ito 'yung pagmamahal na sinasabi nila. . . sobrang sarap pala talaga sa pakiramdam.

At sigurado na rin akong ayaw ko na 'tong mawala. . .

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Nang natapos na rin magkuwentuhan sina Tita Divine at Mama, sinabi ko na rin sa kanila ang totoo. Sa Veranda ko sinabi sa kanila, kung saan din kami nag-usap nina Ashton. Nauna na rin sila nang nag-good night na sina Tita Divine sa amin dahil matutulog na rin sila ni Tito Austray.

Kaya kinuha na rin namin nina Mama, Papa, at Kuya ang chance para makapag-usap-usap.

"Kagabi lang naging kayo?" Pagliliwanag ni Mama at seryosong-seryoso siya habang tuwid ang tingin sa akin.

Tumango ako. "Opo, he confessed kung gaano niya ako kagusto at kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Lahat naman ng sinabi niya ay nagma-match sa mga actions niya. At malalim na rin 'yung nararamdaman ko para sa kaniya. Sanay na sanay na rin ako sa presensiya ni Caiden. Hindi ko namamalayan na gustong-gusto ko na rin pala siya. Na-realize ko na gusto ko siya no'ng nago-overthink na ako sa mga maaring mangyari sa amin," sabi ko.

"Paano ka naman nagkagusto sa kaniya? Dahil lang sweet siya sa 'yo?" Nakakunot-noong tanong ni Papa.

Umiling naman ako ngayon. "Hindi po, Papa. Beyond po siya sa pagiging sweet, e. Ang sarap at gaan sa pakiramdam ng presensiya ni Caiden. Wala akong nararamdamang kahit na anong kaba or kailangan kong patunayan 'yung sarili ko sa kaniya or else matu-turn off siya," sabi ko at mahinang tumawa.

"Sigurado ka ba talaga diyan, 'nak? Ngayon ka lang nagsabi sa amin na pumasok ka na sa isang relasyon. Pinachika ko sa 'yo kasi nagulat ako na nag-bless si Caiden sa amin. Normal lang naman 'yon, 'nak, pero hindi naman niya 'yon ginagawa noon. Kaya napansin kong parang may nagbago ata," sabi ni Mama.

"Opo, Mama. Sigurado po ako kay Caiden dahil sigurado rin po siya sa akin. Sanay na sanay na rin po kami sa isa't isa. Parang hindi na po kami mapaghihiwalay. Hindi ko po alam, sa totoo lang, kung ano 'yung pagmamahal na dapat kong maramdaman mula sa kaniya-pero natutunan ko mula sa inyong mga mahal ko sa buhay, na ang pagmamahal ay nagmumula sa salita at gawa; at kung paano ito ipinaparamdam," sabi ko at ngumiti.

Namuo ang luha sa mga mata ko habang tinitingnan ko sina Mama, Papa, at Kuya na pinuno ako ng pagmamahal mula bata ako. Natutuwa ako na ngayong nararanasan ko na kung paano mahalin ng ibang tao, alam ko kung paano ko 'yon tatanggapin, dahil tinuruan nila ako kung paano.

"Mahal ka rin ba ni Caiden?" Sabi ni Papa.

Tumango ako at mas nilawakan ang ngiti ko. "Palaging siya nga po 'yung nagsasabi na mahal niya ako. Alam ko pong mas lalalim pa 'yung mayroon kami. At ngayon pa lang, pinapatunayan na ni Caiden lahat ng sinabi niya no'ng nag-confess siya sa akin. Walang nagbago sa consistency niya. Mas nag-level up pa nga po kung gaano niya i-express sa akin 'yung pagmamahal niya," sabi ko.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now