ii

13 3 0
                                    

Naisaayos ko naman ang naging problema ko sa sundalo, sa kabayo, at tagabantay ng mga kabayo. Ang lakas ng kaba ko sa kanila, sa ngayon ay  kinakailangan ko ng  bumalik muna sa Vumecia.

"Gabay, nasa ayos na ba ang lahat?"

Tumugon ang gabay, "Oo, maaari ka ng bumalik sa Dalmond."

"Dalmond?" tanong ko sa sarili.

Nakalimutan ko nga pa lang Dalmond na ang tawag sa Vumecia, nasanay kasi ako tawag dito ay Vumecia. Sino ba naman kasi tatanggapin ang pagbabago nito.

"Ina, bakit Vumecia ang tawag mo rito sa Dalmond? bakit ang mga kaibigan ko ang tawag nila ay Dalmond?" sunod-sunod na tanong ko kay Ina.

"Dati itong Vumecia, anak," tipid nasagot ni Ina, at ngumiti sa'kin. "Bata ka pa kaya hindi mo gaano mauunawaan pero ikukuwento ko sa'yo mamaya, kung paanong naging Dalmond ang Vumecia."

Hindi ko man gaanong maunawaan ay napangiti ako ng napalaki dahil sa ikukuwento niya mamaya.

Naalala ko tuloy ang Ina, nakakamiss din kapag walang nanay na gumagabay o nakaaligid sa'yo. Kahit na matagal na ang panahon na wala na ang Ina.

Kinuha ko  ang bato upang  bumalik sa Vumecia.  Sinigurado ko munang wala ng ibang nilalang ang nakaaligid upang mas madali akong makabalik.

"I'm the only one can use magic?"  gulat na gulat na tanong ko kay Ina.

"Hindi naman anak, lahat tayo ay pinanganak  na mayroon kapangyarihan na taglay ng isang wizard, at hindi 'yon tinatawag na magic, ito ay emachantic." paliwanag ni Ina.

Nakatingin lang ako kay Ina dahil hindi ko gaanong maunawaan ang kan'yang sinasabi. Nasulyapan kong bahagyang ngumiti ang Ina.

"Apat na taon ka pa lang kaya sa tingin ko hindi po masasagap ang mga impormasyon." dagdag ni Ina.

"Ina, i-kuwento mo pa rin. Gustong kong malaman ang lahat-lahat." habang ibinuka ang dalawang braso, at kamay ng napakalaki.

"Listen to me well?" paninigurado ng Ina.

Tumango-tango ako upang ihanda ang sarili sa pakikinig.

"5 years ago,  tatlong buwan pa lamang ikaw sa'king sinapupunan. Nagkaroon ng matinding giyera rito sa Dalmond, para hindi ka malito Dalmond ang itatawag ko sa mundong 'to, ayos ba?" tanong ni Ina.

Tumango ako bilang tugon.

"Kilala mo naman ang hari natin, 'di ba?" Tanong ulit ni Ina

"Opo, si Haring Dalmond Finn!" sumigaw pa 'ko dahil sa excitement. Iniidolo ko kasi si haring Dalmond.

"Dahil nagkaroon ng matinding giyera rito sa Dalmond, at nanalo si Haring Dalmond.  Pinapalitan niya ang pangalan ng mundo ng Dalmond mula sa pangalan na Vumecia. Maraming hindi payag dahil 'Vumecia' ang tunay na pangalan nito." paliwanag ni Ina.

"Nakasusunod ka pa, anak?" tanong ni Ina.

"Hindi po gaano pero tuloy niyo lang po," pagsisigurado ko sa Ina.

"Pinanganak tayong lahat na mayroon kapangyarihan katulad ng sabi ko kanina, tinatawag tayong wizard vumecian o vumecian. Pero dahil sa pagiging makasarili ng Haring Dalmond. Tinake advantage niya ang kaniyang pagiging Hari na bukod sa pagpalit ng pangalan ng Vumecia ay hindi niya pinayagan lahat ng Vumecian na gumamit ng kahit anong kapangyarihan bilang isang Wizard."

Nalungkot ako sa sinabi ng Ina, iniidolo ko pa man din siya.

"Gusto mo pa bang ituloy, Ronan?" paniniguradong tanong ni Ina.

"Opo, Ina."

"Mas mabuti siguro'y matulog ka na, Ronan. Bukas na bukas ay ikukuwento pa ang ibang nangyari."

"MR. Ronan, nakahanda na ang pinto sa 'yong pagbabalik mula sa Dalmond." naibalik ako sa sarili ng magsalita ang gabay.

"Paumanhin, mukhang napalalim ang aking iniisip. Dalhin mo na 'ko sa Dalmond."

"Opo, Mr. Ronan."

Saglit lang naman ang aking paglalakbay, sinakto ko na sa k'warto ako lumabas ng pinto dahil p'wede mayroon makakita ng pagbabalik, at hindi p'wedeng mangyari iyon.

Kinuha ko ang libro mula sa'king dalang bag.

"Kabanata 11

Kung nagawa mo na ang lahat ay bumalik ka sa Vumecia kunin mo sa ilalim ng iyong kama ang gintong treasure box, at ilagay ang mga kinuhang alala. Gamitin mo ang susing ng pinto upang mabukasan, at maisara ito. Bago iyon hindi mo basta-basta makikita ang gintong treasure box dahil hindi ito basta nagtitiwala sa kung sinu-sino kaya mabuting magpakilala, sambitin ang iyong ngalang, at kung anong intensyon mo rito." binasa ko ito sa'king isip.

"Masyadong matrabaho ang pagbura ng memorya kaya kinakailangan ko ng mag-ingat, at kung wala ang gabay, at  gamit ni Ina ay mahihirapan ako. Masisira ko pa ang historya ng bawat bansa sa mundo ng mga tao." bulong ko sa sarili.

Inihanda ko na ang sarili upang sambitin ang kagustuhan ng libro, at gintong treasure box.

"Ako si Ronan Fleetwood, at nais kong ilagay ang mga alaalang aking kinuha dahil sa'king hindi pag-iingat."

Hindi pa rin lumilitaw ang gintong treasure box. Kaya parang lalabas ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito. Binuklat ko muli ang libro pero wala ng kadugtong ang Kabanata 11.

Nagkaroon ng liwanag sa ilalim ng aking kama, sinulyapan ko 'to. Lumitaw ang aking hinihintay na gintong treasure box.

Katulad ng sabi ng libro ay ginamit ko ang susi ng pinto upang buksan ito, at nilagay ang mga bolang maliliit na mayroong alaala.  Pagkalagay ko ng bolang maliliit kung nasaan ang memoryang binura ay naging papael ito.

Nang isinira ko na ang gintong treasure box ay paunti-unti itong naglaho mula sa kaniyang p'westo. 

Napahinga ako ng malalim dahil natapos na rin ang problema ko. Kailangan ko ng bumalik sa mundo ng mga tao hindi pa ko maaaring manatili rito dahil malalaman nila kapag gumagamit ako ng emachantic. May kalayaan kasi ako kapag nasa mundo ako ng mga tao dito ay hindi p'p'wede.

Bago 'yon aalamin ko pala ang balita ang nagaganap dito sa Dalmond.

"Gabay, anong ganap dito sa Vum—Dalmond?"

Sobrang sanay na sanay ako na tawaging Vumecia ang Dalmond.  Isa pa Vumecia naman talaga ang tunay na pangalan ng mundong 'to.

Sinabi ng gabay na wala pa ring sa kapayapaan ang mundong 'to. Sino ba naman kasi talagang magiging payapa kung lahat ng kilos mo ay pinanood o kung lumaban ka ay habang buhay kang patatahimikin.  Kaya ang mga Vumecian o mga wizard sa Vumecia ay pinipili na lang manahimik.

Masakit para sa'ming vumecian ang pagiging hari ni Dalmond. Hindi ko naman masisi ang batang ako kung noon ay inidolo ko 'to pero buti na lang na ikuwento ni Ina ang kawalanghayaan na ginawa nito.



Door of Fleetwood Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang